Chapter 9: Misjudged?

21 9 3
                                    

Nathan's POV:

Naandito ako sa may library, nagbabasa, ng makita ko si Athena. Nandun siya sa may dulo, nakaupo malapit sa may bintana.

Ang ganda niya kapag nagbabasa. She's got such a charming smile while reading a book. She probably enjoys the book. Pinagmasdan kolang siya... Pero takte nayan! Wala talaga akong gusto kay Athena ha! Maganda lang talaga siya aamin ako dun!

Pagkatapos ng ilang oras na panunuod kay Athena habang nagbabasa at habang naka earphones, bigla akong nakatulog. Hindi ko na namalayang wala na pala si Athena sa library.

Pagka-gising ko ay agad kong hinanap kung nasaan si Athena. Medyo matagal ang tulog ko, ang peaceful kasi tingnan ni Athena, para lang anghel(^。^)

(Ate Ai: tapos sasabihin mo, hindi mo siya gusto(゜-゜)....may pasabi-sabi ka pang mukha siyang anghel. Landi ah!)

(Nathan: wala akong gusto kay Athena. Sadya naman talagang maganda siya ah.)

(Ate Ai: sus, napaka defensive mo naman agad! Sige na, hindi mo na siya gusto)

Ito talagang si Author, paissue! Bakit hindi ba talaga maganda si Athena? Maputi siya, makinis ang balat, tama lang ang tangkad, maganda ang facial fixtures niya, at napakaganda ng katawan niya. Don't get me wrong. Hindi ako bastos. Nagpapaka-totoo lang talaga ako.

Nagpaikot-ikot ako sa library para hanapin si Athena pero wala na siya dito.

"Huy, tara dun sa hallway. May binubully nanaman ang campus queen na si Faye" narinig kong sabi ng isang estudyante

Biglang nagtayuan silang lahat at lumabas ng library.

Ako naman ay lumabas nadin at nagtungo sa hallway na hindi kalayuan sa library. Nagulat ako sa nakita ko. Si Athena yun diba? Hindi ako pwedeng magka-mali, si Athena yun! At siya ang hawak ng mga babae habang sinasampal siya nung campus queen daw dito na si Faye. Punong-puno na siya ng pasa at medyo namamaga nadin ang pisngi niya. Bigla nalang ako nakaramdam ng galit. Galit sa mga taong gumagawa nito kay Athena. Hindi ko din alam kung bakit ako galit pero ang alam ko lang ay kailangan ko siyang iligtas at ilayo sa kanila!

Malapit na ako sa kinaroroonan ni Athena ng bigla kong makita na akmang sasampalin siya ulit ni Faye ng malakas. Hindi ko alam kung anong nangyare sa katawan ko, bigla nalang ako tumakbo ng mabilis at hinawakan ang braso ni Faye at binigwas ito ng malakas. Nagulat siya sa ginawa ko. Believe me, ako din. Hindi ko alam kung bakit ko din yun ginawa.

"Don't touch her!" Galit at cold na sabi ko kay Faye

Inalis ko din ang mga kamay ng mga kasama ni Faye na kanina pang mahigpit ang hawak sa braso ni Athena.

Lumingon ako kay Athena at para siyang nagulat nung nakita niya ang mukha ko.

"Teka! Who are you ba?" Iritang tanong sa'kin nung si Faye

Siya pa itong may ganang magalit at mairita sa'kin, e samantalang, ako dapat magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Athena. Takte ka Nathan! Parang may gusto ka ata kay Athena ah!! TAKTE! Wala talaga akong gusto dun! Concern lang talaga, promise.

"Ako si Nathan" cold na sagot ko kay Faye

Inilapit kopa lalo si Athena sa tabi ko at medyo tinago siya sa likuran ko. Halatang halata sa kanya na hindi siya masyadong makatayo ng ayos.

Accidentally In Love (Slow update)Where stories live. Discover now