Chapter 24 Care

3.2K 79 3
                                    

Hindi ko inaasahan na may mabubuo sa ginawang pagpuwersa sa akin ni Larry.

Naalala ko na naman yung ginawa niyang pagbababoy sakin.

Yung sakit na ginawa niya sakin.

Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.

At maalala yung kahayupang ginawa niya sakin.

Ngayon pang nabuntis niya ko.

Pero tama si Mich.

Isang blessing ito sakin.

Kung ano man yung ginawang pagbaboy ni Larry sakin, yung sakit na ginawa niya sakin.

May blessing pa ring dumating sa buhay ko.

At yun yung baby ko ngayon.

Pangako ko sa sarili ko.

Aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko itong magiging anak ko.

/
Anong ginagawa mo - tanong ni Mich sakin

Magluluto ang ng tanghalian natin - sabi ko

Ako na yan, ako na ang magluluto - sabi niya

Kahagaling mo lang sa palengke, kaya ko naman magluto - sabi ko

Hindi, umupo ka dun, at ako na gagawa niyan - sabi ni Mich

Love naman, kaya ko naman yan - sabi ko

Di ba sabi ng doctor sayo, kailangan mong magpahinga bawal kang mastress - sabi ni Mich sakin

Hindi naman ako ma iistress sa pagluluto love, tsaka okay lang naman ako na ang magluluto - ako

Hindi pwede - Mich

Inalalayan niya ko para makaupo.

Jan ka, magrelax ka jan at ako na ang maglulito sa lunch natin - sabi niya

Si love naman, kaya ko naman ehh - sabi ko

Hindi, jan ka lang ahh. umupo ka lang jan, wag kang tatayo, ako na bahala, okay love - Mich

Okay po - sabi ko

Sabay halik sa nuo ko.

Simula nung nalaman naming buntis ako, at nung sinabi ng doctor sa amin na hindi ako pwede mapagod at mastress.

Si Mich na ang gumagawa lahat dito sa bahay pati sa mga tinda namin sa palengke.

Ayaw na nga niya akong isama at panay niya akong chinicheck kung kumusta ako dito sa bahay.

Pati nga gawaing bahay katulad ng pagluluto, paglalaba, maglilinis ayaw niyang gawin ko.

Upo, kain, higa.

Yun lang parati kong ginagawa.

Pero naiintindihan ko naman.

Ayaw niya lang may mangyari sakin o sa baby ko.

Kahit din naman ako, pero hindi pa rin maiiwasan yung walang ginagawa kahit dito man lang sa bahay.

Kasi naaawa din ako sa kanya, siya na kasi lahat gumagawa.

Napakabait, at napaka alaga talaga ni Mich.

Kahit noon pa man ehh.

Lagi niya kong inaalala.

Ramdam na ramdam ko talagang mahal na mahal niya ko.

At sinusukli ko yung pagmamahal na ibinibigay niya sakin.

My Secret AFFAIR ( GirlxGirl ) Where stories live. Discover now