CHAPTER 6

50 27 1
                                    

HINDI ako makatulog dahil naalala ko pa din yung pagyakap ko sa kanya kanina. Natapos namin yung report ng walang imikan. Saka lang kami nag usap nung umalis na siya. Sabi nga chat chat nalang daw or text.

Maaga pa naman 8pm palang. Nakapag dinner na ko. Di rin ako inaatake ng narcolepsy ko. Kailangan ko ba uminom ng sleeping pills?

May sleeping pills ako sa drawer ko. Tinatago ko lang yun, kay papa talaga yun, nakita ko tinapon nya kaya kinuha ko. Hirap kasi ako makatulog, dahil sa nightmares ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Kuya Axi.

To:Kuya Axi

Kuyaa! Uwi ka naa. Miss na kita:-(

Sent...

1messenge

+639672.......

Its me Rylk. Are you awake?

Natigilan ako sa nabasa ko. Bumibilis na naman tibok ng puso ko!

Relax Sia tungkol lang yan sa report.

Sinave ko yung number nya at nagreply.

To:Rylk❣️

Yes Im still awake. Why?

Sent...

From:Rylk❣️

Thank you for this day.

To:Rylk❣️

Welcome:-)

Sent...

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa din reply.

"Ang tagal magreply!" ani ko habang nakatingin sa messenge ko.

"Sino yang katext mo?" nagulat ako ng may magsalita mula sa pinto ng kwarto ko. Si papa pala.

Naupo ako sa kama ko.

"Bakit po?" tanong ko. Seryoso na naman kasi muka nya.

"Im just checking you. Mukang okay ka naman. Sino yang katext mo?" tanong nya ulit.

Pag nalaman ni papa na katext ko si Rylk magiging oa na naman siya.

"S-si ano...... Si...... Si KUYA AXI!" Yun nalang ang naisagot ko.

"Ano sabi nya. Kailan daw sya uuwi?" tanong ni papa. Halata naman na worried sya kay kuya ayaw lang nya aminin.

"Ang sabi nya aayusing lang daw nya ang sarili nya. Babalik din daw sya soon." ani ko. Medyo matagal na din yun pero atleast yun ang totoo.

"Sabihin mo jan sa kuya mo, bilis bilisan nya.. Namimiss na natin sya." ani papa.

"I know kuya Axi namimiss din nya tayo. Kahit nagre rebelde sa inyo hindi sya nagkulang pagdating sakin." ani ko. Niyakap nya ko.

"Mauna na ko Princess, matulog ka ng maaga." ani nya at umalis na ng kwarto ko.

Tinignan ko ulit yung cellphone ko yung may nagmessenge.

2messenge

From: Kuya Axi

Im sorry princess, I can't go home for now.

To:Kuya Axi

But why? Ayaw mo na ba samin? Im hurting kuya.:-(

1 messenge

Akala ko si Rylk na kaso...

From:My Jes💖

I miss you na agaddd!!♥♥

Falling AsleepWhere stories live. Discover now