Chapter 7

1 0 0
                                        

Falshback...

                                                      
... DIBA pagtapos non, hinabol ko siya para kunin Ang cellphone ko. Kaso sobrang layo na, mga bandang alas-otso Ng Gabi ay bumalik siya para ibigay Yung cellphone ko hahahaha. Edi ako Naman 'tong kinilig Kasi may dala siyang pagkain Kasi Sabi Niya baka bored daw ako Kasi walang cellphone, natigilan nga Ang puso ko hahaha kala ko Kung ano na Ang nangyari sakin hahaha. Habang nag huhugas ako kanina Ng mga gunamit namin sa pagkain nagprisinta siya tumulong nag kakulitan, medyo baboy siya Kasi pinunas ba Naman Ang bula sa muka ko hahahahaha. Pero nakakaloka kala ko mahihimatay nako Yung puso ko huminto Ng saglit Nung nacrner Niya ako kala ko hahalikan ako Yun pala gagantihan ako Ng bula uli sa muka. Ang harot kwento ko pa ba? Hahahaha.  Nalaman ko Rin na Arzaga pala Ang apelyido Niya Aaron Davin Arzaga, baka kamag anak Niya Yung mga nag pa-paaral samin. Baka Tito o Tita Niya Ang mga 'yon o Magulang Niya Mygash nakalimutan ko tanungin. Alam mo ngayon Lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko, Mahal ko na pala siya. Ang bilis no? Kahapon Lang Hindi ko siya nakwento sayo pero ngayon eto meron na nagpapatibok ng puso ko.

Kaso may problema may girlfriend siya, nakakainis. Bakit nya pinaparamdam sakin 'to. Nakakainis bakit Hindi ko kayang magalit. Ayaw Kong maging dahilan Ng paghihiwalay Ng relasyon nila, ayaw Kong may iiyak dahil sakin. Pero, aaminin ko gusto ko siya ipag Laban kaunting oras palang kami nag kasama pero Alam mo Yung pakiramdam na sure ka na sa taong Ito, Yung pakiramdam mo ligtas ka na talaga sa kanya. Sige na salamat uli Ng marami at nanjan ka Lang para itreasure Yung happy moments ko thankyou Journal. Matutulog ako ngayon Ng maaga nag Aya Kasi sya lumabas remember school break Naman ngayon so pwede na mag-chill. Goodnightssssuee. XOXO.

                   ———°°°°———

"HIMALA Ang aga mo yata nagising ngayon." Tanong ni Chloe sa kaibigan na kakalabas Lang Ng kwarto nila na bihis na bihis na sanay Kasi siya na mga (1) ala una Ng hapon pa Ito nagising samantalang alas (10) diyes palang Ng umaga..

"Oo bes aalis Lang kami Ng mga kaklase mga 3(three) days ako mawawala. Gusto nga Sana Kita isama kaso baka ma-out-of-place ka." Ani Anne. "Tsaka Alam ko namang ayaw mo Nang gumagala. Oh sige na!"

"Kain ka muna marami ako niluto." Pag Aya ni Chloe na nakangiti pa.

"Ay sorry nag mamadali na ako bes next time nalang," pero Hindi parin siya nakatiis kumuha Ng hotdog gamit Ang kamay at isinubo Ito Ng buo. Dahilan para matawa si Chloe. "Teka bat nga ba Ang dami mong niluto?" Dagdag Niya pa.

A Piece Of MeWhere stories live. Discover now