9.

32 11 0
                                    

Nine:
Dicephalic

Tatlumpung minutong pagmumura at sampung hampas. Nothing changed.

Hindi ko na alintana ang binatang kaharap ko ngayon na nagta-tantrums na naman habang sinasampal ang tubig ng bathtub. Tahimik lang ako na nakatanaw sa bintana habang pinakikinggan ang butil ng ulan na bumabagsak mula sa bubong.

The whispers that have occurred lately were too far from a coincidence. Nauna sa library, tapos sa kalsada at pati ba naman sa embalming room? By hypothesis, I can say that I have third eye. How can I remove this? Oo, mahilig ako mag-embalsamo ng mga patay, I even have sexual fetish, pero ayoko makakita ng patay na gumagalaw-galaw. 

"It's co-cold. Ho-ho-hot water, AVIGALE!" uutal na sambit ni Demi habang niyayakap ang paboritong teddy bear na ngayon ay basang-basa na. Buti na lang at wala si Maam Velle at hindi ko maririnig ang buzzer niya. Hindi rin naman siya mag-aatubiling umuwi ngayon dahil malakas ang ulan at delikado ang daan. A devil afraid of death? What a joke.

At salamat dahil wala si Madam Belle, hindi mag-aatubiling umuwi si Dr. Aiden. Maayos akong nakatulog ngayon araw.

Bigla kong narinig ang ringtone ng phone ko sa sink kung saan ko ito inilapag bago paliguan si Demi. Pinunasan ko muna ang mga kamay ko bago ito inabot. Tumatawag si Brince kaya agad ko itong sinagot.

"What's the problem, bitch?" tanong ko sa kabilang linya.

"Easy lang po, Master Avi!" tugon niya na para bang natatawa, "Okay ka lang ba? Bakit galit ka na naman? Magre-review tayo mamayang twelfth hour, remember? Friday na ngayon. Baka nakalimutan mo iyong weekly exam. Scholarship..." dagdag pa niya at tumikhim nang dalawang beses.

"How many times should I tell you? I never forget, Brince." I heard a soft slicking sound like how someone just turned a page of book. "I heard Xyril's flipping his notes. He's at your house?"

"Nasa cafeteria kami ngayon. Hindi ako pwede sa bahay dahil baka pagalitan na naman nila ako kasi ngayon lang ako nag-review,"  napansin ko ang pagiging seryoso ng boses niya. "Alam mo na."

"Don't cry, Brince. I hate hearing people cry"

Narinig ko ang pagsinghap niya. "Okay po, master! Sayang ang load ko kaya ginamit ko na lang sa'yo. Sige. Byeee! Kita kits!" tugon niya sa masiglang tono. It's raining outside and surely, I can't use my bike.

"Tumayo ka na. Maghahanda pa ako para sa school." Pero nagpupumiglas pa rin siya sa akin habang hila-hila ang knob ng faucet at umiiyak na parang bata. "I said stand, Demi! You still have to prepare and then eat your lunch, Demi. Dali na!"

A second passed and I felt a numbing sensation in my hand like it was stabbed by pins and needles. Nakita ko na lamang ang pagpatak ng pulang likido sa mga bula na nasa ibabaw ng tubig. Bumaling ako kay Demi na hawak-hawak ang isang table knife na maaaring naipuslit niya sa loob ng kaniyang paboritong laruan.

"Why did you do that, Demi? Why?!" I exclaimed as I grasped his hands with force. Naagaw ko sa kaniyang ang kutsilyo saka ito itinapon sa isang sulok. "Ano ba'ng ginawa kong masama sa iyo?"

Patuloy lang siya sa pag-iyak at iniiwasan ang pagtingin sa mga mata ko. Mas humihigpit pa ang kapit niya sa kaniyang teddy bear na lubos kong ipinagtataka. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na agawin ito sa kaniya. Ilang saglit pa, nakaramdam na naman ako ng hapdi sa binti ko. Demi did put more than one dinner knife inside his toy.

"Ha-hate you! Mo-monste-ter! Don't touch, De-Demi!" sabi niya pa bago makawala at masampal niya ako nang pagkalakas-lakas. Tumilapon ang salamin ko sa tubig at taranta ko itong pinagkakapa dahil sa sobrang labo ng paningin ko.

EYELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon