Reveal 1.0
Kash P.O.V
Isang buwan ang lumipas at naging maayos ulit ang pagsasama namin nila karen at mga kaibigan namin, every Friday ay nag ba-bonding kami at nanunuod ng sunset, habang si ash naman ay may pinupuntahan din kaya nag duda na ako Kong ano at sino ang kinikita niya.
Ni minsan Hindi niya na sabi sa akin Kong sino ang pinuntahan niya at Kong saan siya pupunta ang sabi niya lang ay may pupuntahan siya, kaya nag dududa na ako,
Hindi ko din sinabi Kay Karen ang ginagawa ni ash dahil baka ito na namn ang simulan ng away,
Kaya isang araw ay may sinabihan akong sundan si ash, nag pa imbestiga din ako about sa kanya, sa tatlong buwan na magkasama kami sa iisang bobong Hindi ko man lang naramdaman ni minsan ang dating ugali ng kakambal ko, akala ko dati nag aadjust lang siya at umaasa akong babalik ang dating siya Peru Mali ako,
Pina panalangin ko sa araw-araw na sana kahit minsan ay maiparamdam niya ang dating siya, Napa balik lang ang ulirat ko ng tumunog ang phone ko
Ethel calling
"Hello" malamig na wika ko
"Pinuno, natanggap ko na ang resulta ng DNA test ng kakambal mo, at naibigay na rin ng inutusan niyong tao ang tungkol sa pag sunod sa kanya" mahabang wika niya
"Dalhin mo sakin ang lahat, hihintayin kita dito, at may pag uusapan din tayo" sagot ko at pinatay na ang tawag,
Nung nakaraang linggo ko lang naisip na gawin ang lahat ng ito, tama si Karen una pa lang, paano Kong Hindi talaga siya ang kakambal ko? Kaya Hindi na ako nag dalawang isip na ipagawa ang mga dapat gawin,
Agad akong naligo, kailangan kong maging handa sa resulta ng mga pinapagawa ko,
Hindi ako nag tagal sa banyo at nag bihis din, kilala ko si Ethel, maya-maya nandito na yun
Mahigit 30 minutes ang hinintay ko ng dumating si Ethel kaya kunot noo ko siyang tiningnan
"Bat ang tagal mo?" Malamig na wika ko
"Pasensiya na pinuno, may tumawag sa akin at may bagong balita, " hinihingal na sabi nito kaya mas napakunot ang noo ko
"Ano naman iyon?" Tanong ko
"May bago ng empress at kakambal mo ito" natatakot na wika niya
"ANO?! PAANO NANGYARI YUN?!" Galit na sigaw ko! At sino?! Iisa lang ang kambal ko! Sino si ash?! Shit! Agad kong kinuha ang dalawang envelope na hinawakan niya, una kong binuksan ang DNA niya! Shit! Napa mura ako ng malutong,
She's not my twin! The hell! Naluko ako! Sunod kong binuksan ang isang envelope ito ang nilalaman ng mga resulta ng pag papa imbestiga sa kanya,
Ang unang larawan ay may kasama siyang babae , halatang nag uusap sila at parang seryuso ito, habang pangalawan naman ay dalawa na ang kasama niya, isang babae at lalaki
Hindi ko na pinatapos tingnan lahat, ang gali niyang mag acting! Tangina niya! Nanghihina akong Napa upo sa silyang malapit sa akin, I can't believe this! Bat sabay-sabay ang problemang dumadating!?
"Sino ang bagong empress Ethel?" Hindi ko binago ang malamig Kong expression kanina pa
"Wala silang sinabing pangalan, subalit ang sabi ng nasa itaas matagal ng may namamahala sa tungkulin ng empress at Hindi namin mawari Kong sino ito pinuno" mahabang wika niya
"Mag handa ka ng mga tauhan, pupunta tayo ng United States para harapin ang bagong empress, gusto ko siyang makaharap"
"Masusunod pinuno" agad na sagot niya

BINABASA MO ANG
SUNSET
Teen FictionWhat if at the end of the day iiwan ka din pala ng lahat? lalo na ng taong subrang importante sa buhay mo? what would you do pag nangyari yun? iiyak ka ba? kakalimutan mo ang nasa itaas? sisisihin? o mag momove forward ka na lang for your own life...