CHAPTER 31
MONICA
"SAM, tara shot..." the words just slipped on my mouth. F*ck. What did love do to me? I suddenly want to sleep on alcohol. I need it. Kahit pa hindi pa ako nakakainom ay pakiramdam ko'y lasing na ako, it was as if I want to take out my heart out of my body.
I was actually planning to drink tonight by myself. When I saw how dark it was outside, I doubt if I can still go back in our cabin safely drunk. Buti na lang at nakita ko si Sam na nakaupo sa labas.
I walked near to her when the cold breeze welcomed me. My knees trembled, I was only wearing my shorts and an oversized white shirt that almost looked like a dress with my height.
"Pwede bang uminom? Baka magalit ang mga teachers natin." she said and stood up from sitting on one of the benches in front of our room.
"Pwede 'yan. Wala namang magsusumbong. Bakit? Balak mo ba?" Parang walang pakealam kong sabi. She stood up and sighed like she has no choice but to join me drink.
Naghintay ako ng ilang minuto sa kung saan nakaupo si Sam kanina. God, why is she taking so long? I impatiently tapped my fingers against my bare thigh. Akmang papasok na ako para tingnan siya sa cabin ng lumabas siyang nakasuot ng white sweater at maong shorts.
"Tara." Sabay kaming naglakad at naghanap ng pwedeng pagdramahan. God, why am I so tensed?
Isang Korean pub ang nahanap namin. Okay na ito, may alak naman sila. Nag-order kami ng dalawang soju at yung iba si Sam na ang nag-order. The moment our waiter got our orders, sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Damn, still haven't moved on? Pati sarili ko pagod na sa akin.
Pagkalapag ng order namin ay agad kong binuksan ang isang bote ng soju. I heard Sam heaved a sigh like her life was depended on it.
"Monica, kahit pa uminom ka nang uminom at kahit pa magpaturok ka ng alak diyan sa mga ugat mo, hinding-hindi ka makaka-move on." dali-dali niyang inagaw ang hawak kong soju at inilayo sa akin.
Agad akong tumayo at lumapit sa ref na nasa gilid ng counter. Ramdam ko ang mabibigat na tingin ng mga tao sa loob. Pagharap ko kay Sam ay itinaas ko ang hawak na soju, nakita ko siyang napasapo sa nuo. Pilit akong ngumiti sa kaniya habang umuupo. Pero kakalapag ko lang ng soju ay agad niya itong kinuha.
"Sam, akin na!"
"Nah-uh." she shook her head and drank the alcohol straight from the bottle, gargled the drink and spit it back from the bottle. My jaw dropped. Gross.
"Ang dugyot mo talaga!" parang biglang sumakit ang ulo ko. I suddenly felt sick and my eyelids starts to blink heavily, but the thought of forgetting him and the pain makes me want to continue dozing off. Am I drunk?
I pouted and crossed my arms, gumilid ako ng tingin at sa hindi kalayuan nakita ko si-Gabriel. May tama na nga ako.
Ewan ko pero pinakititigan ko pa iyon at isiningkit ko pa ang mga mata na parang kinikilala ang lalaki. Napagtanto kong hindi pala siya iyon. Tumango-tango ako na parang baliw at natawa bago humarap kay Sam.
"Sam, paano ba mag-move-on?" tanong ko. Nararamdaman ko na ang hilo pero parang gusto ko pa. If this would make me forget about the pain even if it's just temporary, I'll gladly drowse off.
"Moving on means, walking through that wall. Kung ikaw ang titanic at may ice berg sa harap mo, iiwas at iiwas ka. Madali bang umiwas sa ice berg? Hindi. So is moving on. It's a process." Sabi niya habang nilalaro ko ang karne at chopsticks na hindi nakatingin sa kaniya.
"So paano ko iiwasan 'yung ice berg?"
"Focus, have faith, and don't be an idiot. Get up, we're going back to the cabin." she stood up, grabbed her purse, and tried to help me up.
Iniisip ko na si Gabriel ang karne kaya tinusok-tusok ko ang karne hanggang sa maghiwalay ito sa maliliit na piraso.
"Monica." mahina pero may diing sabi ni Sam. Stainless kasi ang mesa ng pub kaya lumikha ng napakalakas na tunog ang pagdabog ko dito ng stainless chopsticks.
"S-Sam... gusto ko nang makalimot." Bigla nalang akong umiyak at suminghot-singhot. Pinisil ko ang dibdib ko kung saan ang puso. As if it would help to ease the pain.
"Nakaka-bwisit siya." Sabi ko pa. Lumapit sa akin si Sam at hinaplos ang buhok ko. "S-Sam..." naiiyak kong sabi.
Nararamdaman kong bumaliktad ang sikmura ko, "Hmm?" mahinahon niyang tanong. "Nasusuka ako." tumingin ako sa kaniya.
"Not now." Tatayo na sana ako ng biglang lumabas na. Lumabas na lang kami ni Sam sa pub at doon ko tinuloy ang pagsuka. Hearing Sam's scolds and rants makes me want to puke my organs out.
Nang medyo okay na ay tumayo ako mula sa nakayukong pwesto ko. May humawak ng kamay ko at sinabit iyon sa kaniyang leeg.
And I know that it's not Sam's because the person guiding me now was tall, I can feel his broad shoulders, and a very hard body. "Gab?" rinig kong bulong ni Sam.
"Ha?" napatingin ako sa pwesto ni Sam na pinipilit isabit ang braso ko sa balikat niya.
Kahit na hindi sigurado ay bigla kong binawi ang braso ko sa 'GAB' na yun. "Don't touch me! Bitawan mo ako!" sabi ko.
"Uh Monica, hindi ka na niya hinahawakan." Bulong naman ni Sam, "Oh." Humagikhik ako at kinagat ang index finger.
"Kahit na!" muli kong sigaw. "Kung sino ka man, punyeta ka!" sigaw ko sa sinasabi ni Sam na 'GAB'.
Lasing na talaga ako dahil bigla na lang tumulo ang mga luha ko at humagulgol ako sa gitna ng daan. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
"Oh God, she's drunk." Rinig kong sabi ni Sam at napatampal sa noo.
"Samahan ko na kayo..." hindi talaga ako sure kung si Gab talaga iyon or si Freedom. Magkaboses kasi ang dalwang iyon.
Hinawakan nila ang dalawa kong braso ngunit binawi ko iyon. Gumewang-gewang ako pagkatapos ay hinarap kong index finger ko sa harapan ko. Naramdaman kong umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo.
Narinig kong bumuntong hininga ang sinasabing 'GAB' ni Sam saka na lang ako binuhat sa likod niya. Mahina akong napatili.
"Bitawan mo ako!" pagpipiglas ko. Pero ng mapagod ay tinigilan ko din at pinabayaan ang posisyon naming ganoon.
"Alam mo ba kung gaano mo ako sinaktan? Ha?!" tanong ko sa bumubuhat sa akin. "Mhm." He just hummed kaya ewan ko pero bigla na lang nag-init ang ulo ko.
"Sumagot ka ng maayos, punyeta ka." Sabi ko at lasing na pinitik ang tenga niya. "Aray." Iyon lang ang sinabi niya at inayos ang pagkakabuhat sa akin.
"Sayang nga, eh, sinaktan mo ako bago ko pa masabing mahal kita." Tumawa ako at iniyuko ang ulo ko sa balikat niya. What am I even saying?
"Sinayang mo lang 'yung tiwala kong buo kong binigay sayo." Dagdag ko pa at suminghot.
"Kaya ang wish ko lang... mamatay ka na at manahimik na ang kaluluwa mo." mahina kong sabi at narinig ko lang siyang tumawa.
This proclaimed 'GAB' muttered something I did not comprehend. Is he crazy?
"Huh?" iyon lang ang sabi ko dahil wala akong naintindihan sa sinasabi niya. Alam kong lasing na ako dahil pumupungay na ang mga mata ko at bumibigat na ang mga tulikap ng mata ko.
I yawned and let my head rest in his shoulders and I slept. Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa aking likod.
Pero bakit mas kumportable pang matulog sa likod ng lalaking iyon? Hinayaan ko ang sarili kong matulog dahil ang sakit na talaga ng ulo ko.
Oo lasing na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE
RomanceEveryone dares themselves to chase Gabriel Davis Santos, to have sex with him, to catch him... but no human being can love him more than the charming sweetheart, Crisa Monica Ramirez. -------- When the heartless playboy, Gabriel Davis Santos was dar...