Chapter 2 My Love

9.9K 150 2
                                    


Good morning mam - si lyn ang secretary ni dad.

Hi lyn good morning - bati ko sa kanya.

mam lucy sabi po pala ni sir punta daw po kayo sa office niya - si lyn

ok sige, salamat lyn - sabi ko sa kanya

Naglalakad na ko papuntang office ni dad.

Kumatok ako sa office niya.

Hi dad, pinapatawag mo raw ako - nasa may pinto pa ako ng office ni dad

Comin - si dad

Pumasok na ako sa office ni dad.

Mamaya sa bahay may dinner tayo, magluluto yung mom mo - sabi ni dad habang may pinipirmahan sa harapan niya

Anong meron dad - tanong ko

Basta, mamaya mo malalaman okay, dont be late, baka mamaya may pupuntahan ka na naman magtatampo yung mom mo pag di ka nagpunta sa dinner mamaya - explain ni dad

Okay dad, pupunta ako sa dinner - sagit ko kay dad.

Anong meron sa dinner mamaya, sa isip isip ko. Ano naman yung pag uusapan namin o ano yung ipapagawa nila sakin.

Ganun kasi sila, magpapadinner sila pag may ipapagawa sakin o may iuutos sakin.

Hindi kasi uso sa bahay yung sabay sabay kami nagdidinner.

Pag sa gabi pagtapos ng trabaho, may pinupuntahan ako. Sa madaling araw na ako nakakauwi.

Pinupuntahan ko kasi siya.

Yung taong mahal ko.

Nagkikita kami palagi, pero patago, hindi kasi kami legal.

Hindi kami legal, hindi kami legal sa pamilya ko, pero sa pamilya niya legal kami.

Hindi kasi matatanggap ng pamilya ko o ng mga magulang ko yung taong pinili kong mahalin.

Yung relasyon naming dalawa hindi ordinaryo.

/
Ate lucy - si tenten

Hi tenten, ito ohh pasalubong - may inabot ako kay tenten

Salamat ate lucy - nakangiti niyang kinuha yung pasalubong ko

Ate mo?? - tanong ko sa kanya

Nasa kwarto po si ate - sagot niya

Si tenten kapatid ni Mich.

Girlfriend ko.

Yung yung taong mahal ko, at siya din yung taong iniingatan ko.

Paano ba kami nag kakilala ni Mich Suarez.

Nagkakilala kami sa isang Coffee Shop, Kung saan siya nagtatrabaho.

/
Kumatok ako sa kwarto ni Mich

Hi - ngiting bati ko sa kanya

Hi love - lumapit siya sakin, sabay yakap

Si Mich malambing siya, understanding, mabait at mahal na mahal ako.

Syempre mahal na mahal ko rin siya.

Tara na - ngiting sabi ni Mich

Love, hindi tayo matutuloy sa dinner natin ngayon, may dinner kasi sa bahay, pasensya ka na, babawi na lang ako - sabi ko kay Mich

May dinner kayo sa bahay niyo, dinner ba talaga yan o may ipapagawa na naman yang magulang mo sayo - si Mich

Alam kasi Mich ang lahat tungkol sakin, kahit yung ganitong bagay.

Dahil lahat sinasabi ko sa kanya, wala akong nililihim sa kanya.

/
Hindi ko alam love ehh, ang sabi lang sakin ni dad kanina may dinner daw sa bahay, at dun na daw niya sasabihin sa dinner kung anong ganap - paliwanag ko sa kanya

Kelan tayo lalabas? - tanong niya sakin

Bukas! - sagot ko sa kanya

Ngumiti siya sakin at kinalikan sa lips ko.

Promise?? - si Mich

Promise! - ako

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Bago ako umalis sa bahay nila Mich nakipagkwentuhan muna ako sa kanila, sa kapatid niya na si tenten.

Dalawa na lang sila sa buhay.

Wala na kasi silang magulang, si Mich ang nag aalaga sa nakakabatang kapatid niya na si tenten at siya din ang nagpapa aral dito.

14 years old si tenten at si Mich 25 years old.

Maaga silang naulila sa magulang, kaya di na nakapagtapos si Mich sa pag aaral niya dahil mas inuna niya ang pangangailangan nilang magkapatid.

Hinahangaan ko nga si Mich, dahil sa experience niya sa buhay.

Hindi siya humingi ng tulong sa mga kamag anak niya, dahil pinanidigan niya ang pangako sa magulang niya na di niya papabayaan ang kapatid habang siya ay nabubuhay.

My Secret AFFAIR ( GirlxGirl ) Where stories live. Discover now