CHAPTER 9

41 22 2
                                    

HINDI talaga ako makatulog, pagulong gulong na ko sa kama ko, hindi pa din ako tinatamaan ng antok.

11:40pm

Antagal ko na pala, gising. Kung chineck ako ni papa tiyak papagalitan ako nun.

Nagfocus ako sa pagtulog.

"Ughh ano ba kasi yung pinag usapan nila!" ani ko at umupo nalang. Di talaga ako makatulog.

Binilang ko na lahat ng tupa, kambing, kabayo at aso, di naman ako nakatulog.

Ang alam ko lang japanese yung salita nila pero hindi ko maintindihan

Dat pala nakinig ako kay kuya Axi na mag aral ng salitang japanese.

AHA! Tatanong ko nalang kay kuya.

Ughh! Sad to say hindi ko na maalala mga pinag usapan nila. 

"Itulog mo nalang nga yan Anesthesia" pagkausap ko sa sarili.




"HOY SIA GISING NA!"

"Pampamanhid wake up na"

"Sia malelate na tayo sa school"

Ughh! Inaantok pa ko" nagtalukbong ako ng kumot. 

Bigla nalang ako hinila at pinagtulungan buhatin, nagpupumigas ako pero ang dami nila.

"Ayaw mo bumangon hah, oh ayan may instant ligo ka na" ani nila at 

Hinilog ako sa pool!

Agad ako tumayo, ang lamig ng tubig. Tinignan ko sila ng masama.

Pero bago ako magreklamo, sunod sunod silang tumalon sa pool.

May saltik na naman ba mga pinsan ko? Sobrang lamig kaya ng pool, nanginginig na nga buong katawan ko pati labi ko nanginginig na.

"Oh ayan gising na diwa mo Sia" ani Dhazel

Hindi ko nalang sila pinansin at umahon na.

Nakasalubong ko si MC na nagtataka nakatingin sakin.

"Anong nangyari sayo? Nanginginig ka pa, sandali kukuha ako ng towel" ani MC at nauna pumasok sa loob.

Pagbalik nya agad nilagay sakin ang twalya. Inalalayan din nya ko.

"Ano na naman ba pinag gagawa ng mga pinsan natin" inis na ani Mc.

"Ginigising lang nila ko, kaso hindi ako bumabangon kaya ayun hinulog nila ko sa pool. Pero okay lang naman ako" paliwanag ko.

"Pero hindi pa din yun tama."

"Masyado mo naman yata akong mahal hahaha" pag eechos ko.

Pabiro nya kong inampas"Concern lang naman ako, lalo na sakitin ka pa."

Napangiti naman ako, lahat yata samin magpipinsan may concern sakin, kahit na sumobra yung tahimik ni Mc.

"Huwag kang mag alala okay na ko ngayon, maliligo na ko" ani ko at pumasok na sa kwarto ko.

Naligo at nagbihis na ko. Maayos naman ang muka ko, hindi ko ma kailangan ng make up or liptint kahit pa maputla ang labi ko.

"Sia sorry nga pala kanina hindi namin naisip na lalamigin ka." Ani Dhazel

"Yeah sorry Sia hindi na namin uulitin"ani naman ni Ryza.

"Okay lang ako, pasensya na hindi ko masakyan mga trip nyo" ani ko at nauna ng lumabas ng bahay at sumakay sa bike ko.

Habang nagpipidal ng bike unti unti ko nararamdaman ang pagpikit ng mata ko

My narcolepsy!



Flashback!

"Ibenta nalang natin ang batang yan para may pakinabang naman" ani ng isang lalaki

"Hindi pwede, may plano na ko sa batang yan"ani ng ina ni Sia.

Nakagapos ang kawawang paslit at punong puno ng mga sugat na gawa ng palo at hambalos ng kanyang ina.

"Sya ang malas sa pamilya namin, simula ng nabuhay sya, nagkanda letche letche ang buhay ko." Ani ng ginang.

"Kaawa awang bata" ani ng lalaki.

"Hindi pa yan sapat, gusto kong makita ng tatay nya na naghihirap ang kaawang awa bata ito ng dahil sa kanya."puno ng puot na ani ng ginang.

Lumingon ito sa mga tauhan nito"handa na ba ang alcohol?" Tanong nito.

"Opo madam" ani ng isang tauhan at may kinuhang timba na may laman na alcohol.

Malademonyong ngumiti ang ginang habang nakatingin sa walang malay na anak na puno ng sugat.

Lumapit ito sa anak at malakas na sinampal ang bata upang magising ito.

Nanghihina dumilat ang bata. "T-ta-ma n-na m-mama"

"Sad to say, hindi pa ko nakokontento" ani ng ginang at binuhos ang alcohol sa katawan na puno ng sugat sa anak.

Napahiyaw sa sakit ang bata, at halos mawalan na ng boses.

Habang sumisigaw sa sakit ang anak, humahalakhak sa tuwa ang ina.

Tuwang tuwa at nag eenjoy sa panunuod ang mga tauhan ng ginang. "Navideohan ko to boss"

Nakangiting lumingon ang ginang sa tauhan"isend mo yan sa pinakamamahal kong asawa. Hahaha, gusto kong makita ang muka nya habang mawiwindang"

"Ang tatag naman ng anak ko hanggang ngayon buhay pa din"ani ng ginang sa anak. "Gusto mo bang tapusin ko na ang paghihirap mo?" Nakangiting tanong nito.

"Bumili kayo ng kabaong na kakasya sa batang ito, pati lapida para naman special ang pagkamatay nya"ani nya sa tauhan.

Kinuha ng ginang ang cellphone nito at tinawagan ang asawa, ilang sandali palang sinagot ito.

"Walang hiya ka, demonyo ka! NASAN ANG ANAK KO!"galit na ani ng asawa.

"Anak mo? Diba na sayo ang anak natin" 

"Alam kong ikaw ang kumidnap sa anak ko, ibalik mo na ang anak ko"

"Hmm, may isesend akong video sayo, para makita mo na ang kalagayan ng pinakamamahal mong prinsesa" ani ng ginang at pinatay ang tawag.

"Isend mo na ang video" ani ng ginang sa nagvideo sa kanila.

"Okay na po boss"

"Good, gusto ko tuloy makita ang itsura nya ngayon"

Tinawagan nya ulit ang asawa, agad naman itong sinagot.

"Hayop ka, papatayin kita! Ibalik mo ang anak ko demonyo ka! Papatayin kita!" Galit na ani ng ama ni Sia

"Too late, bago mo ko patayin, napatay ko na ang anak mo"

"Boss ito na ang kabaong"ani ng tauhan ng ginang. Narinig ito ng asawa mula sa cellphone.

"Wala kang awa, anak mo din sya! Huwag mong gagawin yan, baliw ka na!"

"Kasalanan mo kung bakit ko to ginagawa! Kung hindi mo ko iniwan, hindi mangyayari ito! Let's have a game, buhay pa naman ang anak mo, kaso nanghihina na kaya ililibing ko na, kung gusto mo hanapin mo nalang kung saang sementeryo ko sya ililibing, isang oras lang pag hindi mo sya nahanap bye bye Anesthesia."ani nito at pinatay na ang tawag.

"Kalagan nyo yan, lagyan ng oxygen pang isang oras lang. Ilagay nyo na sa kabaong yan!"




NAGISING ang batang si Sia na nakahiga sa kabaong, at inililibing na. Pilit nya binubuksan ito ngunit wala na syang lakas para mabuksan ito. Nawawalan na din ng hangin, nahihirapan na itong huminga.

"P-papa t-tulong"iyon na lamang ang nasabi ng bata at tuluyan ng nawalan ng malay.



Falling AsleepWhere stories live. Discover now