Chapter 43: I Love You

394 28 8
                                    

Chapter 43: I Love You

Dwayne's POV

Una palang... alam kong may hawig na si Lea sa kaniya. Matagal bago ko naisip na si Lea iyon dahil napaisip ako bigla nung makita ko si tito Alexis kung nakita ko na siya somewhere?

Kaya naman nung bigla nalang pumasok si Lea sa isip ko ay mabilis ko iyong kinumpirma at tama nga ako!

'Tsk tsk...'

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko habang isa isa kaming lumalabas at kung anong itsura namin pagpasok ay ganoon lang rin kami dapat paglabas.

To: Lea

Hey.

To: Lea

Wer r u?

To: Lea

I have a surprise for you.

Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko dahil sa huling mensaheng tinipa ko.

Dahil sa pagtatanong ko sa kaniya about kay Joy ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasayang pakiramdam para sa kaniya.

'I don't know your story yet but I'll make it a happy ending...'

Sa akin ko isinakay si tito Alexis dahil may kaniya kaniya naman kaming sasakyan.

"H-how did you know me, young man?" Biglang tanong niya sa akin ng magsimula kaming magmaneho at siguro'y nasa pangatlo ako at nauuna si Dwizzi.

"We heard it all. Your story, I mean," sagot ko at nilingon ko naman siya saglit bago muling tumingin sa daan.

Batid kong natigilan siya at hini nakapagsalita.

"Like what you said to him, we're all interested in that org. Hinahanap namin kung may makukuha ba kaming impormasyon tungkol sa org oras na maghiwa-hiwalay kami sa paghahanap at may earpiece kaming suot kaya narinig namin lahat ng kinuwento niyo sa kaniya," mahabang paliwanag ko at napahilamos naman siya sa bibig niya saka idinantay ang siko sa bintana ng kotse.

"May mga kasama ho ba kayo?" Tanong ko ng di pa rin siya nagsasalita. Dala rin siguro ng hindi siya makapaniwala.

Nakita ko siyang umiling, "All this time, I was all alone," ingles na namang sagot niya.

"How did you live?" Tanong ko.

"Org," maikling sagot niya.

Nangunot naman ang noo ko at saglit ulit siyang nilingon bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Pardon?"

"Ako pa rin naman 'to, isa sa tagapagmana ng org kaya may koneksyon pa rin ako doon," pagpapaliwanag niya at hindi ko naman naintindihan.

'Akala ko ba tumakas siya? Runaway, he said? But what's this?'

"Mahirap ipaliwanag pero... kapag may blue card ka, p'wede mo iyong gamitin kahit saan," muling usap niya na ikinagulat ko.

"What?!"

"Mmm... do you know the black card?" Tanong niya naman.

Mabilis akong umiling.

"Hey, black card. Iyon ang gamit ng mga mayayamang tao na may mga kumpanya at infinite ang laman no'n. Once na ginamit mo iyon pambayad, deretso sa company ang bawas no'n. At sa organization naman, parang gano'n lang rin pero blue card ang gamit," pagpapaliwanag niya na naman.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon