SAMANTALA pag uwi ni Anne sa bahay nila, "Ano balak mo ngayon sa pera kuya?." Tanong ni Anne.
"Ipapagawa natin Ang bahay at papagawan Ng maliit na sari-sari store si Inay." Paliwanag ni Arjo.
"Pag-tinanong San galing Ang pera?"
Napa-isip si Arjo, "Basta ako na bahala." Tutol sa Plano ni Arjo Ang kapatid, "kuya naman, nagiisip ka ba Ng maayos?!" Singhal ni Anne. Dahilan para tumaas Ang tension.
"Teka Anne, kanina ka pa tutol ah, Pera na Ang lumalapit satin. Kung lumaki tayong ganito na Ang kinasanayan natin pwes Hindi ako papayag na ganitong hirap parin tayo mamamatay. Ano ba Naman Yung mangarap tayo na kahit papano mapalitan Ng ginahawa kahit na kaunti Ang buhay natin, para sa mga kapatid natin, para Kay Inay." Sa sinabi Ng kuya nya, napag tanto niyang may punto siya kahit pa-paano. Oo kahit 'papaano' dahil hati parin Ang desisyon Niya, masama oo pero pano na Yung gusto nilang makaginhawa sa buhay. Mahirap maging mahirap, oo Walang nawawala. Pero may pangangailangan na Hindi makuha dahil sa hirap.
"Kuya," mahinahon niyang sambit. "Mahal mo parin ba si Chloe?" Tanong ni Anne.
Nahihiya man lagi pag-usapan ni Arjo Ang tungkol Kay Chloe, ay Hindi Niya maa-akilang nasa one sided relationship sya. Siya Lang Ang nagmamahal Kay Chloe simula pagka-bata, siya Lang Ang nag aalala sa kanilang dalawang magkaibigan.
"Pwede ba Kung sakaling manalo ka sa competition bukas, isauli mo Ang pera?" Pangungumbinse parin Niya sa kuya Arjo Niya.
"Pag-iisipan ko." Saka sya humiga sa mahabang bangko, at nag talukbong Ng tuwalyang malaki na ginawa niyang kumot.
"Kuya parang kapatid ko na si Chloe, ayaw Kong masaktan siya. At iyong lalaki na'yon Hindi magandang mag-karoon sila Ng koneksyon." Atsaka sa sahig ay humiga na si Anne. Ang huling sulyap Niya nalang sa kapatid ay tumalikod Ito Ng pagkahiga.
"BAKIT mo Alam na paborito ko 'to?" Well Wala namang special sa gatas, pero Yung lalagyan Ng Chocolate Ang gatas? Ibang usapan na 'yon para sa kanya.
"Seryoso ako ikaw Ang pinunta ko dito." Umupo siya sa kabilang upuan na katabi ni Chloe.
"Huh?! Kilala ba Kita?" Agad na tumayo si Chloe sa kinauupuan naguguluhan siya. "Sino ka ba talaga?" Pero mahinahon parin sadyang naguguluhan Lang siya.
"Ok just give me 1(one) day, please Chloe I'll prove you something."
"Matulog nalang muna tayo, may pupuntahan pa tayo bukas Sayang Naman inilagi mo rito." At dumiretso na si Chloe sa kwarto Niya.
Kinabukasan ay maagang naghanda sina Lola Reyna, Si Anne at Si Chloe Hindi na nila ginising Ang binata na siguro ay nag puyat dahil nung magising daw si Lola Reyna Ng 1(ala-una) Ng umaga ay bukas pa Ang ilaw nito sa kwarto.
"Kamusta Kayo bes?" Tanong ni Anne.
"Huh? Ok Lang Naman." Nakaka-panibago na tinanong siya Ng kaibigan dahil araw araw Naman sila magkasama.
"Ay! Goodmorning ijo!" Bati ni Lola Reyna sa Binatang kakalabas Lang Ng kwarto nag unat pa ito, dahil duon ay nakita ni Chloe Ang pusod Ng binata. Napailag siya Ng tingin.
"Morning Lola, goodmorning Jewel." Sabay haplos nito sa buhok. Wait, Jewel? Pano Niya nalaman Ang second name nito. Tinatago niya lang lagi Ang second name Niya dahil sa di komportable na tawagin siya sa ganoong pangalan nya, pero nakabigay sa kanya iyon Ng hinuha, Parang nangyari na uli 'to nakakapag taka Ang kinilos Ng binata.
Pero nagkaroon sya Ng satisfaction dahil parang nangyari na Ito at magandang pangyayari Ang nangyari. Ito naba Yung sinasabi niyang Isang araw at papatunayan Niya? Sino ba Kasi to.
YOU ARE READING
A Piece Of Me
Teen FictionIsa Lang talaga Ang pinagkakatiwalaan ko Ng buhay ko, 'yon ay Ang aking Journal. Dahil din dito Hindi ko inaasahan na sa simpleng Journal magbabago Ang buhay ko. *THIS IS A PURE FICTION © March 24 - (on-going) ® Dreicarl