Season 1: Episode 1

33.4K 1.6K 2.1K
                                    

Napakatahimik ng buong bahay. Bagay na nakasanayan ko na dahil madalas, ako lang naman talaga ang mag-isa rito. Pero may kakaiba sa katahimikan ngayon, may kahalo itong emosyon na labis na nagpapakaba sa akin.

"Son, listen . . ."

"Yes po, Dad. I am listening." I softly yelled para marinig ako ni Dad. Nasa side table kasi iyong cell phone ko. Naka-loud speaker lang iyon dahil busy ako sa pag-impake ng mga gamit.

"Ikaw na lang ang natitira sa akin ngayon. Your Mom already left us after you were born and I can't afford losing you, too." Sadness is the main thing on Dad's husky voice.

Napalunok ako habang inilalagay sa malaking bag ang mga jersey ko galing sa liga ng basketball dito sa barangay namin. Napapahinga na lang ng malalim, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay dad.

"So, please. Hurry up. The virus is spreading fastly and it might reach the Philippines without us knowing it." Dad continued.

He's talking about the new unknown virus na kumakalat sa buong mundo. As per what I read from the news, it was so lethal that it might erase the whole human race.

At first, we thought it was a joke. Because the hell? The effect of the virus is so out of the context of reality!

Nagiging zombie ang mahahawaan ng virus?

Come on, don't shit on me!

But our laugh didn't last long. Not until reality hits us.

That virus is real. It's fucking real.

Ang pinupintirya ng virus ay iyong mental health ng biktima nito. Making them suffer from paranoia and psychosis. With it, the victim will start to experience schizophrenia. Gagawa ng delusyon ang kanilang utak. Hanggang sa ang delusyon na iyon ang maging sanhi ng pagpatay nila sa kanilang sarili.

It was really lethal.

Wala nang tao sa Saudi Arabia, kung saan ito nagmula. Ganoon na rin sa karamihan ng bansa sa Europe. At ngayon, ini-isa isa na ng virus ang mga bansa sa Asya.

Iyon ang dahilan kung bakit ako pinagmamadali ni Dad. He is a cop and he is currently assigned in New Bilibid Prison. Gusto niyang doon na muna ako mamalagi nang sa ganoon ay maprotektahan niya ako.

Kaya heto ako, nagmamadali. Kinakabahan man, pinili kong maging kalmado. Dahil wala namang mangyayari kung mag-pa-panic ako. Walang magandang ma-i-dudulot kung matatakot ako.

"Heto na po ako, Dad. Malapit na po akong matapos."

"Don't bring too much, son. Baka mahirapan kang bitbitin. Ang mahalaga ngayon, makarating ka na dito agad."

Dad, you are not helping!

Kaunti na lang talaga, mag-pa-panic na ako!

"Opo." I bit my lower lips. Trying hard not let my irritation get on my nerves. Pawisan na ako, pero wala na akong pakialam.

"Ilalagay ko na lang po si Orion sa cat backpack ko. Aalis na rin po ako agad."

"Good. I will end the call for now. Keep me updated, okay?"

"Opo, Dad. Okay po."

Then my phone turned off. Hudyat na pinatay na nga ni Dad ang kanyang call. Kaya wala na akong hinintay pang oras, agad ko nang hinanap ang pusa ko.

"Orion?" I walked around my room. Tiningnan ko ang ilalim ng kama ko. Dito kasi siya naglalagi kung minsan.

"Ming ming ming." Pero wala siya dito.

Napatayo ako. Pinunasan ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng palad habang nagsisimulang maglakad sa bukas na cabinet ko.

"Orion, magpakita ka na. Nagmamadali ako." I am wincing as I search for him inside the cabinet. "Ming. Ming ming ming."

The Last Quarantine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon