Season 2: Epilogue

8.9K 680 607
                                    

Ilang minuto na kaming tumatakbo. Pero ni isang tyansa ay hindi namin nakuha. Hindi na kami makalayo sa mga zombies na humahabol sa amin. Hindi na namin magawa pang masolusyunan ang agwat namin sa kanila. Kasi habang tumatagal-- habang napapagod kami ay siya rin namang pag-iksi ng layo nila sa amin.

"Venice! Come on!" Santhy yelled on the top of his lungs. His grip on my wrist are becoming tighter as he screams the horror we are both in. "Bilisan mo! Dumadami pa sila! Putangina!"

That moment, kasabay ng paglunok ko ng laway ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa takot na nadarama ay nanghina ang mga tuhod ko. Nakakainis na ilang beses nang nangyari ito sa amin pero bakit . . . bakit natatakot pa rin ako?

Ganito ba ako kahina?

Ganito ba ako ka-pabigat?

"Hey! Hey!" Santhy halted his feet from running. Ngayon ay natutulala ako sa takot. Ngayon, kusa na akong pinanghihinaan kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko.

"Venice, look at me!" Santhy tried to cupped my cheeks. Pero wala talaga ako sa sarili. Natutulala akong ibinaling ang mga mata sa kanya. "Tatagan mo! Makaka-survive tayo ngayong gabi! Tatagan mo lang, hindi kita pababayaan! Poprotektahan kita!"

Sigaw na ang ginagawa ni Santhy. Pero para bang isang bula, pumasok lang ang salita niya sa tainga ko papalabas sa kabila. Pinanghihinaan na ako. Tila bang ang pag-asang pinilit kong buuin sa buong pandemyang ito ay gumuho na sa mismong harap ko. Para ba itong nabasag at pinapahirapan ako ng bubog nito ngayon.

"Santhy . . ." I mumbled. I started to cry as I focus myself to his face. Ngayon, halatang natataranta siya habang sinisiguro ang kaligtasan namin laban sa mga zombie na ngayon ay patuloy na tumatakbo papunta sa amin. Isang batalyon sila. Rinig na rinig ang yabag nila mula dito sa kinatatayuan namin.

"Venice, I need you to be strong! Come on, we can still get away from our death! Kaya pa nating mabuhay!" Hingal na hingal na sambit ni Santhy. Sa aming dalawa, siya ang mas pagod. Kasi kung hindi talaga dahil sa kanya, wala na ako kanina pa. Wala na kasi talaga akong motibasyon para tumakbo pa. Pinanghihinaan na ako sa pagtingin pa lang sa mga zombies sa aming likuran.

I swallowed hard as I nod at him. Doon ay nagsimula na siyang hilahin uli ako. Nagpatianod lang ako sa kanya habang tintraydor ako ng utak ko. Natatakot na baka pati paghakbang ay hindi ko na rin magawa.

"Shit!" Pabulong na sambit ni Santhy nang magbaling siya ng tingin sa harap namin.

Halos mawalan talaga ng hangin ang mga baga ko nang makitang sa harap namin ay may isang batalyon ding nga zombie ang nag-aabang. Kaya wala na kaming choice. Kahit na hindi sigurado, pumasok kami sa loob ng oval kung saan may matataas na barikada ang makikita.

Pero alam ko, kahit gaano pa kataas ang harang ng oval na ito, hindi iyon magiging sagabal sa mga zombies. Kasi katulad ng inaasahan, umakyat lang sila mula doon. Wala ring nangyari.

Ngayon, nasa gitna na kami ng oval.

Ngayon, nasa gitna kami ng lugar kung saan kamatayan ang kahahantungan namin.

Ngayon, kitang-kita ko kung papaanong pinaligiran ng mga zombies ang daan namin. Unti-unti na nila kaming tinatrap dito sa gitna. Pabilog silang hinaharangan ang bawat pag-asa namin para makalayo sa kanila.

"Venice . . ." Bumagal ang pagtakbo ni Santhy. Ang bawat pagbagal ng pagyabag niya ang siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kinilabutan ako sa mga naririnig na paghagok mula sa mga zombies. Napapapikit na lang ako dahil sa pag-takas ng pag-asa sa nanghihina na naming mga puso.

Hanggang sa naramdaman ko na hinila ako ni Santhy para yakapin. Ramdam ko ang paghingal niya habang niyayapos ako. Damang-dama ko ang panginginig ng katawan niya babang hinahaplos ang buhok ko sa pag-aakalang mapapakalma ako noon.

"Ito na yata ang dulo natin. Hanggang dito na nga lang siguro tayo." From his voice, I can sense that he is smiling painfully right now.

"I love you . . ." He told me under his weak voice. I can clearly feel his hot breath from my forehead before he moved closely to kiss me there. "Maybe, this is how our love story will end. Maybe, our love is tragic. Maybe, we are not meant for each other on this lifetime."

Iyon ang punto kung saan nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. Bumubuhos na ang mainit kong luha nang magtama na ang aming mga mata.

Ngayon, tinitignan niya ako ng may emosyong sumisigaw ng lungkot. "Sana sa kabilang buhay, makilala pa rin kita. Sana . . . Sana ikaw na ang maging dulo ko sa susunod nating pagkikita."

I sob. The corners of my lips are turning down as he moved closer to my face. Then before I knew it, I felt his lips on mine. Our tears are both avalanching down my cheeks as we continue kissing until we face our latter-- our death.

But . . .

"Santhy!"

"Santhy, anak!"

We both blink as we end our kiss. Ngayon, rinig na rinig namin ang tunog ng isang helicopter. At may nagsasalita mula sa megaphone.

And as we looked up, hopes started to flood our system as we saw the lights from that helicopter. It was coming towards us.

"It's Dad! Venice, it's Dad!" Santhy exclaimed as I saw his smile for the first time after this deadly situation of us.

"Shit! Thanks, God!" Santhy is still smiling as he cupped my cheeks. "Okay, here's the plan. Venice, we are going to run towards that helicopter," mariin ang ginawa niyang pagturo doon, "without hesitations. Without looking back. With only your eyes aiming for survival, alright?"

Tumango ako sa kanya. Kinakabahan man, pinilit kong maging malakas.

Doon, wala na kaming hinintay pang oras kung hindi ang tumakbo papunta doon sa helicopter.

Pero . . .

Pero huli na nang malaman naming masyado nang delikado ang layo ng mga zombies sa amin. Ngayon ay pinaliligiran na nila kami. Kaunting metro na lang ang agwat nila sa amin. At alam ko, kung walang isang magsasakripisyo ay wala sa aming dalawa ang makakaligtas.

"Venice, there!" Santhy shouted without looking at me. He is pointing the direction where the helicopter started to turn. Ngayon ay nakalabas na ang lubid na hagdan. Bumababa na rin mula doon ang tatay ni Santhy. Handa nang sagipin ang isa sa amin.

Noong mga sandaling iyon, kusa akong tumigil sa pagtakbo. Hinayaan kong maiwan ako ni Santhy.

Noong mga sandaling iyon, handa na akong ako naman ang mag-protekta sa kanya.

Noong mga sandaling iyon, handa na ako sa dulo ng buhay ko. Para kay Santhy.

Pikit mata, humarap ako direksyon ng mga zombies. Napapalunok ng sariling laway, naghintay ako sa kanilang pag-atake sa akin.

At . . .

"Venice?!"

"Venice!"

"Putangina, Dad. Teka lang, si Venice!"

Biglang umalingawngaw ang boses ni Santhy. Kasabay iyon nang pagtumba ko dahil sa katawang tumama sa akin. Hanggang sa napangiwi na lang ako nang maramdaman ang ngipin nila sa balat ko. Kinagat nila ako sa pisngi, sa braso at sa hita.

Noong nagmulat ako ng mga mata, kusang kumawala ang luha sa mga mata ko. Sinundan iyon ng pag-ngiti ko. Atleast, my death won't be miserable. Atleast, mamamatay ako para sa taong mahal ko.

Unti-unti nang nabalot ng puti ang paningin ko. Hanggang sa para ba akong sinasakal, nawawalan nang hanging ang mga baga ko. And before I knew it . . . I am craving for a human flesh.

The Last Quarantine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon