Season 3: Episode 11

6.5K 477 238
                                    

The moment we are falling down from this tall building, I close my eyes and I pray to God. Hiniling ko na 'wag naman dito magtapos ang lahat. My son is still young and he still has countless of great things to experience.

"Dad!" Humikbi ang anak ko.

Malakas ang ginawang pagtibok ng puso ko. Habang kami ay nahuhulog, pakiramdam ko ay para bang magaan lang ang katawan namin. Iyong para ba kaming piraso ng papel na nasa ere, naghihintay kung saan kami dadalhin ng hangin.

"Dad ayoko pang mamatay!" Santhy's voice is rough. I can clearly feel the fear and sadness to battle inside his system.

Pero bigla, kami ay nahinto sa ere. Humigpit ang harness sa amin. Napapakurap akong pinakiramdaman ang nangyari.

At totoo nga, kusa kaming huminto sa ere.

"Kapit lang, Sir! Itataas namin kayo!" I heard Briela. Napalunok ako ng laway noong tumingala ako sa kanila. Ang from there, I saw her and Manuel. They are grabbing the parachute tightly.

"Relax lang, Santhy! Don't move!" Briela continued. Siguro ay dama niya rin ang kaba ng anak ko.

Ramdam ko ang panginginig ni Santhy noong tumango siya sa kanila. I only hug him from the back to calm himself down. But it was to no avail. Hindi talaga ako magaling mag-comfort, that's for sure.

"Hey, son." I still tried to hush him. Pero hindi noong nabawasan ang kanyang panginginig.

Mabuti na lang talaga at malaki ang pangangatawan ni Manuel. Siya talaga ang naging dahilan kung bakit naging mabilis ang paghila nila sa aming dalawa. Tuluyan na nila kaming naitaas. Our feet finally settle to the floor of the rooftop. Mabilis pa sa alas-kwatro kong inalis ang harness ng parachute mula sa katawan namin ni Santhy.

I phew-ed deeply.

Napaupo ako sa sahig. Hindi ko itatangging nanghina ang mga tuhod ko dahil sa takot. Habol ang hininga, napatingala ako sa langit. I thanked God for granting my only prayer on that specific moment.

Noong mapalingon ako sa anak ko ay yakap-yakap na siya ni Briela. He is sobbing like a kid. And Briela is there to just hushed him while caressing the back of his head. She is really good at it and I can't deny that it's fluttering my heart.

"Sir,"

Napatingala ako nang may makitang tumayo mula sa harap ko. It's Manuel. He handed me his hand. Agad ko iyong hinawakan bago niya ako hinila patayo.

"This shit is real, Sir." Manuel told me while wincing. "Para ba tayong hinahabol ng kamalasan, hindi mo ba napapansin?"

I nod. "Napansin ko rin. Kanina pa tayo hinahabol ng kamatayan, eh." Huminga ako ng malalim.

"May sa-demonyo na talaga itong nangyayari sa atin. First, alam ng mga zombie ang mga pangalan natin, tapos sinundan iyon ng helicoper incident natin at ngayon nga, iyong nangyari sa inyo ni Santhy."

He sighed deeply. "Ang makulong ang mga uwak na iyon sa inyong parachute ay hindi nagkataon lang. Sigurado akong may demonyo ang umaaligid sa atin ngayon para patayin tayo isa-isa."

Umigting ang panga niya. "What's next?" Nagsalubong ang makapal na mga kilay ni Manuel. "Parang wala talaga tayong choice kung hindi ang mamatay sa huli, eh."

I sighed deeply.

Thinking about what my religious policeman told us earlier, maybe this was it. Siguro ito nga ang katapusan ng paghuhukom na nakasaad sa bible.

We are being tested. Our faith is being demotivated. And maybe, demons are here to be extra competitive while proving God that mankind is nothing but an ungrateful creation.

"Any way, we should move now." I mumbled. "We should keep on going, walang lugar na ligtas tayo. They will still find a way to pester us until our death meet us. Ang magagawa na lang talaga natin ngayon ay ang magpatuloy habang iniiwasan ang kamatayan."

"Right, Sir." Humugot ng malalim na hininga si Manuel.

Lumapit na ako kina Briela at Santhy. Kumalma na ang anak ko. Briela is wiping his tears when she stood up the moment our eyes met. "Everything is fine na, Sir. Napakalma ko na ang anak natin--"

"We should move now." I cut her off. I made a mental note to tell her that my wife might have passed away sixteen years ago, pero siya pa rin talaga ang laman ng puso ko. Siya lang at wala akong balak na palitan siya.

Briela only nodded her head while smiling at me with a flirty manner. I chose not to mind her. Inalalayan ko na lang si Santhy patayo. Matapos ay tinapik ko siya sa magkabilang balikat. I am indirectly telling him that he did good and I will keep on making him stay alive.

"I am fine, Dad." He told me but conviction seems to leave his voice. I chose to just nod with an assuring smile.

Lumakad na akong muli kay Manuel na ngayon ay nasa pintuan na ng rooftop. Noong makalapit na rin ako doon ay nag-hand signal ako kay Briela. I told her to keep an eye on Santhy, kami ni Manuel ang mauunang pumasok.

Then I focused my gaze at Manuel. I hand gesture. I told him that we are going to enter the building on my count of three.

When I raise my index finger, he grabbed ahold of the door knob.

"Two," I mouthed.

Matapos ay humugot muna ako nang malalim na hininga bago itaas ang pangatlong daliri ko. That was the moment Manuel quickly opened the door. Kadiliman ang bumungad sa amin noong mabilis at maingat kaming pumasok.

Pero . . .

Pero hindi ako naging handa noong may tumamang matigas na bagay sa likod ng ulo ko.

Before I knew it, I passed out.

The Last Quarantine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon