CHAPTER 6

371 30 1
                                    


Klien Vincent Dela Vega

"Happy Valentines po sir" bati saakin ng empleyadong nakasalubong ko, ngumiti lang ako at binati ko din siya.

Oo nga pala february 14 na pala ngayon at para saakin isang walang kwentang araw lang kasi naman madami nanamang mag jowa sa mga mall sa restaurant na ang didate tapos ang babata pa may jowa na.

Jusko ediwow!

Dumeritso ako sa office ni kuya tyronne at napanga-nga ako ng makita ko ang mga boxes ng chocolates sa table niya.

"Wow daig mo pa babae ah" sambit ko, tumingin naman siya saakin.

"Ganun talaga kapag pogi Klien atska tignan mo yong sayo madami din naman" sagot niya, kinuha ko ang mga kailangan ko sakanya at pumunta sa office ko.

Wow!

Napanga-nga ako ng makita ko ang mga flower at boxes na nakalagay sa lamesa ko.

Napangiti ako at isa-isa kong tinignan ang mga ito at kong kanino galing. Naalala ko ko din bigla noong highschool ako it was february 14 din noong panahon na yon.

Klien Vincent Dela Vega

"Wow ang pogi naman nang anak ko" nakangiting sambit ni mommy ng makita niya akong pababa ng hagdan. Nakasout na kasi ako ng Tuxedo at di lang kasi basta-basta yonh sout ko dahil sobrang mahal pa nito na binili pa ni mommy sa ibang bansa.

Kulay Light gray kasi ito at ang maganda ay sakto lang saakin.

"Naks naman kapatid! sino naman kayang ma swerteng babae ang masasayaw mo mamaya" tanong ni kuya gabby at sinundan naman ito ni kuya tyronne.

"Hoy tumigil nga kayong dalawa diyan igaya sainyo tong si Klien.

"Sus ma baka soon mas mauna pa yang magka asawa saakin HAHAHAHAHHAHA" Sambit ni kuya.

"Tarantado ka!" maya-maya ay lumapit saamin ang katulong namin.

"Ma'am sir nandiyan na po si Sir Benjo" Nang marinig ko iyon ay kaagad akong nakaramdam ng kaba at excitement.

Ito nanaman ako!

"Oh andiyan na yong bestfriend mo sige na!" sambit ni mommy, ngumiti naman ako at lumabas bago pa ako makalabas ay kinapa ko muna sa bulsa ko ang box at napangiti ako ng naroroon ito.

May binili kasi akong kwentas kahapon sa mall at for sure magugustuhan iyon ni Benjo dahil guitar ang pendant nito.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko siya, napalunok ako dahil di ko alam, naka sandal siya sa gilid ng sasakyan na parang akala mo model.

He is wearing a maroon tuxedo at ang ganda ng ayos ng buhok niya, ayan nanaman ang puso ko.

Tumingin siya saakin.

"Whoah! pogi natin ngayon ah!" bati niya saakin, tumawa naman ako at lumapit sakanya.

"Mas pogi ka" sagot ko, sagot ko lumapit ako sakanya at nagulat ako ng ayusin niya ang neck tie ko. Amoy amoy ko ang pabango niya at parang may kakaibang dulot naman to saakin.

" O ayan, nagmamadali ka nanaman siguro tabingi yong neck tie mo eh" sambit niya. Ngumiti lang ako sakanya.

"Tara na" sagot ko, Nagulat ako ng pinag buksan niya ako ng sasakyan.

"Thanksss" sambit ko at pumasok ako sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam pero ang saya ko dahil sa ginawa niya.

Nang makarating na kami sa hotel kong saan gaganapin ang Prom ay halos mag kanda dapa-dapa yong mga kaklase kong babae at nakaramdam naman ako ng inis dahil sakanila.

Why Can't We?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon