PRESENT

27 5 0
                                    

Binibilang ko kung ilan na itong mga papel sa jar ko. Marami-rami na ito kaya't napangiti ako. Ang sarap kasi talaga sa pakiramdam kapag nakakapatay ka ng tao.

Tiningnan ko sa tabi ko ang walang malay na mga magulang ni Levi. Tatlong araw na simula nung binihag ko sila. Hindi ko sila papatayin dahil  wala, gusto ko munang pahirapan sila.

Umalis na ko at iniwan sila dito sa basement.

Tumungo ako sa kusina at binuksan ang ref. Tumambad sa akin ang mga patay na daga, pusa, at aso kasama pa ang mga buhok, ulo, at ilan lang piraso ng mga parte ng katawan ng tao.

Kumuha ako ng bituka at isinalang iyon sa kaldero. Pinakuluan ko upang lumambot saka ko nilagyan ng asin.

Sa pagkakatanda ko ay galing ang bitukang ito sa guard ng school.  Dahil kamuntik na niya akong gahasainbuti nalang ay dala ko ang maliit kong kutsilyo at pinagsasaksak ko siya. Pagkatapos ay biniyak ko ang katawan niya at kinuha ang mga organs.

Nung kumulo na ang bituka ay naghiwa na ko ng sibuyas, bawang, at kamatis at inumpisahan itong gisahin.

Napangiti ako nung inamoy ko ang niluluto ko. Malansa ito at ito ang gustong-gusto kong amoy. Hinayaan ko na muna ang niluluto ko at kinuha ko sa kabinet ang isang tumbler.

Laman nito ay dugo saka ko ito ibinuhos sa bituka. Pagkatapos nitong kumulo ay hinain ko na ito saka kinain.

Naisip ko lang, never pa akong nakatakim ng utak. Bigla tuloy akong nag-crave. Ano kaya? Mangbiktima kaya ako?













Please Vote/ Comment. Thankyouuuu❤️❤️❤️

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon