Ano bang nangyayari Lucy, bakit kailangan dito pa tayo mag usap - tanong ni mom
May problema ba - si dad
May gusto lang po akong sabihin sa inyo - sabi ko
Ano ba yun anak bakit dito pa - sabi ni mom
Nasa likod kami ng bahay.
Sa may dirty kitchen.
I'm proposing - ngiting sabi ko
You proposing? - si mom
Yes mom, to Mich - ngiting sabi ko
Bigla akong niyakap ni mom.
Ohh my god Lucy - gulat na sabi ni mom
Kelan - tanong ni dad
Later po - ngiting sabi ko
Good luck - sabi ni dad
Thank you dad - sabay yakap sa kanya
Excited na kinakabahan ako sa proposal na gagawin ko kay Mich mamaya.
Alam na nito ni tenten at ng tita nila.
Masaya sila nung sinabi ko ito sa kanila.
Good luck sakin.
Simple lang yung plan ko para sa proposal na gagawin ko kay Mich.
Simple pero sweet and romantic.
/
Nandito kami ngayon sa isang Restaurant kung saan kami mag didate ni Mich.At kung saan.
Dito ko naisipang magpropose sa kanya.
Kinakabahan ako sa gagawin ko.
Kinakabahan na excited.
Love - Mich
Haa - kaba kong sabi
Ok ka lang ba - tanong niya
Oo naman, bakit hindi naman ako magiging ok, sige kumain na tayo - sabi ko
Sure ka ba ok ka lang ba talaga - sabi niya
Oo naman, ok ako love sige na kumain na tayo lalamig yung pagkain - sabi ko
Hindi na niya ako pinansin pa.
Kumain na lang kami.
Pero nahahalata niya na parang hindi ako ok, pero ang totoo kinakabahan ako sa gagawin ko.
Kasi first time kong gagawin ito.
First time kong magpropose.
Tapos sa kanya pa.
Umorder na kami ng dessert.
Nagpaalam siya sakin pupunta muna sa corfort room.
At ako ito naghahanda na sa sasabihin ko sa kanya.
Nakabalik na siya at dumadating na din yung dessert namin.
Hinawakan ko yung kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa.
/
Alam mo kung gaano kita kamahal di ba - sabi koOo naman love, alam ko yan - sabi niya
At alam mo rin na ang suwerte suwerte ko sayo kasi hindi mo ako iniwan at sobra mo akong mahal na mahal - sabi ko
Pareho tayong suwerte sa isat isa love - sabi niya
Pero mas suwerte ako sayo dahil hindi mo ako iniwan sa kabila ng lahat ng issue ko sa buhay - sabi ko
Teka lang love, may problema ba, para kasi may kakaiba talaga sayo tsaka yung mga sinasabi mo ngayon sakin - tanong niya
Tumayo ako.
At dahan dahang lumuhod sa harap niya. kahit nakadress ako.
Anong ginagawa mo, tumayo ka diyan love nakadress ka kaya - sabi niya
Nginitian ko lang siya.
Pinagtitinginan na tayo love, tumayo ka na diyan - sabi niya
Meron akong kinuha sa bag ko.
At Binuksan ko ito sa harap niya.
My love, My Mich, Will you Marry me - ngiting tanong ko sa kanya
Bigla siyang nagulat sa nakita niyang singsing nahawak ko.
At napaluha siya nung nagtanong na ako sa kanya.
Yes my love, I do - masayang sabi niya
Kinuha ko sa box yung singsing at isinuot ko sa darili niya.
Inalalayan niya ako makatayo.
Bigla niya akong hinalikan sa labi ko.
At tinugunan ko ang mga halik na ibinibigay niya sakin.
Nagyakapan kami ng mahigpit.
Yung yakap na halo halong emotion.
Saya, kilig.
Hindi namin namamalayan.
May mga tao pa lang nasa paligid namin.
Nakalimutan naming di lang pala kami yung tao dun.
Nakita namin yung mga tao na nandun nakatingin sa amin na nakangiti at nagpapalakpakan.
Napangiti na lang kaming dalawa.
Sobrang saya lang ng nararamdaman ko ngayon.
Lalo na.
Wala ng pwedeng humadlang sa pagmamahalan namin ng babaeng mahal na mahal ko.
At si Mich yun.
YOU ARE READING
My Secret AFFAIR ( GirlxGirl )
Short StoryBakit ba tayo sumusunod sa ating mga magulang?? Dahil sa ito ay para sa ating kapakanan, para di tayo maligaw ng landas. Pero paano kung may isang bagay tayo na gusto nila para sa atin o gusto nila gawin natin. Gagawin mo ba?? Kahit ito ay labag sa...