CONFESSION # 3

30 5 0
                                        

August 1,2019

Dear Mama,

Ilang beses na akong nagpipigil sayo. Sinagad mo kasi ako eh ayan tuloy. 'Wala pang alam si Papa sa sinapit mo at sisiguraduhin ko na kapag nangielam siya ay magsasama kayo ngayon. Hindi na kita tatanungin kung ayos kalang ba hahaha kase ako? Ni minsan hindi mo ko tinanong ng ganyan.

10pm na nang nakauwi ako sa bahay galing mall. Naisipan ko lang tumambay doon dahil biglang umuwi ng bahay ang nanay ko.

Buti nalang at nalinis ko na ang mga pinaslang ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng bahay upang maiwasan ang paglikha ng tunog. Alam ko kase na magagalit ang nanay ko dahil ngayon lang ako nakauwi.

Pagbukas ko ng pinto ay dahan dahan na akong naglakad paakyat at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ako nahuli ng nanay ko.

"Saan ka galing?" Biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ko at tumambad sa akin ang nanay ko na nakatayo ngayon at nakapameywang sa harapan ko.

"Sa mall." Casual na sagot ko. Hindi naman kami malapit ng nanay ko dahil nga alam niyo na...

Wala silang kwentang magulang.

"At bakit ngayon kalang umuwi ah?! Gabing-gabi na! Uwi ba yan ng isang matinong babae ha?! Lintek ka talagang bata ka!" Hingal na hingal na sagot niya. Ano karapatan niyang sigawan ako?

"Ikaw? Bakit ngayon kalang umuwi?"

"Aba't! Bastos ka talagang bata ka ha halika nga dito!" Pagkasabi niya niyan ay agad na sinugod niya ko at sinabunutan. Hindi ko malaman ang gagawin...kung papalagan ko ba siya o hindi.

"Wala ka na talagang nagawang maganda ikaw na bata ka! Sakit sa ulo ka namin ng ama mo!" Sigaw niya habang kinakalmot na ako.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa kanya.

"At anong gagawin mo? Gaganti ka ha? Gaganti ka? Ano?!" Sigaw niya sa akin. Sinampal ko siya. Inubos ko ang pwersa ko para makaalis sa kaya at buong puso ko siyang sinampal.

Oo,buong puso ko siyang sinampal. Kaytagal ko nang gustong gawin 'yan.

"Walang hiya kang bata ka--accckkkkk" susugod na naman sana siya sakin nang bigla ko siyang sinipa sa sikmura.

Tatayo na siya nang hinila ko ang buhok niya.

"Magbigay galang ka sa akin" sabi ko. Kita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.

"Bakit kita bibigyang galang? Wala kang modo! Wala kang utang na loob!" Sagot niya. Hinigpitan ko ang hawak sa buhok niya kaya napasigaw na naman siya.

"Bakit? Kanino ba galing ang pera na pinapangtustos niyo sa akin? Sa kaban ng bayan yan diba? Hahaha kaya bakit sa Inyo ako magkakautang na loob?"

"Pakawalan mo na ko Xandra! Isusumbong kita sa Papa mo!" Pinipilit niya magpumiglas ngunit sa lagay namin ngayon ay sadyang mas lamang ang lakas ko.

"Ano ako tanga?" Sabi ko. Bago paman siya makasagot ay kinaladkad ko na siya pababa ng hagdan.

"Arayyyy! B-bitawan mo na ako X-xandra ahhh!" Makaawa niya. Hanggang sa maabot na namin ang first floor ay hinila ko pa rin siya.

Kumuha ako nang vase at ipinukpok ko iyon sa ulo niya kaya nawalan siya ng malay. Hinila ko ulit siya at nilagay sa isang upuan at doon siya tinali. Habang inaantay ko siyang magising ay kumuha ako ng palakol at martilyo sa basement.

Makalipas ang ilang minuto ay naalimpungatan na siya.

"Humanda ka sakin!--ahh! Ano to?! Pakawalan mo ko!" Sigaw niya. Tatayo na sana siya nang pamansin niyang nakatali siya.

Kinuha ko ang martilyo at ipinukpok iyon sa tuhod niya.

"Ahhhhh h-hayop ka xandra!" Sabi niya. Matapang ka ah.

"Mana lang sa inyo" sabi ko at saka siya nginitian nang pagkatamis-tamis

Hindi pa ako nakuntento at pinukpok ko ulit yung tuhod niya.

"Ahhhh t-tama na pakiusap x-xandra ahhh!" Pagmamakaawa niya.

"Wala nang talab yan. Ang tagal ko nang nagtitimpi sayo. Wala kang kwentang ina,wala kang kwentang tao." Pagkasabi ko nun ay pinukpok ko ang dibdib niya. Nakikita kong umiiyak na siya.

"Kahit magtawag kapa nang mga santo,walang tutulong sayo hahahahaha" sabi ko. Patuloy lang siya sa pagdaing.

Kinuha ko na ang palakol ko at dahan dahan itong itinaas. Nanlaki ang mata niya nang makita ito.

"Huwaggggg!" Sigaw nya. Ngunit huli na. Naitarak ko na ito sa ulo niya. Sumirit ang dugo at nagkalat ito sa kusina. Hindi na ako nagabalang linisin ito dahil kakainin ko rin naman ito mamaya.

Kaya sana rin,sa susunod mong buhay magbago bago kana hahaha. Mas masahol kapa ata sa anak mo eh-ay wait di naman pala ko papayag nang may mas hihigit pa sa akin. Ako ang bida. Paalam na Ma. Hayaan mo baka magkita na rin kayo ni Papa diyan hihihi. Pakamusta nalang ako kila Levi at Julia. Sige paalam na.

Nanggagalaiti akong patayin ka.

-Xandra

Itinupi ko ang papel at inilagay ito sa jar. Pagkatayo ko ay biglang may nagdorbell.

Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko ang magulang ni Levi.

Shit!

Ngunit mas lalo akong kinabahan sa tinanong sa akin ng nanay niya.

"Anong ginawa mo sa anak ko?"











Please do Vote/Comment. Thank you!❤❤❤

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon