CHAPTER 7

33 24 1
                                    

HINDI ako pinapasok ni papa ngayon.

Nigthmares!

Kailan ba matatapos ito, nakakasawa na, paulit ulit nalang.

"Anak kumain ka muna" ani papa may dala syang pagkain. Nagtalukbong ako ng kumot. "Wala po akong ganang kumain" ani ko.

"Anak kailangan mo kumain, baka mapano ka nyan."

"Pa, you know, na ayaw ko ng kausap, pag nangyayari to sakin, just leave me alone" ani ko. Hindi ko gustong pagsalitaan sya ng ganun. Pero kailangan, ayoko ng dagdagan pa ang pasakit ni papa dahil sakin.

Pag nalaman nya ang nangyari sakin, yung sarili naman nya ang sisisihin nya.

Mas mabuti nang ganito, hanggang kaya ko, kikimkimin ko muna.

Ilang sandali lang nakatulog na ako.

NAGISING ako sa ingay na nang gagaling sa loob ng kwarto ko.

"Shut up Khat you so maingay!"

"Hoy himpapawid, ikaw jan ang maingay, pag nagising si Sia ikaw may kasalanan."

"Shut up you two, pag uuntugin ko kayo"

"Hoy lilang bulaklak, ikaw uuntugin ko"

"Ughh dont call me that! Dhazel Lvndr my name not lilang bulaklak."

Ang ingay nila, bat sila nandito.

"Ayan tuloy nagising na si Sia"

Natapos ang bangayan dito at sakin naman sila nagsilapitan.

"Okay ka na ba Sia?

"Ang putla mo"

"Kumain ka muna"

"Hala mainit ka"

"Dapat kasi kumain ka"

Ang dami nilang sinabi, sabay sabay pa sila. Lalong sumakit ulo ko sa kanila.

"Hala, tawagin mo na sila tito ang taas ng lagnat nya."

Ang sama ng pakiramdam ko, at ang init ng buong katawan ko.

Ilang sandali lang dumating sila papa.

"My princess dadalhin kita sa hospital" ani papa. Umiling naman ako. Ayoko sa hospital.

"Ang ingay nyo, matutulog pa ko" ani ko. Lalo kasi sumasama pakiramdam ko. Para kahit anong oras mawawalan na ko ng malay.

Ayun nga ang nangyari, nawalan na ko ng malay.

"WALA talagang kwenta! Pareho kayo ng kuya mo, walang silbi!" ani kanyang ina habang hinahataw siya ng latigo sa likod.

"Ma tama na po!" umiiyak na ani ng batang si Anesthesia. Walang tigil sa pakiusap at pagsumamo ngunit tala walang pakiramdam ang kanya ina na patuloy pa din sa paglalatigo sa anak.

"Tama na ha! Yang tatay mo ayaw na akong sustentuhan! Naghihirap ako dahil jan sa tatay mo! Kaya sayo ko nalang ibubuhos lahat ng galit ko!" ani ng ina nito. Hindi pa nakontento at sinabunutan ito at dinala sa may dam na puno ng tubig at nilunod ang bata dito.

"Mamatay ka na!" galit na ani ng ina bahang sinusubsub ang anak sa dam.

Pilit naman nagpupumigas ang bata ngunit di nya kinaya ang lakas ng ginang. Hanggang sa nawalan na ng malay ang batang si Anesthesia.

NAPABALIKWAS ako ng bangon, napahawak ako sa dibdib ko, nahihirapan akong huminga.

Tulong.

Falling AsleepWhere stories live. Discover now