1 YEAR BEFORE...
MAINGAY Ang paligid Kung nasan ngayon si Chloe.
Laking probinsya man Hindi na sya bago sa rito dahil halos 3 (tatlo)ng taon na siya nandito sa Manila para mag aral. Scholar siya Ng negosyanteng mag asawa na nais Lang makatulong sa mga katulad niyang kapos palad at Hindi na kayang mag aral. Dahil Ang dalawang anak Ng mag asawa ay tapos na mag aral. Sa pakiramdam nila ay kailangan na nila mamahagi Ng tagumpay.
Sinuwerte Naman ay napa-sama roon Sina Chloe at Anne na mabigyan Ng pagkakataong na makapag aral Ng 4 (apat) na taon.
Ang kailangan nalang ay mapanatili nilang maganda Ang grado. Kumpleto na pati Ang monthly allowance at dorm.
"Cheers!" At ibinunggo Ng magkaibigan Ang kabilang baso para sa Tanda Ng tagumpay. Dahil binigyan sila Ng mag asawa Ng budget para mag saya. Oo napaka swerte nila rito dahil itinuturing silang Parang mga tunay na anak.
"Para sa matataas na grades!"
Silang dalawa Lang Ang mag ka-kilala na nagpunta sa bar. Maraming tao na nag sasayaw mga nag mi-mingle na mga Tao. Halatang mga sosyalin. Hindi Niya Kaya makisabay. Kaya na-upo muna si Chloe. Samantalang Itong si Anne ayon, pumunta pa sa gitna at naki-kisayaw pa.
Isang taon nalang at ga-graduate na sila. Aalis na sila sa Manila, babalik na sa kabilang Isla. Pero Ang balak Niya mag-hanap muna Ng trabaho para pag uwi Niya su-sunduin Niya na Lang si Lola Reyna para lumipat dito.
Naka-agaw Ng kanyang atensiyon Ang grupo Ng mga lalaki maiingay sa tabi na nagka-kasiyahan, sumayaw-sayaw, nagtalunan kasabay Ng tugtog. Ang gagara Ng mga damit.
"Ang sarap mamuhay mayaman." Bulong Niya sa sarili Niya dahil nakikita Niya na Parang mga walang problema Ang mga Ito. Pero may isang lalaki talaga na nakapukaw Ng kanyang Atensyon. naka sky-blue na coat, fit Ang suot Ng lalaki kitang Kita Ang hubog Ng katawan. At Ang mas nakaka-pukaw pa Ng Atensyon Niya ay Ang Mata nitong mapupungay, sobrang sarap tumitig. Nakita Niya na Ang lalaking Ito ay Panay-tingin sa kanyang cellphone.
"Mamaya na yan!" Sigaw Ng mga kaibigan nung lalaki at pinagbabatukan siya Ng mga kasama.
Sa narinig at nakita, Napa-ngiti siya, kasabay Ng pag-higop sa ladies drink Niya ay biglang nag-tama Ang kanilang Mata. Napa-igtad siya. ibinaling sa ibang direksyon Ang Mata sabay ngiti Ng wagas.
"Hahaha, puso manahimik ka dyan." Humigop uli siya Ng marami, Tawa nya sa sarili niya. Puso? Puso agad? Parang oo, Kasi kakaiba Ang kanyang nararamdaman. Ngayon Lang uli Niya Ito naramdaman pagtapos Ng puppy love neto sa kababatang si Arjo.
Kaya biglang tinanong na siya Ng bartender sa harap Niya, "Ms, ok ka Lang?"
Nagulat tuloy siya,
"Ay sorry!" Pag hingi nya Ng tawad. Pano ba Naman ay nai-dura Niya Ang kanyang lulunukin sanang drink.

YOU ARE READING
A Piece Of Me
Novela JuvenilIsa Lang talaga Ang pinagkakatiwalaan ko Ng buhay ko, 'yon ay Ang aking Journal. Dahil din dito Hindi ko inaasahan na sa simpleng Journal magbabago Ang buhay ko. *THIS IS A PURE FICTION © March 24 - (on-going) ® Dreicarl