Dare 9

1.2K 37 0
                                    

Bomod-ok Falls👆

CHAPTER 9
MONICA
"GUYS, WE'RE here." Sabi ni Mariane na nakapagpagising sa amin. Humikab ako at nag-unat-unat. What a long ride.

Pagkabukas ng van ni Una ay naramdaman namin ang lamig ng Sagada. I giggled. Napagplanuhan naming sa Sagada na matulog tutal nandito ang bahay ng grandparents niya sa mother side.

Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:00 PM. Maaga pa. Umalis kami ng school 3:00PM dahil wala naman ang next prof namin. And the fact that, suki si Mariane ng cutting classes.

Kinuha namin ang mga gamit namin sa likod ng van at pumasok kami sa mansion nila Mariane.

The design, antiques, and renovation; what a beautiful house. Parang palasyo sa sobrang laki. Hindi naman mukhang haunted mansion tulad ng mga napapanood, because this house was renovated, pagkwekwento ni Mariane kanina.

"So, I'll tour you around." sabi ni Mariane at pinagsiklop ang mga kamay kalaunan ay pinatawag ang maids para kunin ang bags na may lamang damit.

"You can put your other stuffs in the living room so that we can tour around." Pahabol niyang sabi at itinuro ang malaking sofa. Inilapag namin ang mga hand bags sa sofa na itinuro niya.

Pumunta kami sa isang kwarto na walang pintuan, "So this is the kitchen and outside is the dining table. You can see the utensils and pots here," hinila ni Mariane isang drawer sa baba.

May dalawang malalaking ref sa gilid, "So kung gutom kayo, guys nagpa-grocery na ako. And the chips are all here." Binuksan niya ang drawer sa taas na nagla-laman ng cereal boxes, powdered coffee and milk, at chips.

Ipinakita din nya sa amin ang bodega, garden, at maid's quarter na kuwarto ng mga maid kung sakaling dito mag-stay or magbakasyon ang pamilya nila Mariane.

Tumaas kami sa second floor, "So there are 3 rooms upstairs. The guest room, my bedroom, and another bedroom. May CR din dito sa taas. Merong jacuzzi at heater doon."

Itinuro niya sa amin ang mga room at sinabi niyang matutulog kami sa guest room dahil kasya kami sa pinagtabing king sized bed sa kwarto. May sariling walk in closet iyon at ang kabila ay glass wall kaya natatanaw namin ang malaking chandelier ng bahay na naka-locate sa gitna.

Nagtungo kami sa terrace. The view was great! No, the view was exquisite and luxurious! Makikita mo ang ilaw ng bawat building sa Baguio, though it's too far. May mga mansion din na makikita sa baba.

Malaki ang lupang nabili ng grandparents ni Mariane dito sa Sagada. Kaya malayo-layo rin ang mga bahay at ang main gate pa ay nasa pinakababa.

"Wow!" Sabay-sabay naming sabi habang nililibot ang buong lugar. The skyscrapers in the city, the lights, the night sky, and the cold breeze, perfect.

Pumasok na kami sa kabahayan at isinara na ni Mariane ang glass door ng terrace. Even though my eyes are getting heavy, I can't still forget how beautiful the view was. It feels like paradise.

"Anong gusto niyong gawin muna? Eat? Sleep?" Tanong niya. I yawned.

"Pahinga muna tayo then we'll eat." Sabi ko na sinang-ayunan naman nila. Pero dahil nakapag-grocery naman na si Mariane kami na lang ni Sam ang may sagot kapag kumain sa labas.

"Oh! There's karenderiya sa baba. Doon kami kumakain nila lolo kapag andito kami. Friend kasi nila lolo noon 'yung may-ari. And I'm sure only a few residents eat there. Twenty-four hours namang bukas. We'll get a discount if we eat there." Mariane excitedly giggled.

"Kung gaano ka kayaman, ganon ka rin ka-kuripot." Marzh tsked. "Ugh. I can eat nothing for my bags, Marzh!" Hindi ko na sila pinakialaman at humiga sa kama.

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon