Chapter 33: Sorry

480 36 4
                                    

Chapter 33: Sorry

Lea's POV

'Konting crush lang naman, kalma Lea, nauulol ka na.'

"Hay..." napabuntong hininga na lang ako ng hindi mawala sa isip ko 'yung ginawa ni Dwizzi kanina sa hapagkainan.

"May problema ba, hija?" Tanong ni Manang ng tabihan ako sa lababo. Naghuhugas ng kamay.

"Wala naman po, bakit po?"

"Parang ang lalim yata ng iniisip mo e," aniya.

Nginitian ko ito at umiling, "Wala po iyon, Manang," sambit ko.

"Sigurado ka?"

"Opo, hehe. Iihi lang po ako," sabi ko at iniwan na doon si Manang.

Nakaihi na ako dito kanina e kaya hindi na ako magtatanong ulit kung saan 'yung c.r. nila. Mayroon ding sariling c.r. sa kwarto ni Yazzi at halos nalibot ko na ata ang kabuuang bahay nila. Sobrang laki talaga.

"Oh? Deandean? Sa'n ka galing?" Tanong ko dito ng mabunggo ko dahil nananakbo siya.

"Tumae pu HAHAHAHAHA!" Pagtatawa niya kaya naman nadala ako sa tawa niya at ginulo nalang ang buhok niya.

"Baka madapa ka, mag-ingat," sabi ko at ngiti naman siyang tumango saka na ako nagpatuloy sa paglalakad papuntang c.r.

Pero agad naman akong napatigil at agad na nagtago sa may gilid ng makita kong nag uusap sila Joy at Dwizzi. Hindi ko malaman kung bakit nagtatago pa ako kung pwede naman akong dumiretso pero kasi...

"Tch, hindi ko gusto si Lea..."

Agad kumalabog ang puso ko sa narinig ko kaya naman napasandal ako sa dingding at napatulala.

'A-ano daw?'

"Ikaw ang gusto ko... Joy."

Bahagya akong napanganga sa gulat kaya napahawak nalang ako sa bibig ko para huwag gumawa ng ingay.

Parang may kumurot sa puso ko sa narinig ko at hindi ko sila magawang siliping muli dahil naiiyak na ako.

"Ikaw ang gusto ko, Joy..." dinig kong mahinang sambit ni Dwizzi kaya naman napapikit nalang ako dahil inulit niya pa.

"B-bobo..."

At dahil sa sinabing iyon ni Joy, doon na ako sumilip at halos mahulog ang puso ko sa nakikita ko ngayon.

Tahimik na nilisan ko ang pwesto ko at hindi ko maalis ang pagtakip ng kamay sa bibig ko dahil pinipigilan ko talagang humikbi.

Mabilis akong umakyat ng second floor kung saan naroroon ang kwarto ni Yazzi at dumiretso sa c.r. saka binuksan ang gripo sa sink at naghilamos.

"Omygod... Lea, kalma..." namamasa ng matang usap ko.

Tumingin ako sa salamin at pinilit mag-inhale-exhale para pigilan ang pag iyak ko. Hindi naman ako pwedeng umiyak dahil hindi rin naman nila alam na nagugustuhan ko na si Dwizzi. Ako lang. Ako lang ang nakakaalam... ako lang.

Napakapit ako ng mahigpit sa sink at saka napatungo sabay pikit ng mga mata.

"Lea? Lea, okay ka lang ba? Lea?" Biglang katok ni Yazzi sa pinto kaya naman napaigtad ako sa gulat.

"O-oo, bakit? Okay lang ako," sabi ko at muling tumingin sa salamin bago binuksan ang pinto.

Thank god, I resist my tears.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon