Chapter 8 A broken heart

3.3K 79 1
                                    

Hindi ako makapag isip ng dapat kong gawin.

Hanggang ngayon nag aalala pa rin ako kina Mich at Tenten, sa posibleng gawin ulit ni dad yung banta niya.

Nasa tapat ako ng bahay nila Mich.

Nasa loob kami ng kotse ni Mich.

Bakit di ka pumasok sa loob - tanong ni Mich

Hindi na, dito na lang - sabi ko

Love, pasensya ka na sa mga nasabi ko, galit lang ako nun dahil sa nangyari kay tenten - paliwanag niya

Naiintindihan kita, ayaw mo lang na may nanakit sa kanya - sabi ko

Ilang minuto naging tahimik kami ni Mich.

Nang magsalita ako.

Umamin si dad sakin, siya yung may pakana ng panloob sa inyo at yung nangyari kay tenten - naiiyak kong sabi

Hayop! hayop yang tatay mo, walang konsensya - galit na galit nasabi ni Mich

Sorry, sorry love - iyak kong sabi

Okay lang sakin ako yung takutin niya saktan niya, pero yung kapatid ko, ibang usapan na yun - galit at iyak niyang sabi

Galit na galit si Mich, nakatikom yung mga kamay niya sa galit niya.

Tapusin na lang natin to - sabi niya

Napatingin ako sa kanya.

Anong sinasabi mo - maiiyak kong sabi

Tapusin na natin to, yung relasyon natin, pati si tenten nadadamay na, pati yung kapatid kong walang kalaban laban dinadamay ng tatay mo - iyak na sabi ni Mich

Love, please wag naman ganyan, alam kong natatakot ka para kay tenten, kaya nasasabi mo yan ngayon - iyak kong sabi kay Mich

Oo, natatakot ako para kay tenten, dahil si tenten na lang ang meron ako ngayon - iyak niyang sabi

Love, ako nandito ako - sabi ko

Alam ko yan love, pero si tenten, si tenten ang importante sa buhay ko alam mo yan love - Mich

Oo alam ko yan love, pero hindi naman kailangan mapunta tayo sa point na to - ako

Lucy hanggat may relasyon tayong dalawa hindi kami titigilan ng tatay mo, hindi siya titigil hanggat hindi ka pumapayag na pagpakasal, lucy makinig ka, mahal na mahal kita kaya kitang ipaglaban at ipagtanggol sa mga magulang mo, pero kung pati si tenten madadamay dito, kahit napakasakit sakin, papakawalan kita - iyak na sabi ni Mich

Gagawa ako ng paraan para di na kayo magalaw ng magulang ko, wag mo lang gawin sakin toh love please - pagsusumamo ko sa kanya

Anong gagawin mo para hindi na maulit yung mga nangyari samin ni tenten, Ano?? - tanong niya sakin

Ilalayo ko kayo, ililipat ko kayo ng bahay - sagot ko

Sa tingin mo ba mag ginawa mo yun hindi nila kami mahahanap, hindi nila malalaman yung ginawa mong pagtatago samin, ito ngang magtatago natin sa relasyon natin nalaman nila, paano pa kaya yung pagtatago mo samin - Mich

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Mich.

Tama siya, yung sobrang pag iingat namin sa pagtatago sa relasyon namin nalaman ng magulang ko, paano pa kaya sa naisip kong paraan na ilipat sila ng bahay at itago.

/
Ito na siguro yung tamang paraan at tamang gawin sa ngayon, kahit mahal na mahal natin yung isat isa, kailangan na natin pakawalan ang bawat isa, para wala ng masaktan pa - iyak na sabi ni Mich

Hinawakan ni Mich yung magkabilang pisngi ko.

Hindi ibig sabihin hindi na kita mahal sa gagawin kong pagsuko sayo, at hindi porket hindi na tayo, hindi na natin mahal ang isat isa, ginagawa ko to ginagawa natin tong dalawa para wala ng masaktan at madamay pa, Lucy mahal na mahal kita, at kahit na kailan hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko para sayo, hinding hindi - iyak na sabi ni Mich sakin

Hinalikan niya ko sa labi, habang natulo ang mga luha namin ramdam na ramdam naming dalawa ang sakit.

My Secret AFFAIR ( GirlxGirl ) Where stories live. Discover now