Ika-Limang Kabanata

1 0 0
                                    

Chapter 5 (Flashback)

***

    "That girl who kicked me at-- well, I mean that girl who shouted at us on the field. The same girl who hit you with a ball, Ky."

    Girl who kicked him? Girl who shouted at them at the field? Girl who hit Kyffer with a ball? AKO 'yon ah! THAT GIRL is ME!

   

    "Bakla, ikaw 'yon, dibuh?" Tanong ni Mep.

    "...yeah. I guess?" Bakit ako? Ano'ng meron sa'kin? Ano'ng relate ko dun sa MAG-whatever na yun?!

    "The game is simple. Same old 'make the girl fall in love.' Yun ang main goal. Bahala na kayo kung pa'no kayo makikipag break." Paliwanag pa nito.

    Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga ito sa totoong buhay. Yung mga eksenang pagpupustahan yung babae, paiibigin, at sasaktan sa huli. Akala ko sa mga libro lang ito nangyayari! At ang mas hindi kapani-paniwala, AKO ang babaeng pinagpupustahan, paiibigin, at sasaktan nila! Ang Ganda ko pala talaga!

    "The prize will be... 1 billion. What d'you say?"

    "It's high, but she seems nice, though."

    "She likes me already." Narinig naming sabi ni Kyffer. Ang kapal talaga ng mukha ng hinayupak na 'to!

    "She like him? You are She! YOU like HIM, Jas?" May kalakasang sabi ni Mep. Nanlaki muli ang mga mata ko ng makitang sabay-sabay na lumingon sa gawi namin ang tatlo. Shet!

   

    "Who's there?" Tanong ni Kyffer na dahan dahan nang tumatayo. More shet!

     Agad ko'ng hinatak si Mep at mabilis na tinakbo ang gate. Don't look back, Jas! Don't look back!

    Ng makarating sa bahay ay hingal na hingal kaming dalawa. Wag kayong OA ah. Malapit lang ang bahay namin sa LVU, kaya mabilis lang makauwi.

    "Hah..grabe..hah..nakaka..hah..pagod yun..ahh..." hingal na sabi ni Mep.

    "Kalo..hah..ka! Akalain mo'ng makakarinig tayo ng ganun?"

    "Gravy ah! Nangyayari ang mga happenings sa mga books mo, girl!"

    "Haay. Yeah. Teka, bukas nalang tayo mag-usap. Wala namang pasok eh. Napagod ako eh. Gutom na din ako."

    "Hmm. Teka, wala sila tita dyan di ba? Di ba sabi nila uuwi silang Bulacan?" Pagpapaalala ni Mep. Oo nga! Nagsabi nga pala si mama nung nakaraan!

    "Sa bahay ka na matulog. Lock mo nalang buong bahay nyo. Para magchikahan tayo! Hihi"

    "Sige sige. Magpapalit lang ako. Maghanda ka ng madaming pagkain ah!"

    "PG ka talaga! Hahaha!"

    "Tse! Masarap lang talaga 'ko kumain!"

    Matapos magpalit at masigurado na nakalock ang buong bahay, pumunta na 'ko sa kapit-bahay namin. Oo, kapit-bahay ko lang si Mep. Astig 'no?

    "Oh, JanJan, pasok ka hija." Bungad ng mama ni Mep, si tita Maria or tita Marie.

    "Pasensya na po sa abala."

    "Haha ikaw talagang bata ka. Aba'y higit sampung taon na nga kayong magkaibigan ng anak ko, ay ganyan ka pa din magsalita sa amin."

     Ngumiti naman ako.

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon