•| Lagi ko syang napa-panaginipan Gabi Gabi.
Perpektong hugis Ng muka.
Nakahawi ang Ang buhok patalikod na ikinamukang kagalang galang at malinis.
Meron syang Kulay brown at matalim Kung tumitig na Mata.
Makapal na kilay.
At mapupulang labi.
Kasama na Ang kanyang sadyang nakaka uhaw Kung titigan Ang Adam's apple.
Perpekto. Na sya para saakin
- - - - ^ - - - - - ^ - - - - ^ - - - -
UMA-UMAGANG binabasa ni Chloe Ang pahinang Ito Ng Journal Niya. Sa harap mismo Ng dagat, sa dagat na asul at malinis. Habang naka upo sa pino at puting mga buhangin.
Ganon na ba sya ka-adict sa lalaking lagi Niya napa-panaginipan? Pati sa journal ay Hindi Niya pinalampas.
Pero sa isip-isip Niya Sana nga ay makilala Niya na Ang lalaking iyon. Siya na yata Ang bubuo sa pagkatao ni chloe.
pero makikila Niya Kaya iyon lagi niyang tanong sa sarili. Dahil iba Ang panaginip sa totoong buhay.
"Mars!" Tawag sa kanya na pasigaw halata Naman na galing sa malayo.
"Ano? Iniisip mo nanaman Yung lalaki na Yan?" Turo Niya sa Journal.
"Nako Mars itigil mo Nayan, gumalaw galaw ka na Kasi para mahanap mo na Ang lalaking para sa iyo, ayan na nasa journal mo at iyang lagi mong napa-panaginipan, Hindi totoo Yan."
Sabagay, ganoong kaperpektong lalaki ba Naman na napa-panaginipan ko maging totoo? No one's perfect nga diba?
"Pero Mars," habol Ng kaibigan Niya. "Piliin mo Nang mabuti Ang gusto mong patuluyin sa puso mo ah."
Napangisi lang siya sa sinabi Ng bestfriend niyang si Anne na halos kapatid na Turing nya dahil sa kanila na Ito halos natutulog. Marami Kasi itong kapatid at halos Hindi na sila kasya sa kanila.
"Anne May tanong ako, Paano Kaya Kung isang araw itong lalaking na Ito Biglang mabuhay o sabihin nating bigla Kong nakita. Dapat ko bang kapitan na?" Tanong Niya sa kaibigan.
"Baliw! Tara na hanap ka na ni Lola Reyna para mag agahan."
PAG-BALIK nila sa kanilang bahay normal na Gawain na Ng Lola Niya Ang mag patugtog Ng malakas na chacha music at sasayaw sayaw silang tatlo habang nag aagahan Ng lugaw at pandesal.
Espesyal Ang lugaw Ng Lola nya dahil Ang lasa neto ay Hindi mapapantayan Ng kahit na kaninong karinderya dito sa Isla Isa.
Pero iba Ang araw na Ito. Ilang Gabi na Niya Kasi napa-panaginipan Ang lalaki. Kaya nakatulala Lang sya Ng mag Isa sa lamesa.
"Goodmorning baby princess apo." At halik sa kanya Ng Lola Niya sa pisngi.
Ikina ngiti Niya iyon.
"Anong meron? Ang Ganda Ng araw dapat tayo maging masaya." Anyaya Ng Lola Niya. "Ano Ang iniisip Ng apo ko?"
"Wala 'to lola Reyna, nanaginip nanaman Kasi ako."
At sa pagsabi niyang iyon humito Ang Lola Niya sa pagsayaw at naupo Ito sa harap nya.
"Ano iyon masama ba?"
"Hindi Naman po."
"Oh dapat mag bunyi! Lalo na't Ang Ganda Ng araw, Hindi mainit at Hindi malamig." Nagsisisayaw nanaman si Lola Reyna at si Anne sagitna Ng bahay nila.

YOU ARE READING
A Piece Of Me
Teen FictionIsa Lang talaga Ang pinagkakatiwalaan ko Ng buhay ko, 'yon ay Ang aking Journal. Dahil din dito Hindi ko inaasahan na sa simpleng Journal magbabago Ang buhay ko. *THIS IS A PURE FICTION © March 24 - (on-going) ® Dreicarl