CHAPTER 10
MONICA
NANG maihatid ako sa harap ng bahay namin ay dumeretso agad ako sa kama. Hay. Nakakapagod. I thought every vacation is a rest, but why do we feel tired when we get home?Nagpahinga ako saglit at naligo. Nang i-on ko ang shower ay malamig na tubig ang bumuhos sa'kin. Napapitlag ako at napayakap sa sarili.
"Shit!" Mura ko at pinatay ang shower. Pero na-realize kong... Bakit ko pa pinatay?! Eh 'di mas malamig na dahil sa nakabukas na pintuan ng banyo!
Konektado ang kwarto ko at banyo na ito. And... my aircon is on! Shit! Kaagad kong binuksan ang shower at hinayaang bumuhos sa akin ang malamig na tubig.
Pumikit ako at hinayaang ang isip kong mag-isip. I stumbled upon a memory, a childhood memory. I've never thought of this image for years. And now, the feeling of cupcakes and rainbows when I was a child came back. I smiled.
"Are you dumb?!" The boy shouted at me.
"No! Maybe you are! Idiot!" Sabi ko sa kanya. Hmph! What the hell is this boy's problem?!
Namumula na siya sa inis kaya tumakbo na ako dahil baka mahampas pa ako ng boy.
"We're not done, dumbass!" Sigaw pa niya. Gosh! How dare he call me dumbass!
Tumalikod ako at inilabas ang dila ko sa kanya para inisin.
Napangiti ako, I was seven years old that time and I was playing by myself when a boy ran towards me.
Nabangga ko siya syempre and that scene happened. Balak ko kasing pumunta sa park dito sa subdivision, without my parents' consent of course. I was seven that time! Obviously, I'm locked in our house.
Isinuot ko ang robe at nagpalit ng damit. T-shirt at leggings ang isinuot ko. Biglang nawala 'yung antok ko pagkatingin sa kama.
I glanced at the clock, 9:47 PM. Maaga pa at nakakain na ako. Maybe pupunta muna ako sa park ng subdivision and just roam around.
Kinuha ko ang cellphone sa bed side table. Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ang parents ko sa living room at nanonood ng kung ano sa Netflix.
"Oh! Where are you going, young lady?" Tanong ni daddy at sumubo ng popcorn.
"I'll just roam around." Sagot ko at ngumiti.
"Be careful, okay?" Sabi ni mommy. Tumango nalang ako at lumabas. Pagkabukas ko ng main door ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin.
I exhaled and smiled. It's been a long time since I walked in the villa. I miss my childhood days.
Naglakad-lakad ako, nakita ko pang nag-park si tito Denise sa garahe. Siguro galing siya sa work.
"Monica, gabi na, ah. Bakit nandito ka pa?" Tanong niya ng makita ako.
"Ah, maglalakad lakad lang po ako." Sagot ko at ngumiti. "Mag-iingat ka." Sabi naman niya. Tumango at ngumiti nalang ako kay tito.
Pumasok na siya sa bahay nila at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kinausap ko na lang ang sarili ko tutal wala namang ibang tao.
Nakarating ako sa mini playground ng subdivision. Napagdesisyon kong umupo muna sa swing at mag-reminisce. Ang dami ko pa lang memories na naiwan dito sa playground. Nagsimulang gumalaw ang paa ko para gumalaw ang swing.
Nag-hum ako ng isang kanta at kinanta kung saan nag-stop ang pagh-hum ko.
"... hindi nalang ako lalapit,
Hindi nalang titingin.
Para hindi na rin mahulog pa...
Sa iyong mga mata."
BINABASA MO ANG
Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE
عاطفيةEveryone dares themselves to chase Gabriel Davis Santos, to have sex with him, to catch him... but no human being can love him more than the charming sweetheart, Crisa Monica Ramirez. -------- When the heartless playboy, Gabriel Davis Santos was dar...