3 Months na ng makalipas ng magpopropose ako kay Mich.
Ang dami na nga naming plano para sa wedding namin.
Pero wala pa kaming date at kung saang bansa kami magpapakasal.
Hindi naman kami pwede magpakasal dito sa pinas.
Dahil wala pa tayong Same Sex Married dito.
Sa ngayon.
Gusto muna naming ma enjoy yung pagiging Fiance namin.
Bago kami lumagay talaga sa tahimik.
Yung wife and wife.
Wow. Sarap naman marinig.
Wife and Wife.
Nakakakilig.
Nung nalaman nga nila mom and dad yung sagot sakin ni Mich.
Masaya sila para sakin.
Syempre para sa aming dalawa ni Mich.
Ganito pala yung feeling.
Na may fiance ka.
Yung fiance na, walang pilit.
Yung may pagmamahal.
Yung excited ka sa lahat lahat.
Kasi magiging asawa mo na yung taong mahal na mahal mo.
/
Hinahanda ko si Baby Ella.Dahil susunduin na siya ni Larry.
Nung nadamitan ko na siya at ok na lahat ng gamit niya.
Kinarga ko siya.
Nasa hagdan pa lang ako.
Narinig kong nag uusap sila Mich at Larry sa Salas.
Congrats - si Larry
Salamat - si Mich
Masaya ako para sa inyong dalawa ni Lucy, totoo yun, masaya ako kasi sa kabila ng lahat ng pinagdaan ni Lucy lalo na sa pinagdaanan niya sakin dati, deserve niya lahat ng to, deserve niya maging masaya sa piling mo, hihilingin ko lang sana alagaan at mahalin mo siya ng buo, hindi lang siya pati na rin yung anak niya, anak namin - paliwanag ni Larry
Oo naman, kahit hindi mo sabihin yan lahat sakin, aalagaan at mamahalin ko silang dalawa lalo na yung anak mo, na tinuturing ko na rin na parang anak ko - sabi ni Mich kay Larry
Masuwerte kayo sa isat isa sa totoo lang Mich, kasi kabila ng lahat nandyan ka pa rin para sa kanya, kahit na ang daming humadlang sa inyong dalawa kahit ako humadlang na din sa inyo pero ito kayo ngayon matatag at hindi niyo iniiwan ang isat isa - sabi ni Larry kay Mich
Ganun naman dapat ehh, iparamdam mo sa taong mahal na mahal ka kung gaano siya ka importante sayo at higit sa lahat ibalik mo yung pagmamahal na ibinibigay niya sayo - paliwanag ni Mich kay Larry
Larry - singit ko
Hi - ngiting sabi ni Larry
Lumapit siya sakin at ikinuha niya sakin si Baby Ella.
Bukas ko na lang siya ibabalik - sabi ni Larry
Ok lang sakin mga 2 days siya sayo - sabi ko
Really - gulat na sabi ni Larry
Oo, para mas makasama mo siya ng matagal - sabi ko
Thank you Lucy - ngiting sabi niya
Nginitian ko lang siya.
At umalis na siya.
Ok lang ba talaga sayo na, hanggang 2 days si Baby Ella sa kanya - tanong ni Mich
Oo naman, hayaan na lang muna natin sila magbonding na mag ama - ngiting sabi ko
YOU ARE READING
My Secret AFFAIR ( GirlxGirl )
Short StoryBakit ba tayo sumusunod sa ating mga magulang?? Dahil sa ito ay para sa ating kapakanan, para di tayo maligaw ng landas. Pero paano kung may isang bagay tayo na gusto nila para sa atin o gusto nila gawin natin. Gagawin mo ba?? Kahit ito ay labag sa...