NAG-SASAYAWAN Ang mga puno at halos halikan na Ng mga 'to ang mga bubong Ng mga bahay na kanilang nadadaanan. Wala narin silang Makita sa daan.
Alas-otso (8) na Ng Gabi, dalawang oras narin sila sa byahe hirap na hirap sila sa pag usad dahil narin natatakpan Ng ulan at hamig Ang kanilang dadaanan. Mabuti Naman na humina ang ulan.
Nang makadaan sila sa isang tulay na gawa sa semento Tama Rin para daanan Ng mga sasakyan, maganda siguro Ang tanawin roon Kung Hindi umuulan dahil sa baba non ay may ilog at magandang mga halaman.
"Sh*t." Napabulalas si Aaron Ng mahina at hinampas Ang manibela Ng kotse.
Hindi parin nawawala Ang inis ni Chloe, Kaya para maalis sya sa sitwasyong magkatabi sila sa sasakyan, nag boluntaryo na si Chloe, Alam niyang tumirik Ang sasakyan nito.
"Ok! I got this," binuksan Niya Ang pinto at sa kanyang paghakbang palabas ay pinigilan siya ni Aaron, Hinila Niya si Chloe. "No! Chloe. Pumasok ka dito, ako na bahala rito. Kita mo 'yan basa ka na." Sabay punas Kay Chloe Ng tuyo na panyo Niya Mula sa bulsa.
"Ok ako na," kinuha Niya Ang panyo at siya na Ang nag punas sa sarili, 'yon Ang paraan Niya para sa pagtanggi sa ginagawang ka-sweet-an ni Aaron. "Anong balak mo? Tutunganga nalang ba tayo rito?" Dagdag ni Chloe.
"Tatawag ako Ng tulong samin, malapit nalang Naman kami (2) two hours away nalang. Sabay kuha nya sa cellphone Niya.
"Ano ba yang kamalasan ngayon! Lowbatt kadin? Kotse sira, cellphone lowbatt! Eto cellphone ko gamitin mo." Pag mamalaki Niya. At saka humarap sa labas.
"Chloe," tawag ni Arron. "Lowbatt ka Rin."
"Alam ko na, ako Ang mag tutulak sa labas, ikaw Ang mag maneho,ok?" Malambing na tugon ni Aaron.
"Uy ano ka? Hindi ako marunong mag drive baka biglang umadar to, nakikita mo 'yon?" Turo ni Chloe sa paliko na daan.
"Oo." Tugon ni Aaron.
"Mamaya di ko Yan makikita,"
Natawa nalang si Aaron, "sige, Kung ipipilit mong magtulak ako din." Nag hubad siya Ng white long sleeve polo Niya at tanging Sandong puti nalang ngayon Ang suot Niya.
Isa Lang Ang reaksyon ni Chloe, napalunon Lang sya Ng Laway. Ano ba Naman 'to! Sino bang kayang magalit sa lalaking 'to, sobrang perfect na sa ugali pati ba Naman sa katawan? Model ba 'to Hindi sobrang macho Hindi Rin payatot. Makikita talaga na kahit sobrang busy neto nasisingit Ang healthy lifestyle. Hays Sana all may lifestyle, pang mayaman Lang yata yon.
Isang tango Ang hudyat para itulak nila Ang kotse, sabay na nila ngayon tinutulak Ang kotse at malapit na sila makalagpas sa tulay. "HOY, Aaron Davin! Pumasok ka don galaw galawin mo Yung mga dapat ginagalaw sa loob baka umandar."

YOU ARE READING
A Piece Of Me
Teen FictionIsa Lang talaga Ang pinagkakatiwalaan ko Ng buhay ko, 'yon ay Ang aking Journal. Dahil din dito Hindi ko inaasahan na sa simpleng Journal magbabago Ang buhay ko. *THIS IS A PURE FICTION © March 24 - (on-going) ® Dreicarl