19.

6 1 0
                                    

Chapter Nineteen:

Who's your sunshine?

Kalahating oras bago mag twelfth hour bago namin napagdesisyunan na ihatid na si Demi pabalik ng bahay gamit ang family service ng mga Emphasis. Biglang bumagsak ang napakalakas na ulan kanina kaya hindi rin kami pwedeng magbike na lang. At isa pa, hindi rin kami kakasya.

Nang makabalik kami sa bahay, buti na lamang at si Ate Edith ang sumalubong sa amin sa gate at hindi ang matabang kampon ni Madam Belle. I feel relieved nang nalaman kong hindi naman napasama ang ilong niya at hindi siya pinarusahan noong wala ako at nasa hospital.

Demi also ask me for a bath, but I immediately refused. Una, dahil mala-late na ako, kahit wala naman ako talagang pakialam sa oras. Pangalawa, ayokong makita ang pagmumukha ni Madam Belle dahil baka siya naman ang bulagin ko.

Pagkatapos ng pakay namin, dumeretso na kami sa Morphus Academy. Nang makarating ang sasakyan sa tapat ng academy, para bang bigla na lang nawala ang dilim ng kalangitan. I don't know if it's a coincidence pero sakto ring pagbukas ko ng pinto sa passenger seat ay kasabay ng pagtila ng ulan na kanina'y sumasampal pa sa bintana.

"Manong, kung magtanong man si Dad kung sinama ko sa academy si Avi, mag-sinungaling ka ha?" rinig ko pang sabi ni Brince na katabi ko kanina bago pa man ako makababa. Kinuha ko ang pula kong backpack at isinabit ito sa aking kaliwat balikat.

"Sir, bakit po? Sir, masama pong magsinungaling," tugon nito at lumingon kay Brince na parang bang kinakabahan at nagdadalawang-isip.

"Libre po kita next—"

"Iyon lang po ba, Sir Brince?" mabilis na tugon ni Manong Lucio nang marinig ang kondisyon ni Brince.

Brince nodded. "Basta, manong ha hindi pumasok si Avi sa school? Sige, ingat po kayo sa biyahe!" paniniguro pa ni Brince at saka tuluyan nang isinara ang pinto.

I hate to say this but Brince looks so simple. Well, in a good way. Suot-suot niya lang ngayon ang kaniyang plain white t-shirt at faded jeans. Hindi halata sa pananamit na galing siya sa isang mayamang pamilya. Para akong masusuka nang maalala ko ang mga feeling mayaman kong batchmates na ayaw mag-suot ng mga damit o accessories na hindi branded.

Sabay kaming naglakad patungo sa revolving door habang pinagmamasdan ko ang mga estudyante na kakatiklop lamang ng mga payong habang nakaharap sa mga phone nila bago pa man kami tuluyang makapasok.

Today is Monday, and just like any other day of the week, masyado pa rin akong naiingayan sa paligid sa tuwing naglalakad ako patungo sa first class namin. Our Patho 38 Class is at the science building at bago pa kami makarating doon, daraan muna kami sa maingay na pathway katabi ng Basic Education building at sandamakmak na pergola na nagkalat sa paligid.

Habang dumaraan kami sa pasilyo, para bang sumusuntok sa amin ang lakas ng mga tugtog ng mga stereo ng mga grade schoolers sa mga classroom nila. Idagdag pa na nagkalat sa paligid ang ibang dugyutin na mga senior high school students at mas lalong pumukaw sa dugo ko ang tatlong matatabang tsimosang nag-uusap sa gitna mismo ng dinaraanan namin.

"Hala 'yan iyong ultimate crush ko, bhie! OMG! Who did that to him? I can't marry him na," rinig ko pang sigaw ng pinakapandak sa kanila nang pagmasdan ang screen ng phone ng kasama niya. Para bang napaka-interesting ng pinag-uusapan nila at mukha pang iiyak ang ang pandak nilang kasama. She looked like a duck. For damn sake.


"Excuse me," nakayukong sambit ni Brince na nasa unahan ko habang nakadikit ang mga palad ngunit para bang wala silang narinig o nakita. They have six eyes in all, that's a great number. Hmmm.

Akma ko na sanang susugurin ang mga lechong baboy pero mabilis akong napigilan ni Brince. Kumindat siya sa akin at hinila na lamang ang kamay ko at sumuong sa maliit na espasyo sa gilid. I just pushed the bridge of my glasses with my middle finger when I stared at the smallest one of them.

EYELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon