Season 2: Episode 8

8.8K 657 308
                                    

Hagok. Makabasag-lalamunang pag-hiyaw. Yabag ng walang katapusang pag-takbo. Iyan ang tanging narinig namin nang simulan na ni Kuya Brylle ang plano.

"Venice, just calm down. Okay?" I felt Santhy's hand to rub my back. Sa likod ko kasi siya naka-pwesto. "Magiging ayos din ang lahat. Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay ang kumalma para magawa natin nang ayos ang plano."

I just nod at him kahit na alam ko namang hindi niya iyon makikita. I am just glad na nandito siya sa tabi. He was nothing but so supportive of me all through out this pandemic.

Ngayon, wala akong ka-alam-alam sa nangyayari. Para akong nangangapa sa dilim. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kasi natatakot ako na isang maling galaw ko lang, buhay ko na agad ang kapalit nito.

But light started to fell upon my system when in between of the forcing feet of the zombies, I saw the portion of a broken door. Atlast, nandito na kami sa pintuan. Kaunti na lang, makakalabas na kami.

I hovered my feet above the broken pieces of the glass. I made sure na hindi ako masusugatan noon. At nagtagumpay ako. Pero hindi ko talaga inasahan ang biglang pag-sipa ng zombie sa bandang mukha ko. Natuliro ako matapos noon. Para bang nawala ako sa sarili ko nang maglandas ang kirot sa bandang ilong ko.

Aray!

Ngayon, ramdam kong nabali ang ilong ko. Sinubukan ko itong hawakan pero sobrang sakit lang talaga nito kapag hinahawakan ko. The pain is excruciatingly intorelable. Naluha na lang ako sa kirot nang makita ko ang dugo sa kamay ko galing sa ilong ko.

Dahil nga siksikan ang sitwasyon, ni isa kina Santhy ay hindi alam na halos mamatay-matay na ako ngayon sa sakit. Tiniis ko na lang iyong kirot hanggang sa maramdaman kong wala na ang siksikan.

And then, there's Kuya Brylle's voice. "Hagdan na 'tong tinatapakan ko. Watch your steps."

Paupo pa rin naming binaybay iyong hagdan. And I was really glad that there was no deadly commotion who halted our way down. Tahimik pa rin ang buong paligid hanggang sa magsalitang muli si Kuya Brylle.

"Papasok muna tayo sa isa sa mga office dito. Magpahinga muna tayo dito." No one responded to Kuya Brylle. Kasi ramdam ko, pare-pareho kaming kinikilabutan. Pare-pareho kaming nanghihina para magsalita.

Nakarinig pa muna ako ng bahagyang pagbukas ng pinto. Pilit kong tinitiis ang sakit hanggang sa sabihan kami ni Kuya Brylle na ligtas ang paligid. Na ligtas na talaga kami kasi siya muna iyong nag-uncover ng sarili para suyudin talaga nang maigi ang seguridad namin.

"Fuck, what happened to your face?!" Alalang bulyaw ni Santhy sa akin. He is so quick to cup my face.

"Wala 'to, nasipa lang." I am trying my best not to grimace. Kasi ayoko nang maging pabigat pa sa kanila.

"Come on, it looks awful." Santhy was about to touch it when I stop his hand.

My eyes was pleading when I told him, "I am fine, Santhy. Like, really." The truth was, I am not. I am never close to that idea. Pero napapagod na talaga akong pagalalahanin sila. Mas mabuti nang kimkimin ko na lang sa sarili ko iyong sakit.

"But atleast, let me clean it for you."

I nodded as I look away. Doon, nagsimulang linisin iyon ni Santhy gamit ang malamig na tubig na kinuha namin sa cafeteria. Habang ginagawa niya iyon ay nagsimula na rin kaming kumain. Swear, hindi ko inakalang magiging masaya ako nang ganito dahil lang sa pagkain. Para ngang nakalimutan ko iyong kirot sa mukha ko sa unang paglunok ko, eh.

"God, I never thought eating would be this heavenly." Sambit ni Ate Janelle na may pagpikit pa habang ngumunguya. Kuya Brylle is just smiling at her. Tila bang ineenjoy ang view ng girlfriend niya.

"Landi ng dalawang 'to." Pagalit na bulong ni Santhy. I only playfully roll my eyes at him. Baliw 'to. Natatawa na lang ako habang pinapakain si Orion ng tinapay.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa pagkain. Ang ilan sa mga natira ay naisip naming baunin na lang. Hindi kasi namin alam kung may makukuhanan pa ba kami ng pagkain matapos ito.

Santhy started to wear his jacket, covering his natural musculine body. Ganoon din ako, sinabayan ko iyon ng pag-suot sa puting tela. I concluded it with making sure that the head piece of it will never be pulled out of my head.

"Okay na ba ang lahat?" Kuya Brylle asked. And we all reponded, "Yes."

Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ay hinanda ko nang muli ang sarili para maging matatag. With all of the food I've consumed earlier, I know I have no reason now to be the weakest version of me.

Naghawak kamay uli kaming tatlo. Nakadikit ang likod namin sa pader habang lumalakad nang patagilid. Iyon pa rin ang ginagawa naming landas para matagpuan ang hagdan.

Pero . . .

Halos nawalan ako ng hangin sa aking mga baga nang dumagundong ang malakas na paghiyaw mula sa ibabang floor. Nanlalaki ang mga mata, narinig ko ang paghiyaw ni Kuya Brylle.

"Takbo! Kailangan nating tumakbo! Ilang minuto lang, nandito na rin iyong mga zombie sa itaas!"

Sa ginawa niya, napapakurap akong tinanggal ang head piece ng camouflage ko. Then before I knew it, Kuya Brylle and Ate Janelle was running with the wind. Agad namin silang sinundan ni Santhy.

At tama nga si Kuya Brylle, kasabay noong walang tigil na pag-alingawngaw ng zombie sa baba ay ang sunod-sunod na yabag ng pagtakbo mula sa itaas. Dumadagundong ang puso ko sa kaba nang marinig na papalapit sila nang papalapit sa amin.

Pero nanlaki ang nga mata ko ng mismong sa harap ko, natumba si Ate Janelle. Nagpagulong-gulong siya sa hagdanan. Bago pa siya masambot ni Kuya Brylle ay nabagok na ang ulo niya sa semento. Ngayon, napapahawak ako sa aking bibig habang pinapanood ko ang walang malay na si Ate Janelle.

"Luv! Gumising ka!" Tarantang sambit ni Kuya Brylle. He is gently smacking Ate Janelle's cheeks.

Natutulala ako noong bigla akong isalya ni Santhy sa pader. Matapos ay idinikit niya ang katawan sa akin. He is hugging me as he cover our heads with his white head piece.

At sinundan iyon ng mga yabag galing sa mga zombies. Bumungad ang masangsang nilang amoy sa ilong ko. Santhy tried to keep his balance kahit na segu-segundo siyang binabangga ng nagtatakbukhang mga zombies.

And then, we heard Kuya Brylle. Napapikit ako habang kusang lumalandas ang luha mula sa aking mga mata.

"Fuck!"

"Stay away from my girlfriend, you fucking piece of shit!" Mapait na hagulgol na ang ginagawa ni Kuya Brylle.

"Lumayo kayo sa amin! Putangina niyo!" I heard him throw a punch. But it was to no avail. Masiyadong marami ang mga zombies para sa kanya.

Napapapikit na lang ako habang naluluha noong marinig ang walang humpay na pagsigaw ni Kuya Brylle sa sakit. Pero that time, he was selfless. He was not pleading for his life. He was pleading for Ate Janelle's life as he yelled, "lumayo kayo kay Luv! Tangina! 'Wag siya! Putangina niyo!"

My eyes were full of sadness as I met the eyes of Santhy. Noong mga oras na iyon, naluluha ako dahil wala akong magawa para iligtas ang dalawang taong naglitas sa amin. Para akong inutil na pag-iyak lang ang nagawa hanggang sa wala na kaming narinig mula kay Kuya Brylle.

×××

Author's Note:

B R Y N E L L E 💔

The Last Quarantine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon