CONFESSION # 2

31 5 0
                                        

July 25, 2019

Dear Levi,

Kamusta naman ang pakiramdam mo?  ay haha bakit ko pa nga pala kailangang itanong yun eh panigurado namang walang sasagot sayo. Panira ka ng araw ko. Bukod sa wala kang silbi ay wala ka ring kwenta. Kaya feeling ko tama na rin yung pinatay kita para di na mahirapan pa mga magulang mo diba?


Nandito ako ngayon sa Mall, bibili ako ng mga kailangan para sa group project. Hinahanap ko yung stall para sa mga school supplies kaya nung nakita ko ito ay inumpisahan ko na ang paglalakad.

Habang iniisa isa ang listahan ko ay may nakabangga sa akin. Nahulog yung listahan ko kaya agad ko itong pinulot. Tiningnan ko naman kung sino yung nakabunggo at nakilala siya, ang kapitbahay namin na si Levi.

Hindi naman kami masyadong close. Naguusap kapag niyaya ako sa bahay nila kapag may okasyon pero hanggang doon lang yun. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya at hindi niya pa siguro ako napapansin.

Tsk, hindi marunong humingi ng tawad.

Pasalamat siya at nasa mall kami, ayokong dumanak ang dugo dito mismo.

Natapos na ako sa pamimili at umuwi na. Alas sais na ng gabi at nanonood ako ng tv. Maya maya ay may nagdorbell.

Dahan dahan akong naglakad at tila kinakabahan pa dahil baka mamaya ay pulis ang sumalubong sa akin dahil sa pagpatay ko kay julia.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga saka ko dahan dahang binuksan ang pinto. Laking pasasalamat ko naman nang si Levi ang kumatok.

"A-ah Xandra p-pwede bang dito muna ako? Sige na please" pakiusap niya.

Pinatuloy ko naman siya at umupo na siya sa sofa. Umupo ako sa harapan niya at pinagmasdam ko siya.

Kitang kita ang pagkabalisa niya, panginginig at pamamawis.

"Bakit ka nandito Levi?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahabol ako nila Mama at Papa, papatayin daw nila ko X-xandra...n-natatakot ako" umiiyak na sagot niya.

Hindi na bago sa aming mga kapitbahay ang ganoong eksena nila ng pamilya nila. Tuwing gabi ba naman ay laging may sigawan kaya nga kapag may okasyon at niyaya kami sa kanila ay yung iba ay nagugulat pa dahil himala ay ayos sila.

"Nauuhaw ako, pwede ba akong uminom?" Tanong niya. Hindi pamandin ako nakakasagot ay agad agad na siyang tumayo at naglakad papuntang kusina.

"Sandali!ako na ang kukuha" pigil ko naman ngunit parang wala siyang naririnig at nagtuloy tuloy parin.

"Sinabing ako na eh!" Sigaw ko sa kanya nang maabutan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"H-hindi ako na haha s-sige" protesta niya naman.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Rinig kong sigaw niya sa kusina.

Nakangisi naman ako sa kanya. Gulat na gulat ang kanyang mga mata.

"Sabi sayo ako na eh hahaha" sagot ko habang dahan dahan na lumalapit sa kanya.

Paatras siya nang paatras hanggang sa nacorner ko siya sa lababo.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng braso niya.

Takot na takot siya

"Ano yung m-mga nakita ko?" Hinihingal at nanginginig na tanong niya.

"Nakita mo naman diba? Mga ulo yan ng mga aso niyo. Ang ingay kasi, di tuloy ako makapag-aral sa gabi kaya ayan. Habang wala kayo kinuha ko sa kulungan. Pinakuluanbinalatan tapos kinain. Aalukin nga sana kita kanina ng kinakain ko eh para matikman mo naman lasa nila." Sagot ko. Nanatiling nakabukas ang bibig niya sa pagkagulat.

Pinagmasdan ko ang labi niya at tinawid ko ang pagitan namin. Hinahalikan ko siya. Noong una ay pumapalag siya ngunit kalaunan ay tumugon din. Tsk, malandi talaga.

Habang hinahalikan ko siya ay kinakapa ko na sa likuran niya ang lagayan ng kutsilyo. Naramdaman kong ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko at mas idiniin pa ang halik.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya, kinagat kagat ko ito na siyang naging dahilan ng pag-ungol niya.

Hahalikan niya rin sana ako sa leeg  nang hiniwa ko ang ulo niya.

Sorry, ayoko nang may humahalik sa katawan ko.

Hindi pa ako nakuntento at hiniwa ko ulit ang ulo niya hanggang sa bumagsak ito sa sahig. Kita ko kung paano sumirit ang dugo.

Kinuha ko ang ulo niya at inilagay din sa ref kasama ng mga ulo ng aso nila at ng iba pang pusa.

Hmm mukhang may uulamin na ko bukas.

Nagtataka naman ako, hindi ka hinahanap ng mga magulang mo. Siguro nga pag nalaman nila na pinatay kita baka matuwa pa sila at bayaran pa ko hahaha. Sige paalam na, ikamusta mo nalang ako kay Julia diyan ha?.

Nasarapan akong patayin ka.

-xandra

Itinupi ko na ang papel at inilagay ulit sa Jar.

Humiga na ako at sinimulang matulog. Mahaba pa ang araw ko bukas.









Enjoy reading! Please vote and comment. Thankyouuu!

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon