Unang Kabanata

2 0 0
                                    


     "Kung hindi ka ba naman tangang lubos? Edi sana hindi ka na nasaktan ng ganyan!" Bulyaw sa'kin ng maganda-pero-mas-maganda-ako na kaibigan ko. Maka-tanga 'to! Kala mo naman ginusto ko! Hmp.

     "Pwede ba? Hindi ko naman ginusto yun ah! Atsaka, oy! Ako ang nasaktan dito! Ako din ang bestfriend mo! Kaya dapat kino-comfort mo 'ko! Babaeng 'to." Reklamo ko, sabay pout. Pa-cute lang! LoL!

Binatukan naman nya 'ko.

     "Araay! Ano na namayn ba?!" Inis na reklamo ko ulit, sabay tingin sa kanya ng masama habang hinihimas ang parte ng ulo ko'ng binatukan nya. Ansaket ah!

     "Ano'ng hindi mo ginusto?! Kagagahan mo!" Tapos ay tumayo ito at naglakad papunta sa mini Ref ng kwarto nito. "Sasabihin mo'ng hindi mo ginusto? Eh tuwang tuwa ka nga nung mga panahong 'yon!" Dagdag pa nito habang sinisipat ang loob ng ref.

     Nag-cross arm nalang ako. Ok. Wala ako'ng maisagot eh. Tama naman kasi sya. Gusto ko naman yung mga time na 'yon. Hihi.

     Matapos nitong kumuha ng kung ano sa ref ay tumungo muli ito sa kama at umupo sa harap ko.

     "Oh? Ano'ng nginingiti-ngiti mo dyan?" Taas kilay na tanong nito.

     "Eeehh..wala naman." Sagot ko naman.

     "Hay naku. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin sa'yo! Nung nagsabog ata ng katangahan si papa God, ikaw lang ang sumalo ng lahat." Mailing-iling pa'ng sabi nito.

     "Ansama mo Mep!"

     Maria Erica Pemorcio. Mep for short. Ang bestfriend ko at, well, kakampi sa lahat. Maliban nalang sa mga ganitong issue!

     Magkasing edad kami at magkasing course. Sa La Veda University kami parehong nagu-aaral at nasa ika-apat na taon na kami sa kursong HRM.

     Nga pala, Janice Shanelle Silvestre ang buong pangalan ko. Jas nalang for short. 19 years young, at lubusang napaka ganda. De jowk lang! Haha. Feelingera lang! LoL!

    Anyway, balik na tayo sa topic namin. Pinagagalitan lang naman nya 'ko. Well, dahil daw sa katangahan ko. Nagyari kasing na-busted ako kamakailan lang. Haha de jowk. Pero seryoso, heartbroken ako. Ayos lang naman daw sana yun, kung wala lang akong kaalam-alam sa mga mangyayari. And take note mga girls, hindi lang isang beses akong na brokenhearted! Tatlo! Talong beses! At sabay sabay pa! Tindi 'no?  Nagtataka kayo kung pa'no? Iniisip nyo siguro, timer ako? Sige, explain ko. Ganito kasi 'yan. Hmm, teka, sa'n ko ba uumpisahan?

     Ahh. Nagsimula ang lahat nung third year college kami. Yun yung taon kung kelan nakilala ko ang tatlong taong dahilan ng sama ng loob ko. Bilang isang dalagang NBSB at mapangarapin, syempre naisip ko na baka isa sa kanila ang 'Mr. Right' ko. Ang magiging Prince Charming ng buhay ko. Pero, tingin ko, nagkamali ako. Kasi simula palang, nalaman ko'ng sila yung gaganap na 'villain' sa itorya ko'ng ito. Saklap talaga.

     "Hoy!"

     Nagising naman ako sa pagf-flashback ko. Isang nakabusangot na Mep nakatingin sa'kin ngayon.

     "Baket?"

     "Kanina pa 'ko salita ng salita dito! Hindi ka naman pala nakikinig?! Para ka pa'ng nakalutang sa alapaap dyan! Tapos nangiti ka pa!!" Mahabang sabi nito. Na nadugtungan pa ng.. "Umamin ka nga! Nagd-drugs ka na ba?!"

     Paak! Oras naman para ako ang bumatok sa kanya. Langya 'to! Pag-isipan ba 'kong nagd-droga?!

     "Tse! Drugs mo mukha mo! Tara na nga at maglunch na tayo! Kung ano ano na 'yang naiisip mo eh!" Aya ko.

     Bukas ko nalang iku-kwento ang nakaraan. Ang mahalaga ngayon, makakain na kami! Dahil nagugutom na din ako!

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon