Season 3: Episode 9

6.5K 487 472
                                    

Briela is about to open the door when I suddenly stop her. I believe that she is not just a typical woman who is weaker than man, but I want to take the lead for her and my son. I suddenly found myself wanting to protect her too.

"Kung hindi lang ako kinikilabutan, Daddy-- ay este, Sir. Gumulong na ako sa kilig dito." She told me with a smile etched on her little face. I only chose to not mind her.

"Alam mo, ikaw." I heard my son. "Tigil-tigilan mo 'yan. Lumandi rin ako habang nasa bingit ako ng kamatayan. Ang ending, namatay 'yung mahal ko."

I glance at him only to see him glaring at Briela who is blushing. "The last thing that I want is to lose one of you. Kaya hintayin mo na lang munang matapos ang pandemic na 'to bago mo akitin si Dad. Kaya mo 'yan, marupok naman 'yan. Diyan ako mana, eh."

Natatawa na lang akong napailing.

As if ther's a chance, son.

That will never happen, I love her mother so much that it will kill me if ever I fell for someone else. It's been sixteen years now and that has always been my perspective in life. Isa lang ang babaeng gusto kong mahalin. At iyon ay walang iba kung hindi ang kaisa-isa kong asawa.

"Yari ka sa 'kin after this pandemic, Sir." Mapanghamok ang boses ni Briela.

Hindi ko siya pinansin. "All of you, prepare your weapon! Pag binuksan ko na ang pintuan na ito, wala nang atrasan. Babaril lang kayo nang babaril hanggang sa marating na natin ang rooftop!"

"Yes, Sir!" Briela and Manuel said in chorus.

"Wow, Catriona?" I heard my son again. "I love the way she makes me smile, she make me smirk. Yes, Sir?"

"Alam mo, buti na lang future step son kita. Kasi kung hindi, itatapon talaga kita diyan sa escape hole."

My son only chuckle. And somehow, it makes me calm down. Atleast now, nakakatawa na siya hindi kamukha kanina. Halos hindi ko na siya makausap dahil sa lungkot.

"I am counting! 1 . . ."

I grab the door knob.

"2 . . ."

Pinihit ko ito dahilan para pumasok ang ingay ng kaguluhan sa lobby. May maririnig ako doong pag-putok ng baril. Ganoon na rin ang maya't-mayang pasigaw na paghingi ng tulong.

"3!"

I opened the door wide. Ang unang bumungad sa akin ay ang buhay na bangkay na parehong nakaluwa ang mga mata. He is smirking at me as if I am his long lost bestfriend.

"Basthy--" I cut him off by planting a bullet straight to his forehead.

"Move!" Kasabay ng pag-sigaw ko ang biglaang pag-tayo ng book shelf. Doon ay isa-isang nag-siakyatan ang mga buhay na bangkay. At sila ang pinatuunang pansin ni Manuel. He is shooting them as we move outside to the fastest extent that we could do.

Ako ang nauuna sa amin. I thank the heavens above noong wala ni isang pag-putok ng baril ang naririnig ko ahead of us. Ang nakakasalubong lang namin ay ang mga buhay na bangkay na may hawak ng kutsilyo o hindi naman ay matulis na bakal. Bago pa nila iyon maihagis sa amin ay napaputukan na namin sila sa ulo.

"Fuck!" I heard Manuel.

Iyon ang dahilan kung bakit ako napasulyap sa kanya. At mula doon, kinilabutan ako sa nakita. Ngayon ay hindi na mabilang ang mga buhay na bangkay ang humahabol sa amin. Hindi na nila magawa pang umatake sa amin dahil sa sila ay siksikan. Wala na ring silbi ang mga baril nila. Tanging paghabol lang ang kaya nilang gawin habang nakakakilabot nilang binibigkas ang mga pangalan namin. Hinding hindi ako masasanay sa kilabot na dala ng malambing nilang mga boses.

"Shit!" Hingal na sambit ni Santhy. "So, heto pala ang reference ng larong Zombie Tsunami?!"

Nagulat ako noong lumiko na kami papunta sa hagdan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil bakante ito. Wala ni isang buhay na bangkay ang makikita.

I should ready myself for the suprise . . .

"Fuck it! I need back up!" Manuel is horrified.

"Briela and Santhy! Tulungan niyo si Manuel! Ako na ang bahala sa harap natin!" Sigaw ko. Pero halos mawalan ako ng hangin sa mga baga noong marating na namin ang hagdan. Doon ay may mga unipormadong buhay na bangkay ang nag-aabang. They are my men, namumukhaan ko sila.

"Good afternoon, Sir." Sumaludo pa sila sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. At wala na akong hinintay pang sandali. Bago pa sila bumunot ng mga baril ay napaputukan ko na sila. Lahat sila ay bumagsak sa hagdan.

"Watch your steps! May harang sa daan!" Sambit ko noong umakyat na ako sa hagdan.

Tila bang hindi iyon narinig ng tatlo dahil sabay-sabay silang natumba. Nanlaki ang mga mata ko noong muntik nang mapataaman ni Manuel ng bala si Santhy. Swear, I freaked out.

"Tayo agad! Bilis!" Buong pwersa kong inabot ang kamay ni Santhy at Briela. Mabilis ko silang hinila pataas hanggang sa malagpasan na nila ang tatlong buhay na bangkay na humarang sa daan namin.

Si Manuel naman ay mabilis na naka-recover. Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa niyang paglagpas sa mga buhay na bangkay.

Umalagwa na kami pataas. Ito ang huling floor, matapos nito ay rooftop na ang matatagpuan.

"Oh my gosh . . ." Briela mumbled when we discovered that this floor is nothing but screaming terror. Mula dito ay kitang-kita naming mapuno ito ng mga buhay na bangkay. But what freak out us the most? They are all just standing while smiling at us. It's as they are waiting for us.

"Ready your weapons!" I yell and then when the zombies started to attack us, it was that specific moment when I started to shoot them.

Bumagsak ang mga buhay na bangkay na nasa unang column. Iyon ang dahilan kung bakit napabagal noon ang gagawing pag-atake nila sa amin.

Mabuti na lang talaga at katabi lang din namin ang hagdan na kumokonekta sa rooftop. Mabilis at sigurado kaming tumakbo papunta doon.

Nang marating na namin ang dulo ay pinaputukan ko nang pinaputukan iyong padlock. Lagi kasi namin itong nila-lock for safety purposes. At wala pa nang ilang segundo ay nasira na namin ito. Agad na kaming lumabas sa rooftop.

"Start the helicopter now!" I yelled at Manuel and he is so quick to run towards it. Sinundan siya nina Briela at Santhy. Hindi nila napansing nag-paiwan ako dito para pagbabarilin ang mga buhay na bangkay.

It was a few more seconds when I started to hear the loud noise that the elesy of the aircraft is producing. Sinabayan iyon ng pagtawa mula sa lunatikong buhay na mga bangkay.

"Tangina! Bilisan niyo!" Gigil na anas ko habang maya't-mayang nagpapaputok. Hindi ko na nga alam kung nakailang lagay na ako ng bala sa baril ko. Basta ang alam ko lang, kailangan ko silang mapigilan sa pag-alagwa laban sa amin.

"Sir! Okay na! Sumakay ka na!" I heard Manuel. That was the moment when I hastily turn my face at him. Matapos ay mabilis akong napatakbo papunta sa kanila.

"Bilisan mo, Sir! Ayan na sila!" Briela is out of breath.

"Dad!" My son has this widened eyes as he urged me to increase my agility.

At putangina, halos mamatay ako sa gulat nang may maramdaman akong humawak sa braso ko.

The Last Quarantine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon