Nagising ako dahil sa katok sa labas ng bahay. Nagkusot ako ng mata at bumaba na. Hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos.
Sinilip ko sa butas ng pinto kung sino ang tao sa labas. Nakita ko si Troy, ang makulit kong manliligaw.
"Xandra? Xandra? Alam ko nandyan ka. Pagbuksan mo naman ako oh" sabi nya habang nasa labas parin. Hindi ko na sana sya pagbubuksan nang may naalala ako.
Nagce-crave nga pala ako.
Ngumisi ako saka binuksan ang pinto. Nagliwanag naman ang mata ni Troy at niyakap ako. Napairap nalang ako sa ginawa nya.
"Pasok ka." Malamig na sabi ko. Lalo namang lumawak ang ngiti nya at tuloy-tuloy na pumasok.
Umupo sya at umupo naman ako sa tapat nya.
"Bakit ka napadalaw?" Tanong ko.
"Tinataguan mo kasi ako sa school eh, kaya naisip ko na puntahan nalang kita sa bahay mo" sagot nya.
Habang naguusap kami ay biglang kumulo ang tyan nya. Ngumiti naman sya ng alanganin sa akin, napangisi ako.
"Sorry ah, di kasi ako nag-almusal eh tapos di pa ako nakabili ng makakain natin" paumanhin nya.
"Maghahanda lang ako ng makakain" sabi ko saka tumayo na at dumiretso sa kusina.
Binuksan ko ang ref at nakita ang mga atay at bituka. Hinanda ko na ang mga kailangan at saka inadobo ang mga ito.
"Hmmm ang sarap mo pala magluto" nakangiting papuri sa akin ni Troy. Kumakain kami ngayon dito sa dining room.
Nasasarapan ka pala sa bituka at atay ng tao eh.
Maya-maya ay para nabulunan sya. Agad naman akong nag-abot ng tubig at dali dali nya itong ininom.
"S-salamat"
Napangisi ako.
May kung anong nakabara sa lalamunan nya kaya kinuha nya ito. Nanlaki ang mata nya nang makita ang isang mata na galing mismo sa bibig nya.
"Ooops,nahalo ko pala" nakangiting sabi ko.
Napaurong naman ang upuan nya at saka sya sumuka. Napahalakhak ako sa aking nakikita.
Akala ko ba masarap?
Hindi pa sya tapos sumuka nang kinuha ko ang itak sa lababo.
Pagkaangat nya ng ulo laking gulat nya sa itak na hawak ko.
"Sinasagot na kita." Saad ko saka malakas na hiniwa ang ulo nya.
Nagsiritan ang dugo, labis labis ang ngiti ko.
Mukhang masarap na naman ang pagkain ko mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/217642084-288-k636154.jpg)
BINABASA MO ANG
Confessions
Misteri / Thriller"P-please hindi na ko uulit p-pakawalan mo na ko kalimutan na natin to" pagmamakaawa niya "Inumpisahan mo to, ako na ang tatapos" Dahan dahan akong tumayo habang nasa pagitan siya ng mga binti ko. Tatayo na sana siya nang sinipa ko ang mukha niya. K...