My Stupid Heart Prologue

5 0 0
                                    

Ano ang gagawin mo kung nasaktan ka na ng dahil lang sa Pagmamahal?

Ang masaklap pa, hindi lang isang beses.

Hindi lang dalawa.

Kundi Tatlo na?

Di ba nga, may kasabihan pa'ng, "Once is enough. Twice is too much. Thrice is Nakakamatay na."

Oh, ano na'ng gagawin mo? Laslas na ba, fre? Bigti na itu?

Sabi pa nga ng iba, "Pagnagkamali ka sa Pag-ibig, sa una at pangalawang pagkakataon, matuto ka na. Hindi iyong uulit ka pa, na para ba'ng hindi ka pa natuto sa nakaraan mo."

Eh pa'no na ito? Pa'no na ba ang gagawin ko?

Nasaktan na 'ko. Hindi lang isa o dalawang beses, kundi tatlo na. At ang mas masaklap pa, ang una at ikalawang beses ay hindi 'nakaraan' ko. Dahil kasabay nilang naganap ang ika'tlo. Saket mga friends 'no?

Imagine, to be hurt more than twice at the same time? And all three painfull events are caused by not just one or two person, but three different guys.

Oha! Tatlo yun! Haba ng hair ko 'no? LoL! Akala ko din 'yan nung una. Pero ngayong nasaktan na 'ko? Na-ah! Feeling ko KALBONG-KALBO na 'ko!

Pero alam nyo kung ano'ng sagot ko sa una at pangalawang tanong nyo?

Go lang ng Go!! LoL! Eh ano kung tatlong beses na? Malay nyo sa ika-APAT na beses ko, tumama na 'ko? At mahanap ko na ang lalaking para sa'kin? E di bongga! Haha

Ako nga pala si Janice Shanelle Silvestre. At ito ang journey ko, together with my Stupid Optimistic Heart, para subukan sa ika-APAT na pagkakataon, kung mahahanap ko ba ang prince charming ko o masasaktan lang ulit ako.

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon