14.

26 6 0
                                    

Fourteen:
Bargain

"Hello?"

"Hellooo?! Are there any living bodies here?" sigaw ko na lamang habang pinapagpagan ang damit. Nagising na lamang ako na nakahandusay sa sahig sa gitna ng isang pabilog na espasyo. Pumapalibot sa akin ang mga lumang pinto na animo'y natalsikan ng mga malalapot na dugo. Maliban sa mga ito, napansin ko rin ang maaraw na kalangitan sa aking ibabaw. Saang lugar ba 'to?! Did I just stupidly fall in a hole?

Kumusta ka, Avi?"

Umalingawngaw sa paligid ang
nakakapanindig-balahibong tinig ng isang lalaki. Sa lalim nito, masasabi kong binata ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Pero hindi ko alam kung alin sa mga pintong nasa harapan ko ito nanggagaling.

"Don't call me, Avi. I'm not your friend!" Napabungtong-hininga ako. Biglang lumamig ang batok ko. Naramdaman kong muli ang kakaibang sensasyon na huling pinararamdaman sa akin ng mga misteryosong bulong.

"Sino ka ba talaga? Bakit ka ba bulong ng bulong, hayop ka?! Don't be a coward pussy and talk to me face to face!" asik ko pa.

"Hindi ba't ikaw ang duwag?" Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang biglang bumukas ang walong pinto na pumapaligid sa akin. They did create loud creaking sounds as they swung open, revealing the darkness in every room. I just hope there are no walking corpses waiting for me on the other side. "Mahilig ka sa patay pero takot ka sa multo 'di ba? Takot ka sa akin, Avi."

"Hindi ako natatakot sa mga multo! Ano ba!" Nanginginig man, pinilit kong tapangan ang loob. "At mas lalong hindi ako takot sa'yo!"

Narinig ko ang paghalakhak niya na animo'y nanggaling pa sa ilalim ng lupa. "Ako ang bangungot mo, Avi. Hindi kita gagalawin kung hindi mo lang ibubuka iyang bibig mo," tugon pa niya at mayamaya'y napansin ko ang pagbagsak ng mga pira-pirasong mga bubog mula sa itaas. Shit. It's raining shards.

"Hindi mo ako maloloko! I know that all of this is a bad dream. Nobody fools Avi Miranda."

Kumuha ako ng isang malaking piraso ng bubog sa tabi at hindi na ako nag-atubiling itarak ito sa aking kanang braso. Pero nagulat na lamang ako nang biglang may tumubong halaman sa kamay ko at mabilis itong pumulupot sa aking katawan hanggang sa para na akong naging estatwang nababalot ng halaman.

I can barely move. Ilang sandali pa'y tumambad sa akin ang isang rosas na tumubo mula sa halamang pumulupot sa kamay ko. "I hate roses! Tanggalin mo 'tong hayop ka!"

"Matagal rin akong naglakbay mula sa impyerno, Avi. Maraming demonyo ang pinaslang kong muli para lamang makatawid at makarating dito sa mundo mo. Gusto ko lang namang makuha ang atensiyon mo lalo na't ikaw lang ang makakatulong sa akin." Hindi ko alam pero bigla akong tinakasan ng lakas dahil sa nakakapangingilabot niyang boses.

Ilang sandali pa'y gumimbal sa sistema ko ang pagkalampag ng mga pinto kasabay ng pagsara ng mga ito. "You can't wake up not unless you'll do what I want. You'll just have to agree to whatever I say," dagdag pa niya.

"Wow, Great!" sarkastiko kong sigaw habang pilit na kumakawala sa mga mahigpit na kapit ng mga halaman. They looked like plants but smell like decomposing dead bodies.

"I didn't know demons know how to speak English? Cool. But still, I won't listen to you! Why don't you go back to hell, then? Tutal doon ka rin naman nanggaling!" giit ko pa sa demonyong hindi ko maapu-ap pero pansin kong lumakas ang tinig niya. It's either he's walking towards me and getting nearer or he just modified the volume of his baritone voice. What would I expect to a demon anyway? He surely has his ways on punishing people.

"The more you resist from my captivity, the more I become stronger and the probability of you escaping will immensely drop. Alam mo naman sigurong maraming na ring namamatay dahil sa bangungot?!" tugon niya at umalingawngaw na naman ang kaniyang halakhak, "Remember your patient? Ako ang pumatay do'n! Kaya kitang patayin sa sarili kong ilusyon kaya huwag mo akong minamaliit!"

EYELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon