Chapter 1: D.O.

1.8K 51 1
                                    

(A/N: I'll dedicate this chapter to my one and only--- char HAHAHAHAHHA to my loyal reader daw--- char ulet HAHAHAHAHHA! I'll dedicate this to yanna_bwi who's been with me until sa katamaran kong mag-update HAHAHAHAHA thank youuu!😚)

Chapter 1: D.O.

Joy's POV

🎶You're my Honeybunch, Sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie
You're my Cuppycake---🎶

"Ba't mo pinatay?" tanon ko habang nakapikit pa.

"Haynako. Bumangon ka na jan at baka ma-late ka pa." sagot naman ni Lea.

Agad naman akong napamulat at napabalikwas agad ng bangon sa sinabi niya at nakitang bihis na siya.

"Eysht! Pambihira naman 'to oh! Hindi ako ginising ng maaga! Iiwan mo na naman ako! Aa!" reklamo ko habang naglalakad na papuntang c.r.

Narinig ko nalang siyang tumatawa hanggang sa pagsara ng pinto--- means lumabas na siya ng kwarto.

Wala na akong inaksayang oras pa at naligo na agad dahil ayoko ng makipagtitigan pa sa tubig.

Today's our last year of being a senior high student at gagraduate na naman kami. Piste kasing K-12 iyan e, dapat ay college na kami. Hmp

"Lea ano nga ulit yung---"

"Umalis na." sagot ni Manang.

Agad naman akong napatigil sa paglakad ko at pagpipindot sa cellphone ko saka napatunghay kay Manang na nililigpit ang kinainan ni Lea.

"Heysht!"

Natawa na lamang si Manang sa reaksyon ko at ako naman ay dali dali ng kumain at mabilis na umalis.

At hanggang sa paglabas ko nga ay hindi ko na naabutan pa si Lea kaya naman nanakbo na ako agad ng makababa ako ng jeep.

"Oh? Joy! Late k na naman! Hahahaha!" agad kong sinamaan ng tingin si Manong guard habang nananakbo at deretso pa rin siya sa tawa.

"Heysht!" mabilis na takbo na ang ginawa ko habang tinatawagan si Lea.

'Pambihirang babaeng 'yon kase! Sabing hintayin ako!'

(Oh? Nasa'n ka na?) pagsagot ni Lea sa tawag.

"You fvcking bitch! Nagsisimula na ba 'yung klase?!" sigaw ko na hinihingal na sa gitna ng pagtakbo ko.

(Kanina pa, bitch, 5 minutes ago.)

Agad ko ng pinatay ang tawag sa sobrang inis ko kay Lea at mas binilisan pa ang takbo.

"Bwisit talaga!" bulong ko pa.

"Oy! Kupali!"

Awtomatikong napatigil ang dalawa kong paa sa pagtakbo ng marinig ko na naman ang tawag na iyon.

'Kupali?'

"Haha! Hi, Kupali!" isang nang aasar na ngiti na may pagtaas pa ng dalawang kilay nito ang bumungad sa akin ng lingunin ko siya at itinaas pa ang kanang kamay bilang pagkaway.

"Heysht!" nasabi ko nalang at nanakbo na ulit.

'Partida 3rd floor pa room ko! Pakshet talaga!'

Hinahapong napahawak ako sa tubod ko ng makarating ako sa harap ng pinto ng room namin at dinig na dinig ko na ang boses ni Ma'am.

'Papasok pa ba ako? Tsk.'

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon