Chapter 6 (Flashback)
***
After ng chikahan namin ni Mep kahapon, ang ending e ako pa din ang nagdesisyon kung ano ang gagawin ko sa nalaman ko. At ang desiayon ko? Edi gora lang! Hahaha. I mean, my gosh! Kahit pa pustahan 'yon, the fact na makikita ng mga charotera sa school na may three handsome-hunk-hot-guys na 'kunwaring' nanliligaw sa'kin, magiging maganda na ako sa paningin nila! Di ba? Bongga! Hahahaha.
De jowk. Actually, pinagisipan talaga namin ni Mep ang gagawin ko. Hindi happiness ang bungad sa'min ng nalaman namin 'no. Ikaw ba malaman mo'ng pinagpustahan ka, matuwa ka kaya? Di ba? Prang ang labas eh, bagay lang ako na pwedeng gawing kasangkapan sa pagkabored nila. Pero nagdecide nalang ako na hayaan muna sila. Hahayaan ko na muna sila sa trip nilang tatlo. Ang sabi lang ni Mep, wag daw akong mahulog o bumigay agad. Kase daw alam ko naman'g pustahan lang. Pero sabi din nya, ok lang na magpaligaw. First time ko din kasi maliligawan, kaya medyo kabadong excited ako. Although, I know deep inside na bet lang 'to.
Maaga ako'ng pumasok ngayon. May baking kami today, kaya naisipan ko'ng pumasok ng maaga at mag prepare ng mga gagamitin. Nabanggit ko naman yata na HRM ako, 'no?
So, andito na nga ako sa bench sa gilid ng The Chef's Hall. Chine-check-an ko na sa listahan ko kung nadala ko ba yung mga ilang personal na gagamitin ko sa baking mamaya. Nga pala, ang The Chef's Hall ay isang malaking hall na naglalaman ng lahat ng mga kagamitan sa pagluluto, at exclusive lang ito para sa aming mga HRM students. Wala kaming key para makapasol dito without the chef, pero pwede naman tumambay muna sa gilid nito.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahalungkat ng bag ko ng may sumulpot sa harap ko.
"Hi!" Bati nito.
"Hello." Casual na sagot ko naman. Kilala ko ito. Isa sa mga magiging 'manliligaw' kuno ko. Si Andrei.
"I'm Andrei, by the way." At iniabot nito ang kamay nito.
"Jas." At nakipagkamay naman ako. Sabi nga ni Mep kagabi, go with the flow muna 'ko. Kunwari wala akong alam.
"What are you doing here? Bawal dito ang hindi HRM student eh."
"Bawal ka pala dito eh, alis ka na." Sabi ko naman sa kanya, atsaka ipinagpatuloy ang paghahalungkat ng bag. Kumunot naman ang noo nito.
"HRM student ka ba?" Tanong nito.
"Hindi, Law student ako." Diretsang sagot ko naman.
"Ah! Edi bawal ka din dit--"
"Jowk lang." Uto-uto ata 'to eh.
"Huh?" Ang slow naman. Hinarap ko na ito.
"HRM ako. Kaya ikaw ang lumayas dito." Pagpapaalis ko rito. Gwapo ang nakikita ng mga mata ko. Nararapat na masiyahan ako. Pero nakaramdam kasi ako ng kakaiba ngayon lang. Kaya agad ko na itong pinapaalis.
Pero imbis na umalis ay tumawa lang ito. Shet!
"Hahahaha. Ang harsh mo naman!"
"Basta. Umalis ka na." Pagtataboy ko.
"Nah. Wag muna. Wala pa naman'g tao dito sa school eh. Samahan muna kita." Pagpipilit nito at saka ngumiti. Shet! Lumalala na yung nararamdaman ko!
"Hindi ko kailangan..ng...kasama. Alis na!" May kabang sabi ko. Hindi malayo ang pwesto nito sa'kin, pero hindi din malapit. Bale, pagtumayo ako ay maitutulak ko na ito pataboy. Pero dahil sa nararamdaman ko ay hindi ko sya mahawakan. Natatakot ako sa pwedeng sunod na mangyari.
BINABASA MO ANG
My Stupid Heart
RomanceTo be hurt after falling in love is normal. To be hurt again after falling in love again is fine. But, to fall in love again after getting hurt again for the third time, is it still normal? Tatlong beses ka na'ng nasaktan oh! TATLO NA 'YON! Magmamah...