Ikalawang Kabanata

2 0 0
                                    

Chapter 2

***

     I stared blankly infront of the classroom. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng professor ko. Basta nakikita ko syang nagsasalita sa harapan habang may hand movements pa. *sighs*

     Tumingin ako sa bintana. Maaliwalas ang langit at hindi din mainit. Ansarap lang maggala pag ganito ang panahon. Then tumingin ako sa grounds. Andami ng mga istudyante ang pakalat kalat. Lunch break na din kasi.

     Muli akong tumingin sa harapan. Gutom na 'ko. Antagal naman mag-discuss ng prof na 'to. Sa kawalan ng interes makinig, muli ko nalang inalala ang mga nangyari nitong nakaraang taon.

**FLASHBACK

    Pasosyal akong naglakad sa kahabaan ng catwalk corridor. At syempre, I walked with the corridor's title. I did my 'catwalk' like I'm walking on a runway. Chin up. Breast out. Stomach in. And viola! Ang ganda ko talaga!

     Jowk. Tunog bitch na vain lang ako. But no. Maybe, yes. I'm a bitch at times, but never akong naging conceited, vain, o kung ano pa'ng related na word sa pagiging mayabang. Feelingera lang ako, minsan. Pero mas madalas na honest ako sa kung ano lang ang meron ako. Why flunt when you know you've got nothing at all?

     I'm an average looking girl. Hindi naman yung tipong panget, pero hindi rin yung tipong lingunin. Normal lang. Kayumanggi ang kulay ko, pero mas light ng kaunti. Sapat lang ang tangos ng ilong ko, at hindi makapal ang labi ko. Natural ang pagka-pink nito, sa parehong paraan na natural ang mahahabang eye lashes ko. Hindi pandak pero hindi din matangkad. Sexy ako. Well, from bewang pababa. Bitter lang talaga ako sa chest ko. Wala akong future. Aaminin ko,flatchested ako. Saklap. For a girl my age, ang sakit lang na wala akong panlaban sa palakihan ng future. Yung akin eh, parang kinagat lang ng insekto kaya tumubo. In short, maliit lang talaga.

     Setting my boobs aside, ayun nga. Pasosyal akong naglakad sa corridor ng may matapakan ako na naging dahilan ng pagkadulas ko.

     "Ouch!" Daing ko. Napasalampak kasi ako sa sahig! Bwiset! Buti nalang at walang tao sa paligid.

     Ok na sana ako, ng makarinig ako ng halakhak mula sa kung saan. Agad na nagpanting ang pandinig ko. Siguraduhin lang ng kung sino man iyon, na hindi ako ang tinatawanan nya. Kundi humanda sya!

     "Hahahahahaha! Plakda sa sahig! Hahahaha!"

     Talagang nag-init ang ulo ko. Ako nga ang hinahalakhakan ng kung sino ma'ng pontio pilato! Leste! Makikita nya!

     Dahan dahan akong tumayo. Hindi ko na muna inalalang ayusin ang gamit ko na nahulog sa sahig. Agad ko'ng hinanap ang pinanggagalingan ng halakhak na iyon.

     Isang gwapong nilalang. Tawa ito ng tawa habang nakahawak pa ang isang kamay sa tiyan, at ang isa naman ay nakaturo sa akin. Lintek lang ang walang ganti! Kahit gwapo ka, kuya, mali ang pagtawanan ang babaeng nadulas! Sa'kin mo pa talaga ginawa!

     Mabilis akong lumapit dito sabay sipa where-it-hurts-the-most. Hah! Mabaog ka sana!

  

     "Ahh! F*ck! F*ck! Shit! Wooh!" Daing nito habang nakahawak sa nasipang junior at nagtatatalon. Hah! Never mess with a bitch you jerk!

     "'Yan ang bagay sa'yo!" Sabi ko rito bago tumalikod upang kunin ang mga gamit ko sa sahig. Napulot ko na ang lahat ng gamit ko ng may mapansin ako. Holen? At hindi lang isa! Marami! Maliliit na holen na marami! Ano 'to? Patibong? Sinadya?! Letse!

     Nakasimangot akong lumingon sa gwapong nilalang. Tiningnan ko ulit ito sa huling pagkakataon at sinamaan ng tingin, sabay irap at walkout! Taray ko lang!

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon