CHAPTER 4

46 30 7
                                    

SABADO ngayon kaya naisipan namin na mag family bonding. Nasa isa kaming private resort na pag aari ni tito Land/papa ni Vhianna.

"Anak wala ka bang balita sa kuya mo?" tanong ni papa.

"Wala po pa. Kahit text or call wala." sagot ko.

"Ang kuya mo talaga tumatandang paurong." inis na ani papa.

Di namn dati ganun si kuya Axi. Mabait yun lalo na pagdating samin. Prinsesa ang turing niya saming magpipinsan. Lalo na sakin na kapatid nya. Namimiss ko na nga sya.

I tried to call him but it can't be reach.

I decided to text him.

Kuyaa! Where are you? Im worried😟 ! Dont you miss your princess? Balik ka na. I need my kuya 😔.

Sent!

"Sia come here!" tawag sakin ng mga pinsan ko. Nasa pool na silang lahat. Nakabukod naman sila papa na naglalaro pa ata sila nila tito Anton.

"Nasan nga pala si Jes" tanong ni Rhyza

"Wala sya dito, nasa US sya dahil namatay yung lola nya." ani ko.

"Ah but his not replayed my text and chats!" nagmamaktol na ani Rhyza.

"Hoy himpapawid baka hindi ka lang nya type kaya tigilan mo na yan!" singit ni Khat.

"Maganda naman ako ah! Matalino din, may kaya, madami nga nagkakagusto sakin!" sagot naman ni Rhyza.

"Eh ang tanong KASAMA BA SYA SA NAGKAKAGUSTO SAYO?" ani Khat na halatang inaasar si Rhyza.

"He being pakipot lang. I know gusto din nya ko."

"Alam mo siz tigil na. Di pa ba sapat ang pag ignored nya sayo para magising ka na wala syang gusto sayo." ani Khat. Lumapit pa kay Rhyza para akbayan ito pero tinulak sya ni Rhyza dahilan para mahulog sya sa pool.

Walang tumulong sa kanya. Tumawa lang kami lahat.

"Dapat vinideo ko HAHAHAHA." ani Dhazel. Ps. Girl po sya.

"We have CCTV here" ani Vhianna.

"Mga lapastangan kayo! Ikaw!" turo ni Khat kay Rhyza" Pagbabayaran mo ito". Ani nya at nambasa.

Nakatambay lang kasi kami sa gilid ng  pool kasi malamig ang tubig.

Nahuli ni Khat si Rhyza at magkasama na sila sa pool. Yung iba hinahabol yung mga paa para mahulog sa pool.

Halos lahat nasa pool na exept me and Dhazel. Magaling kasi si Dhazel sa martial arts kaya tinatalon lang nya ang panghaharang sa kanya.

Lumapit ito sakin."Ililigtas kita" ani nya at nagulat ako sa ginawa nya. Tinulak nya ko sa pool.

"Si Dhazel nalangggg!"

"Hulihinnnn!"

"Ipaghiganti si Sia!"

At nagsialisan nga ang mga pinsan ko sa pool para hulihin si Dhazel.

Aahon na sana ako nang makita ko na buhat na nila si Dhazel.

"1....2....3!! Bilang nila at binalibag sa pool.

Natawa nalang ako sa kalokohan nila.

Nagtagal din kami sa pool. Naglaro, nalunuran, at nagbasaan pa.

"Mga prinsesa it's lunch time!" sigaw ni tito Anton.

Umahon kami para mag lunch na. Pagkatapos kumain nagpahinga muna kami. I decide na mag ikot ikot sa resort. Habang nag iikot ikot ako di ko inaasahan na makikita ko siya.

Falling AsleepWhere stories live. Discover now