SINO AKO?

23 5 0
                                    

Sino nga ba ako? Ikaw kilala mo ba ko? Sila kilala ba nila ko?


Walang nakakakilala sa akin


Hindi ako binibigyan ng konsiderasyon.

Simula pagkabata ang nais ko lang naman ay atensyon ng magulang ko.

Imbis na presensya nila ang ibigay sa akin puro pera pera pera!

Anong gusto nilang gawin ko sa pera? Ipambili ng magulang?

Mga wala silang kwenta. Lahat sa paligid ko ay walang kwenta.

Nakakatawa sila, akala mo'y aso na tahol nang tahol. Maglilikot kapag walang pagkain.

Magnanakaw pag walang makain.

Hindi perperkto ang pamilya ko.

At oo, mga magnanakaw sila ng kaban ng bayan.

Namulat ako sa ganoong gawain nila.

Alam ko na mali, sinubukan kong itanong kung bakit ganoon sila

At alam niyo ang sagot?

Dahil ang mga tao raw ay walang kwenta

Tsk, edi lumabas din ang totoo. Mga hayop sila.

Madaming nagagalit,bakit daw naging ganito ako.

'Ang sama ng ugali mo!'

'Akala mo naman kawalan ka!'

'Ganyan kaba pinalaki ng magulang mo?!'

Hindi nila ako pinalaki.

Wala akong kinikilalang pamilya.

Wala akong kinikilala.

Hindi ko sila kailangan.

Kaya ko ang sarili ko.


ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon