2.

57 11 0
                                    

Two:
The Doctor is in!

Naulinigan ko ang matinis na ingay ng isang phone alarm sa hindi kalayuan. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito humihinto.

Moments later, I felt a sharp pain in my head. Ramdam ko na rin ang pagmamaktol ng sikmura ko na siya rin yatang kumonekta sa aking ulo. It explained the odds though.

Kahit na dalawang oras lang ang tulog, pilit akong bumangon mula sa higaan at pinatay ang alarm. I moved both of my feet on the other side of the room. Pagkatapos, kinapa ko ang naka-usling parte ng bintana at marahan itong binuksan.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko na bahagyang tinatamaan ng sinag ng araw. Wala akong maaninag at parang wala ring pinagkaiba no'ng nakapikit ang mga mata ko.

Yes. I did all those works with both eyes closed. Not that I am special but I'm very used to it.

Less than twenty years ago, I was diagnosed with Bilateral Cataract, which is inborn. Doctors told my foster parents na nakuha ko raw ito from my biological parents. By such, my foster parents opted for surgery and it was successful.

Not until it came back in my early high school years. Doctors said na posible na bumalik ito and worst, might even lead to blindness.

Pero hindi na ako nag-abala pa na magpatingin ulit. It is just a waste of their money. They might not set me off to college if I do. Besides, 650/700 eye grade isn't that bad. Sobrang labo lang naman ng paningin ko pero mapagtitiyagaan pa naman ang eyeglasses. They should be fine. Should be.

Ilang sandali pa, iginiya ko ang sarili sa pamamagitan ng pagkapa patungo sa aking study table. I did rejoice a bit nang makapa ko itong muli sa dati nitong kinalalagyan. Ewan, nasanay lang talaga akong ilagay ito doon.

My vision went back to normal, temporarily.

Tumambad sa harapan ko ang isang lalaki na iniwan na ng kaniyang mga saplot sa katawan. Lumapit ako at nasilayan ang pagtama ng liwanag sa balat niya na animo'y nababalutan ng makakapal na buhok. My gaze shifted down to his manhood, with length like the 500 milliliters of alcohol on the top of my side table. He can confidently show it off dahil wala rin namang tao sa katabing bahay at hindi pa bumabalik mula sa trabaho ang asawa niya.

Still, I couldn't care less.

Matamlay kong pinulot ang mga damit namin na nagkalat sa sahig na para bang nagsasawa na sa sitwasyon. Sa loob ng halos tatlong taon, sino ba naman ang hindi masasanay sa mga bagay na paulit-ulit na nangyayari? Hindi ko na rin mabilang kung ilang condom na ang naitapon ko sa basurahan sa banyo.

Nang makuha ko na ang kaniyang pantalon, agad ko itong kinapa-kapa para hanapin ang wallet niya. Our agreement entails five thousand pesos for every night he spent with the wrong vagina. But fuck those agreements! Hinugot ko sampung-libo sa loob nito at napamura na lang ako nang mapagtantong wala ang ATM card niya. Masyadong mapanigurado.

I cannot escape this hell kung mananatili akong tanga. I am the pawn on this table and to conquer the king is not easy. It's not a one-man job, so I must use my brain. Ilang buwan na lang, kung sapat na ang ipon ko, aalis na ako sa bayan na 'to. I will change my face and rewrite my identity to such extent where nobody from my past can trace me up except my friend. I'll live like I've been reincarnated.

I heard another alarm. This time, hindi na mula sa sariling kong phone kung hindi sa mismong house alarm na nasa ibabang palapag. Bigla kong naramdaman ang bahagyang panginginig ng tuhod ko. Dr. Aiden's wife is here.

Inihambalos ko sa natutulog na doctor ang mga damit niya bago ko pa muling suotin ang akin. Tiningala ko ang orasan at napag-alamang mid-tenth hour na.

EYELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon