16

16 3 0
                                    

Sixteen:
Eeny, Meeny, Eye Demon

Damang-dama ko ang talim ng kutsilyo na kanina'y bumutas sa leeg ko. Sa pag-gising kong muli ay sumalubong sa akin ang manipis na ihip ng hangin na bumabalot sa buong paligid. Ramdam ko rin ang namamasang paa ko.

I blinked my eyes twice. Napakalabo pa rin ng paningin ko. Same old, same old.

Kinapa ko ang gilid ng higaan pero tanging unan lamang at kumot ang napansin ko. Sunod kong kinapa ang katabing mesa. May nakakapa akong iilang bagay na tiyak ko kung ano, gaya na lamang ng isang basket ng prutas na may laman ang mga paborito kong mansanas at ang mismong phone ko. I got a bad feeling about this.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap nang sumagi sa kamay ko ang isang metal handle. Agad ko itong hinila at sa wakas natagpuan ko ang salamin ko sa loob nito. 

"Holy Shit!" Gusto ko magmura nang todo at magtawag ng isang daang demonyo nang isuot ko ang ito at mapagtantong may sagabal na bandage sa aking kaliwang mata. Hindi nga talaga nagbibiro ang demonyong iyon. I want to cry death-deep until I drift off to sleep. But too bad for me, I can no longer shed a single drop of tear. I'll be too stupid kung iisipin ko lang na panaginip ang lahat ng 'to. Reality wouldn't be a word if it doesn't exist.

I'm sure now that I'm in one of the private rooms of Hospital de Recto, as indicated by the logo stamped on the pillow sheet. Also, I'm under IV Fluid Therapy given by the cannula inserted into the vein on the surface of my left hand. I lifted my chin and looked upon the label attached on the dextrose bag. I read it without making any sound.

Miranda, A.
24/10/20
11:29

Kinuha ko ang phone ko at tiningan ang screen nito. It's already Sunday and it's past twenty-second hour. Mahigit isang araw na pala akong tulog at walang malay. I'd literally kill that woman once I sorted all of my problems for now. I don't want to make a scene now by shouting more than what my pair of lungs could offer. So, I quickly turned my back, grabbed the pillow, and squeezed it madly.

"Extend Patience. You must not fight back again, Avi." Muli kong paalala sa sarili habang binabalanse ang paghinga.

But fuck that! Why the hell would I care with patience now that my stepmother made me like a Cyclops? Alam ko sa sarili ko na durog na durog na ang pasensya ko. Kahit sino naman sigurong mabulag ang mata, may karapatang magwala at magalit. I see no point in calming my nerves. May araw sa akin ang babaeng 'yon.

Akmang itatapon ko na sana ang unan dahil sa galit pero natigil ako nang bigla na lamang sumagi sa paningin ko ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa katabing sofa.

"Demi?"

Kinuha ko ang IV pole bago ako bumaba sa higaan. Hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon. Siguro para magbantay o baka naman iniwan lang siya muna dito ng mag-asawang VIP sa impyerno. Pero kung ano pa man, wala na akong paki-alam. After all souls day, he won't even get to see me or my friends again. 

Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ng kapatid ko. I didn't notice that I bend on my knees only to touch his innocent face. Napatigil na lamang ako nang biglang mamataan ang sugat sa leeg niya. The wounds look like it was deeply scratched by pointed nails. Isang tao lang ang pumasok sa isipan ko na may kakayahang gawin ito. Muling nag-init ang ulo ko sa senaryong naglalaro sa utak ko.

"Avi . . . Naririnig mo ba ako?"

Napatayo ako at nilibot ang paningin sa paligid. The emerging fire inside me died when the cold whisper went back on track again.

EYELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon