Chapter 4: Eye Sore

30 11 3
                                        

Nathan's POV:

Pagkatapos kong umalis dun sa secret garden na nakita ko ay nagpunta ako ng court. Dito kasi kami magme-meet ng nga tropa ko. I miss them

Habang iniintay ko ang mga tropa ko ay naalala ko ang nangyare kanina sa secret garden.

Ang cute niya pala. Ang sarap niyang galitin. Haluh gago! Ayos ka pa ba Nathan? Wag ka ngang nagiisip ng ganyan dun sa masungit na babaeng yun!

"Sino naman kaya ang iniisip ni Nathan?" Tanong ni Seth

"Wala akong iniisip" sabi ko kay Seth.

Siya si Seth Adelard , ang isa sa mga kaibigan ko. Playboy yan at isip bata.

"Baka babae iniisip niya tol" sabi naman ni Grey

Siya naman si Grey Villamor. Siya ang makulit at palabiro sa aming magkakaibigan. Medyo may pagka playboy din.

"Kayo nag-iisip niyan, hindi ako" asar na sabi ko

"Pero di nga, babae yan noh?" Pangungulit naman ni Noah

Siya si Noah Perez, at oo, tito niya ang headmaster ng school. Siya ang pinaka mabait at malambing sa aming apat. Siya din ang pinaka matakaw=-=

"Oo na! Babae na iniisip ko. Pero hindi katulad ng iniisip niyo" pagmamataray ko sa kanila

"Sino yan pre?" Tanong sa'kin ni Seth
"Maganda ba?" Dag-dag pa niya

"Maganda na sana kaso masungit=•=" sabi ko

"Oooo spicy one!" Pabirong sabi Seth

"Chickboy mo talaga Seth" sabi ni Noah

"Baka agawan mopa si Nathan ng babae" panga-asar ni Grey

"Kanyang kanya na yung babae, yun nga lang baka maghirap ka. Baka dimo matansya" sabi ko

"Bakit, ganun ba talaga ka sungit yung girl?" Tanong ni Noah

"Oo, kung alam niyo lang" sabi ko sa kanila

"Anong bang nangyare at parang ayaw na ayaw mo dun sa babae?" Tanong ni Grey

Kinuwento ko sa kanila yung una naming pagkikita sa mall at yung nangyare na tour.

"Easy lang yan pre!" Mayabang na sabi ni Seth

"Sus! Yabang naman neto. Sige nga gawin mo" hamon ni Grey

"Sige ba!" Sang-ayon ni Seth
"Pano pag nagawa ko?" Dagdag pa niya

"Edi ibibigay ko sayo Mustang ko" sabi ni Grey

"Sabi moyan ha! Walang bawian!" Masayang sabi ni Seth

Accidentally In Love (Slow update)Where stories live. Discover now