Chapter XXII

17 4 0
                                    

Kash P.O.V

"Kamusta ka kash? Dalawang linggo kang wala, na miss ka namin" tanong ni daphnee habang kumakain kami. Hindi ko pa Napa kilala sa kanila si ash, tutal may isang oras pa para sa break time namin maybe ipapakilala ko na lang sila kay ash

"Amm, I'm sorry guys medyo busy kasi ng nasa US ako, sinabi naman siguro ni Karen sa inyo na I'm with ash right?, saka ipakilala ko kaya sa kanya pag balik niya" naka ngiting wika ko

"Oh, ayan na pala ang kakambal mo " sarkastikong wika ni Karen kaya nginitian ko na lang siya, Alam Kong galit pa siya, Hindi pa kami nag usap tungkol sa huling pagkikita namin sa US maybe mamaya o bukas na

Agad akong lumingon at nakita ko ang kakambal ko na namumutla? Okay lang ba talaga siya? Agad akong tumayo at nilapatan siya, Hindi ko muna pinansin si Karen

"Are you okay ash?" Nag alalang tanong ko sa kanya

"I'm fine kash, don't worry, pagod lang talaga ako she gave me an assuring smile, Peru hindi ako naniniwala inakay ko na lang siya sa table namin

" wow, you really a caring twin kash" na mamanghang wika ni Rochelle kaya ngiti lang ulit ang sinagot ko

"Amm guys, I want you to meet my long lost twin sister asherine nahara , ash this is Daphnee, Rochelle, jalleah, eden, Cheryl, and shyrel my friends" naka ngiting wika ko

"Hi" sabay-sabay na sabi nila

"I already know them kash, sinabi na kanina ng teacher natin diba? I'm not stupid" inis na wika niya, Hindi niya pinansin ang mga kaibigan ko kaya natahimik na lang sila

"Tsk tsk, I'm very disappointed kash, iba ata ung page kukwento mo sakin about sa kambal mo? " napapailing na wika ni Karen habang ang mga kaibigan namin nakikinig lang

"Hey ASH, please respect my friends kahit para na lang sa kakambal mo, ibahin mo yang ugali mo sa ugali mo dun sa Korea, pilipinas to Hindi Korea tsss" dagdag pa ni Karen kaya ramdam mo ung tention sa kanilang dalawa

"Kar! Stop it!, guys I'm sorry Kong ganito siya ah, pagod lang ata si ash, pag pasensiyahan niyo na" humihinging patawad ko

"Tssss, di ko alam na super woman ka na pala?" Sarkastikong wika niya pa kaya

"KAR ANO KA BA?! BAT KA BA NAG KAKAGANYAN?! INAANO KA BA NG KAKAMBAL KO?! SIMULA NG SA US AYAW MO NA SA KANYA! MAY KASALANAN BA SIYA NA GINAWA SAYO!!? KONG AYAW MO SA KANYA SANA SABIHIN MO! SANA LANG PARA NA LANG SAKIN TANGGAPIN MO SIYA! YOU KNOW HOW I MISS HER DAMN !" galit na sabi ko  napatayo na talaga ako! Inuubos niya ang pasensiya ko

"Are you done?, first tinatanong mo Kong bat ako nag kakaganito? Simple dahil Hindi ko SIYA feel, second, anong kasalanan niya? Tanungin mo SIYA wag ako, and last? Para sayo? I already did na tanggapin SIYA, Peru Hindi talaga kaya ng sikmura ko, siguro nasanay lang ako na ako lagi ang kasama mo kaya nag kakaganito ako, don't worry Hindi na mauulit to" patapos na sabi niya at umalis na

What the hell is wrong with her?! Agad akong napatingin sa mga pinsan ko ng tumayo silang tatlo,

" sundan lang namin siya kash, sumubra ka na talaga, ilang beses mo ng ginawa to sa kanya " agad na sabi ni Keir at umalis

"Iuwi mo na si ash, kami ng bahala sa kanya, kailangan niya ng kaibigan ngayun, mag ingat kayo" dagdag ni Keighley at sumunod din,

"Text mo ako pag naka dating na kayo sa bahay ah, sundan ko lang sila" sabi ni kerin

Bat ganun? Ako ang pinsan bat si Karen ang kinampihan nila? Mali ba talaga ako?

Agad naman akong napatingin sa girls ng tumayo din sila

SUNSETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon