CHAPTER 8

35 24 3
                                    

SABADO na ngayon, at eto ako tulala lang sa kisame. Wala din nagtetext sa akin, yung mga pinsan ko naman may kanya kanyang pinagkakaabalahan.

Tinignan ko ang cellphone ko. Wala talaga message. Nakakapanibago naman.  Mag isa lang talaga ko.

Naisipan ko na kumain muna, pumunta ako sa kusina at nag luto ng bacon.

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ulit ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, nagtaka ako hindi ko naman pinatay ang ilaw.

Nagulat ako ng bigla bumukas ang ilaw at nakita ko ang mga taong importante sakin.

"SUPRISEEE! HAPPY BIRTHDAY SIA, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY SIAA" kanta nilang lahat habang may hawak na mga cake si papa at ang apat kong mga tito.

Naiyak na naman ako. Maski kasi ako hindi ko na matandaan ang kaarawan ko.

"Wag kang umiyak princess". Ani papa malapit lang sakin.

"Masaya lang po ako" ani ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Blow the candles, mag wish muna Sia" ani papa at yung cake na hawak nya ang hinipan ko.

Sana ganto nalang kami.

Sunod kong hinipan ang hawak nila tito.

Sana makalimutan ko na ang lahat ng nangyari 7 years ago.

Sana ang narcolepcy ko matapos na.

Sana wala ng mawala sa amin lahat.

Masaya ako, sana laging ganito.

"Group huggg" ani mga pinsan ko at niyakap ako.

"Saliii kameee" ani tito Land binaba ang cake, ganun din sila papa, at nakisali sa group hug.

NASA sala kaming lahat, exept kila papa, bonding daw namin to. Nagbibigay na sila ng mga regalo nila para sa akin.

"Ma'am may bisita po kayo" ani ng katulong namin. Napatingin naman ako sa may pintuan namin, at dun nakita ko ang hindi ko inaasahan tatlo sila pero inaasahan ko na yung isa, napatayo pa ko sa gulat.

Yung kuya ko!

Agad ako tumayo at lumapit kay kuya Axi, para yakapin.

"Nandito na ko princess. Happy birthday" ani nya.

"Huwag na aalis ha, huwag mo na kami iiwan." ani ko habang yakap yakap ko pa din sya.

"I promise di na ko aalis pa" ani nya.

Napangiti naman ako. Sa tabi ni kuya Axi nakita ko si Rylk na nakatingin sakin.

Kumalas ako sa pagkakayakap namin. "Lagot ka kay papa" ani ko.

Ngumiti lang sya sakin. Bumalik kami sa sala, at pinagpyepyestahan na nila si Rylk. Hindi ko alam kung pano nya nalaman na birthday ko, at kung sino ang nagpapunta dito. Si Rhy naman pilit kinakausap si Jes.

"Nga pala, nasan ang kuya Czar nyo?" tanong ni Kuya Axi sa tabi ko.

"I don't know. Nung nawala ka, bigla na din sya nawala. Akala nga namin magkasama or magkaaway kayo." ani ko. Hindi na muling kumibo si kuya Axi. Nagpaalam ito na magpapahinga muna.

"My Anesthesia, pwede ba kitang makausap sa labas" ani Jes. Tumango naman ako. Wala naman akong ginagawa kundi kumain.

Nasa labas na kami. Humarap sya sa akin at may kung ano nilagay sa leeg ko. Napahawak agad ako dun. Kwintas. Heart shape sya pero parang may kulang, hindi buo yung pagkakapuso. Tumingin naman ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin.

Falling AsleepWhere stories live. Discover now