Ika-Walong Kabanata

1 0 0
                                    

Chapter 8 (Flashback)

***

***FLASHBACK

    Natapos ang cooking class na maayos naman ang nagawa ko. I'm not the 'best' like those damsels in some novels or books, but I'm great when it comes to cooking and baking. I love them, so I don't really have any problem studying recipes and pastries. I remember a quote from a very good movie, "Make your Passion, Your Profession. Then work will become play." Since then, I've been cooking and studying with this quote in mind.

    "Girl, tara na. Lunch break na oh. May food naman n tayo, hanap nalang tayo ng kakainan." Aya ko kay Mep.

    "Naku, girl. Hindi kita masasamahan ngayon eh. Umalis si mama, kaya walang baon si Makmak. Dadalan ko sya ng lunch eh."

    "Ah, ganun ba? Oh sige na. Shupi na. Alas dose na oh, baka gutom na 'yun."

    "Kita nalang tayo ulit maya! Ciao!" At nagmadali na nga itong umalis. Wala akong kasabay, how sad. LOL

    Pumunta nalang ako sa isa sa mga tahimik na lugar dito sa campus. Hindi ko favorite place ito, at wala akong favorite place dito gaya ng sa mga story. As long as tahimik, OK na.

    "Salamat po sa pagkain." At nagsimula na nga akong kumain.

    "Ahhh." Huh? Lumingon ako sa gilid ko only to find River there with his mouth wide open. What the heck?

    "Problema mo?"

    "Ahhh."

    "Huh?"

    "Ahhh." At mas lalo pa nitong nilakihan ang bukas ng bibig. What the heck is he doing?

    "Kung balak mo 'kong patayin sa baho ng hininga mo, wag na. Baka saksakin kita nitong tinidor ko." Sabi ko rito. Sumimangot naman ito.

    "Nagpapasubo ako. Tanga neto."

    Tinaasan ko naman ito ng kilay. Nagpapasubo sya? At tinanga pa 'ko? Hanep.

    "Sino ka para subuan ko? At sino'ng may sabing bibigyan kita ng pagkain-- hey!" Bigla ba naman kinuha 'yung chicken, sabay subo. Yuck!

    "Manners, please! Wag mo ngang kamayin! Kakainin ko pa 'yan eh!" Reklamo ko dito.

    "Subuan mo na kasi ako. Gutom na 'ko."

    "Pake ko sa gutom mo? Mayaman ka naman ata, bumili ka ng pagkain mo."

    "Andamot mo!"

    "Aba hoy! Hindi pa kita pinapatawad sa pagtawa mo sa'kin at pagtama ng bola! Lumayas ka nga dito!"

    "Edi sorry na ulit. Ayan. Patawarin mo na 'ko. Tapos subuan mo na 'ko." Sabi nito. What the heck lang? Ganun lang 'yun?

    Napaisip naman ako. Bakit nga ba nandito ang bugok na 'to? Ahh. Now I remember. Because of their 'bet'. He's approaching me like we've been good friends, simply because he wants to win the bet. Sya nga ang nag-suggest di ba? He's bored and he finds entertainment in me. Should I be flattered with that?

    "Hindi tayo close, kaya shupi. Bago pa kita matusok nitong tinidor ko." Pananakot ko dito. I remember what happened earlier with Andrei. 'Yung bwiset na 'yun. Kaasar lang.

    Nagulat naman ako ng bigla itong lumapit sa'kin. At hindi lang basta lapit, siksik pa! Akalain mo ba'ng siksikin ako?! What the!?

    "Hey! Watch it, you jerk! Baka matapon 'yung pagkaen!"

My Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon