July 12, 2019
Dear Julia,
Hi, alam ko naman na hindi mo na to mababasa haha syempre naman sinigurado ko talaga yun. Alam mo ba na ayoko sa ugali mo? Pag kaharap mo mga kaklase natin ang bait bait mo pero kapag ako ang kaharap mo lumalabas ang kahayupan mo. Well,gusto ko lang sabihin sayo na mali ka nang kinalaban. Maling-mali,akala mo kaya mo ko? Tsk ayoko sa lahat ay yung hinahawakan ako lalo na kung hindi naman tayo close. Sino ka para sabunutan ako? Sino ka para hampasin ako?. Ayan tuloy,ikaw ang tinuluyan ko.
"Hey bitch" lumingon ako sa taong pinanggalingan ng boses na yun. Pinunasan ko muna ang kamay ko saka humarap sa kanya.
"Anong kailangan mo?" Kalmadong sabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung anong kailangan niya at sinundan niya pa ko dito sa Comfort Room.
"Ikaw ba yung may gawa nun?"
"Anong sinasabi mo?" Sagot ko sa kanya. Ano ang sinasabi niya? Sinasayang niya ang oras ko tsk.
"May nagkalat lang naman ng picture ko na lumabas galing bar" nanggigigil na sagot niya.
"Pinagbibintangan mo ba ko?" Sagot ko. Napataas ang kilay ko sa kanya.
"Bakit kita pagbibintangan kung alam ko naman talaga na ikaw ang may gawa?"
"Kung sa tingin mo at sigurado ka na ako ang may gawa bakit kailangan mo pa akong tanungin?" Nakakagigil siya!
"So ikaw nga?!"
"Hindi." Kalmadong sagot ko. Gusto ko ihampas ang babaeng ito sa salamin.
"Bitch! Alam naman nating dalawa na alam mo ang trabaho ko doon sa bar!" Galit na sabi niya.
Oo, alam ko ang trabaho niya sa bar. Gusto ko maginom nung mga panahon na yon at nakita ko siya doon. Sumasayaw na halos wala nang saplot, tinetable ng mga lasing, at nagseserve sa mga customer. Binantaan niya pa nga ako na sa oras na may makaalam na ganoon ang ginagawa niya ay malalagot ako sa kanya.
Tsk, mali ka nang kinakalaban.
"Bakit ako ang tinatanong mo? At ano bang pakielam ko kung nandoon ka at nagtatrabaho?"
"Dahil naiinggit kalang! Palibhasa loner ka at walang may gusto sayo! Naiinggit ka dahil nasa akin lahat ng atensyon!" Nakangising sagot niya. This girl is getting into my nerves!
"May sasabihin kapaba? Sinasayang mo ang oras ko." Sagot ko. Naglakad na ko palabas ng cr nang bigla niyang hablutin ang buhok ko.
"Bitch! Matagal ko nang gustong gawin to sayo alam mo ba?! Kunwari kapang wala kang pake pero ang totoo? Hahaha alam kong naiinggit kalang sa akin" sabi niya habang sinasabunutan ako. Para siyang baliw.
You mean..para kayong baliw?
Sinikmurahan ko naman siya at agad niya akong nabitawan.
"Aacckkkk" ayan nalang ang tunog na nalilikha niya dahil sa suntok ko. Lumalabas na rin sa bibig niya ang ilang dugo.
Agad na naman niya akong sinugod at pinagsusuntok. Aaminin kong napakalakas ng babae na to.
"Ano nageenjoy kaba? Kulang pa yan! Inggitera ka!" Galit na galit na sabi niya habang inilulublob na ako sa bowl.
Buong lakas kong inuntog ang ulo ko sa kanya. Kaya naman bumagsak siya at kinuha ko na ang pagkakataon na yun para tumayo.
Habang nakahiga siya sa sahig ay kinaladkad ko siya.
"B-bitawan mo ko ano ba! Pag nakawala ako sayo sisiguraduhin kong may kalalagyan ka! Aaahhhh" namimilipit na sabi niya
"Kung makawala ka tsk" sagot ko naman na nakangisi sa kanya.
Binitawan ko na siya at nakahiga parin siya sa sahig. Yumuko ako para makita ko ang mga mata niya.
Nakikita ko ang takot sa mga ito.
Napangisi naman ako sa nakita ko.
"P-please hindi na ko uulit p-pakawalan mo na ko kalimutan na natin to" pagmamakaawa niya
"Inumpisahan mo to, ako na ang tatapos"
Dahan dahan akong tumayo habang nasa pagitan siya ng mga binti ko.
Tatayo na sana siya nang sinipa ko ang mukha niya. Kitang kita ang pagdugo ng mukha niya.
"P-please gagawin ko l-lahat pakawalan mo na ko please" pagsusumamo niya. Ngayon iiyak siya at magmamakaawa? Pshh, humans. Gagawa ng bagay na hindi naman pala kayang panindigan.
"Wala akong pakielam" sagot ko. Nanlalaki ang mata niyang sinagot ako..
"Wala kang kwenta! Acckkk" sabi niya kaya naman sinipa ko ulit siya. Halos sumuka na siya ng dugo, kalat na ang dugo sa sahig.
Mabuti naman at nakalock ang pinto nitong cr, walang istorbo.
Kung sinuswerte ka nga naman.
Gamit ang takong ko buong lakas kong inapak ito sa bibig niya. Kitang kita ko kung pano niya hawakan ang paa ko para alisin ito kaya naman lalo ko itong idiniin sa bibig niya.
Pagtapos nito ay sinampal ko siya. Wala na siyang malay.
Tiningnan ko ulit ang mukha niya saka ko kinuha ang walis tingting na nasa gilid ng cubicle sa dulo. Pinilit kong itinusok ito sa mata niya at boom! Hahaha nakatarak na ito ngayon doon.
Hindi pa ako nakuntento at kinuha ang muriatic acid na nasa ilalim ng lababo at ibinuhos ito sa katawan niya. Kitang kita ko kung paano siya parang nalulusaw.
Iniwan ko na siya sa cr at kinuha ang bag ko sa room at umuwi na.
Kinalaban niya ko? Ayan ang napala niya.
Kaya julia, sana sa susunod na buhay mo wag kanang ganyan ah? Sige ka baka mapatay ka uli hahaha. Hindi ako hihingi ng sorry, duh sino kaba? Sige paalam na.
Natutuwa akong patayin ka.
-xandra
Agad kong itinupi ang isinulat ko at inilagay sa jar.
Ang sarap sa pakiramdam kapag nakakapatay ka.
BINABASA MO ANG
Confessions
Misterio / Suspenso"P-please hindi na ko uulit p-pakawalan mo na ko kalimutan na natin to" pagmamakaawa niya "Inumpisahan mo to, ako na ang tatapos" Dahan dahan akong tumayo habang nasa pagitan siya ng mga binti ko. Tatayo na sana siya nang sinipa ko ang mukha niya. K...