Dalawang araw na ang lumipas magmula ng krimeng ginawa ko sa manliligaw ko.
krimen nga ba?
Napangisi na lamang ako sa aking naisip.
"Hoy Xandra nakikinig kaba?!" napatingin ako kay All , oo nga pala nagkukwento sya tungkol sa magulang nya.
Ewan ko ba, sa lahat ng tao dito ay si Ally ang hindi ko magawang paslangin. Ilang beses ko na rin namang sinubukan pero kapag gagawin ko na ito ay saka ko naaalala ang mga pinagsamahan namin magmula nung bata pa kami.
Wala syang ideya sa mga masamang intensyon ko, basta kilala nya lang ako bilang isang tahimik at masungit nyang kaibigan.
Hanggang doon lang...
"Pasensya na, may iniisip lang kasi ako" kalmadong sagot ko.
"Hays, ano pa bang bago? Teka, nasan na pala yung manliligaw mo? tinawagan nya ko kagabi eh, hinahanap ka sakin"
"Ewan ko, di ko sya nakita eh. Baka naligaw" nagmamaang-maangang sagot ko.
Tumingin ako kay Ally nang mapansing kong tahimik syang nakayuko, parang nag-iisip.
"Bakit?" tanong ko.
Tumingin naman sya sakin at matagal bago nakasagot. Tila ba sinusuri ang mga mata ko..
Tila ba inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.
Come on, Ally! Speak!
"That's strange" patango-tango nyang sagot.
"S-strange?, why?" imposibleng may ideya sya sa nangyari sa kanya. Wala naman sya kahapon sa bahay namin at kung nakakapunta naman sya sa bahay namin ay dun lang naman kami sa sala.
"Wala naman, diba tinawagan nya ako para hanapin ka. Binigay ko ang address mo, nakarating sya dun nang hindi parin binababa ang tawag." shit, alam nya kaya?
Imposible! wala akong nakitang hawak yung lalaking yun.
"T-tapos?" shit, di ko dapat pinapahalatang kinakabahan ako.
I will look like a sus.
"Ayun, sabi mo hindi mo sya nakita pero narinig ko naman yung boses mo."
"M-may narinig kaba?" delikado ka, Ally
Kung ako sayo hindi ka na dapat nakipag-usap sa taong yun.
I might get rid of you in the future.
"Wala eh, namatay nalang bigla yung tawag. Hindi ko na narinig yung iba pa" sagot nya.
Napahinga naman ako nang maluwag, I think I will give her a chance.
After all, she's my childhood friend.
![](https://img.wattpad.com/cover/217642084-288-k636154.jpg)
BINABASA MO ANG
Confessions
Mystery / Thriller"P-please hindi na ko uulit p-pakawalan mo na ko kalimutan na natin to" pagmamakaawa niya "Inumpisahan mo to, ako na ang tatapos" Dahan dahan akong tumayo habang nasa pagitan siya ng mga binti ko. Tatayo na sana siya nang sinipa ko ang mukha niya. K...