CHAPTER 1

1K 47 2
                                    

CHAPTER 1

Klien Vincent Dela Vega

"That well be all sir" Mahinahon kong sambit ng matapos kong idiscuss ang proposal para sa project ko kay Sir Robert ngunit mukhang hindi siya nasisiyahan dahil bakas sa mukha niya na parang di niya ito nagugustuhan.

"Yon na yon? do you think magagawa ba ng project na yan na mapa increase ang kita ng kompanyang to?" napalunok ako sa sinabi niya, Mr. Robert is the owner of this company and he is my father.

"I want you to change all of that! nakita ko na yan dati!" napayuko nalang ako, ramdam ko ang tingin saakin ng mga tao sa loob ng Conference room.

Padabog na lumabas si sir robert at sumunod naman ang iba pang member ng board kaya't napaupo nalang ako sa Upuan at nasapo ang ulo.

"Sir o-okay ka lang?" napapikit ako ng mariin at tinignan siya.

"Gian sarap mo sapakin syempre hindi! ano pa bang gagawin ko para naman matuwa saakin yong lalaking yon?" Asar na sambit ko at napasabunot nalang. lumapit naman saakin ang kaibigan kong si Gian at hinagod ng likuran ko.

"Hayss okay lang yan i know you did your best pero mukhang wala effect parin sa daddy mo" yon na yon eh! ewan ko ba kong ano nang gagawin ko para maging okay ako sa paningin ng taong yon.

Damn! i'm his own son pero kong itrato niya ako dito para akong simpleng impleyado lang Pag may nagawang maganda dedma kong may mali naman wagas kong makadakdak akala mo nakagawa na ako ng krimen sa isang simpleng maling gawain lang.

Damn!

"Tama nang emote yan mag asikaso ka na at later sumama ka nalang saamin" sabi niya at kumindat, napataas naman ako ng kilay.

"At saan nanaman kayo pupunta?" tanong ko sakanya at sinimulan ng ayusin ang laptop at projector na ginamit ko parang mag present.

"Sa bar ng kaibigan ko, masaya dun promise! para naman kahit papaano mawala yang Stress mo" napahinga naman ako ng malalim.

Sabagay pwede naman.

"Okay" tipid kong sagot at ngumiti naman siya.

"Mabuti naman at pumayag ka na kasi naman simula noong pinasok ka dito ng daddy mo never pa kitang nakitang lumabas or gumimik pagkatapos ng trabaho" natatawa niyang sambit, well ayaw ko lang talagang pumunta kong saan-saan dahil gusto kong ituon lang ang sarili ko sa trabaho.

Sa anong dahilan?

Dahil gusto kong makalimot, gusto kong makalimutan ang masakit na nakaraan.

"Oo na sige na magkita nalang tayo mamaya okay?" sabi ko, tumango-tango naman siya at binitbit ang folder.

"Okay see you later!" at tumalikod na siya sa araw na to di ko na mabilang kong ilang beses na akong napabuntong hininga ewan ko ba nakakapagod pero ginusto ko to eh.

Umupo muna ako sa swivel chair at ng browse sa cellphone ko may notification ako sa facebook kaya't tinignan ko.

Its a Memories 4 years ago napangiti ako ng makita ko ang picture naming lima na nakasout ng itim na toga picture ito namin noong grumaduate kami ng College kamusta na kaya tong mga to?

Inopen ko ang picture at meron pang ibang kasama kaya't tinignan ko isa-isa we are so happy on that moment dahil graduate na kami ngunit napatigil ako sa pag scroll nang makita ko ang picture ng dalawang lalaking nakangiti.

Nakaakbay ang isa sakanila at nakangiti pareho na nakatingin sa camera, di ko alam ngunit parang may tumusok na kutsilyo sa puso ko ng makita ko ang larawan na iyon.

Dahil ang lalaking nasa picture ay ako at ang taong minahal ko.

Napalunok ako at unti-unti kong naramdaman na uminit ang gilid ng mga mata ko.

kaagad kong pinatay ang cellphone ko at tumingin sa bintana.

Bakit ganun? gusto ko ng makalimutan pero bakit di ko magawa?

bakit di parin maalis yong sakit na nadulot saakin ng taong yon?

Damn it!

Ako nga pala si Klien Vincent Dela Vega im 24 years old at nagtatrabaho sa kompanya namin, 4 years na akong graduate sa kursong Business management dahil iyon naman ang gustong ipakuha saakin nila daddy bunso ako sa tatlong magkakapatid at to tell you honestly ako nalang ang single saamin dahil sila may mga jowa na at yong panganay kong kapatid may anak na!

Pareho kaming lalaki lahat maliban lang saakin because im not straight and they don't know about that and its funny dahil ilang beses na nila akong tinatanong kong kailan ko daw ba balak mag-asawa and sinasabe ko nalang na di pa ako handa.

"Di pa handa kasi di ka naman talaga mag aasawa ng babae" sambit ng isipan ko kaya't natawa nalang ako at napailing

"O hindi pa handa kasi di ka nakakalimot sa Ex-Bestfriend mo na minahal mo" napatigil ako sa linyang iyon.

"Sir Tawag po kayo sa baba ng Kapatid niyo" natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses ng assistant ni kiya Gabby na si Leah.

"Okay papunta na" sambit ko at tinapos ko na ang pag aayos ng gamit ko.

Di ko alam pero apat na taon ng nakalipas pero di parin ako makalimot sa nangyare?

Benjamin Louis Buenavista ang bestfriend ko simula pa noong first year highschool ako.

Siya yong taong nasasandalan ko, umiintindi saakin, nagtatanggol at napagsasabihan ko ng sekrito ko.

ngunit sa isang pangyayare ay nasira ang pagkakaibigan namin at sana kong maibabalik ko lang ang panahon ay babalikan ko ang panahon na sana nasalba ko pa ang pagkakaibigan namin.

It's my fault

Dahil yong taong dapat na kaibigan ko lang...... ay minahal ko.

Paano nga ba nagsimula?

Why Can't We?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon